Chapter 55: Untitled

57.7K 512 39
                                    

Louise’s POV

“Itigil ang kasal!!!”

Napatingin ang lahat ng mga tao na nasa simbahan pagkatapos kong sumigaw sa kalagitnaan ng seremonya ng kasal. Sa suot ko ba naman ngayon sino ang hindi makakapansin sa’kin.

“Itigil ang kasal!!!”

Ulit ko habang naglakad ako sa aisle na para bang ako ang kinakasal. Nilapitan ko si Megan at si Xander.

“What are you doing here Bitch?”

Mataray natanong ni Megan. Sa itsura ng mukha niya, hindi nagustuhan ang presensya ko. Sino ba naman ang gustong may pumigil sa kasal niya.

“I’m here to take what’s mine…. BITCH!!!”

Mataray na sagot ko kay Megan.

Itinaas ko ang kamay ko para sampalin si Megan pero bago ko paman naidapo ang palad ko sa pisngi ni Megan, may humawak na sa kamay ko.

Hindi ko alam kung paano ako napigilan ni Raven samantalang hindi naman siya nakakalakad ng maayos.

“Hindi mo alam kung anong pinapasok mo Little Princess.”

Bulong ni Raven sa tenga ko. Pero kakaibang bulong ang ginawa niya, pakiramdam ko tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Bigla nalang akong nakadama ng lamig.

“Father, ituloy niyo na po ang kasal.”

Utos ni Raven kay Father.

Hinigpitan pa lalo ni Raven ang paghawak niya sa pulsuhan ko.

“Bitawan mo nga ako Raven.”

Nagpumiglas ako pero hindi ko nagawang bawiin ang mga kamay ko.

“Hmm.. Hindi na ako magtataka kung papano mo nalaman ang pangalan ko.”

Sambit ni Raven.

“Bitawan mo siya Raven!!”

Utos ni Xander kay Raven.

“Nilalabanan mo ba siya Xander? Pwes wala na kayong magagawa kahit na magtulungan pa kayong dalawa. FATHER ITULOY ANG KASAL!!!”

Sigaw ni Raven. Dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya, nakaramdam na ng takot ang mga bisita nila pero wala ni isa sa kanila ang tumayo at umalis.

“Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng ‘to.”

Mas lalo pang hinigpitan ni Raven ang paghawak sa kamay ko at hinila ako papalayo sa altar. Kahit na may deperensya ang isang paa niya, nagawa padin niya akong hilahin papalayo kina Megan at Xander.

“Bitawan mo nga ako!!”

Sigaw ko habang hinihila ako ni Raven. Ilang beses kong sinubukang bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi ko makayanan ang lakas niya.

“Akala mo mapipigilan mo ang kasal?”

Sigaw ni Raven sa’kin.

“Bitawan mo si Louise!!”

Sigaw naman ni Xander pero hinawakan siya ni Megan kaya hindi niya ako nalapitan at natulungan.

“Hindi mo ako kaya!”

Pananakot ni Raven sa’kin.

“Bitawan mo nga sabi ako eh!! Bingi ka ba?”

Bago paman niya ako tuluyang pinalabas sa simbahan, dumating naman si Tito Alexander para iligtas ako.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon