Chapter 30: What a Relief!

68.3K 680 22
                                    

“Ikaw ba si Louise Montefalcon?”

Tanong ng Daddy ni Xander.

“Opo Sir.”

Mahina kong sagot sa kanya. Nakatitig lang siya sa’kin na para bang pinag-aaralan ang kabuuan ko. Walang ka ekspre-ekpresyon ang mukha ng Daddy ni Xander.

Ito na iyong kinatatakot ko, baka talaga hindi niya ako gusto kaya ganyan nalang siya kung makatitig. Baga maging katulad rin ako ni San Chai at ni Jandi.

“Huwag mo akong tawaging Sir..”

Nilunok ko ang laway ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na alam kung anong dapat kung gawin. Kung dapat bang mag walk out nalang ako dito at hindi na magpakita pa o dapat bang manatili ako dito at panindigan ang relasyon namin ni Xander. Ganun naman kasi ginagawa ng mga bida sa telenovela diba?

Pero, konting konti nalang talaga at sasabog na ang puso ko.

“Tito nalang ang itawag mo sa’kin.”

Saka ngumiti ang Daddy ni Xander.

Napahawak nalang ako bigla sa dibdib ko at saka huminga ng malalim.

Woo!!

Parang nabunutan ng malaking tinik ang puso ko. Makakahinga nadin ako ng maluwag ngayon. Akala ko talaga susungitan na niya ako.

Tumingin lang si Xander sa’kin at ngumiti.

“Sabi ko naman sa’yo magugustuhan ka niya.”

Bulong sa’kin ni Xander..

“Oh ano pang hinihintay niyo? Kumain na tayo at ako’y nagugutom na.”

Sabi ng Daddy ni Xander habang nakangiti sa amin. Akala ko talaga masungit ang Daddy ni Xander at hindi marunong ngumiti.

Magkatabi ang upuan namin ni Xander habang nasa center naman iyong Daddy niya.

Pinagsilbihan naman kami ng maid nila.

“Alam mo Louise, matagal ko nading hindi nakikita si Xander na ngumingiti. Simula nong mawala ang Mama niya, mabibilang lang ng mga daliri ko ang mga ngiti sa labi niya sa isang buwan.”

Pagsisimula ng conversation ng Daddy ni Xander.

“Talaga po?”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng Daddy ni Xander.

“Oo. Kahit nga nakatira kami sa isang bahay, hindi kami araw araw nagkikita, pano ba naman kasi pag dumarating ako sa bahay, nasa kwarto na siya at hindi na lumalabas. Pero simula nong maging kayo, napansin kong nag-iba na iyong anak ko. Palagi na siyang ngumingiti at nakikipag-usap na sa’kin. Kahit may mga bagay na hindi parin kami magkasundo, nag-uusap na kami ngayon hindigayang dati.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon