Chapter 57: "I d....."

65K 541 50
                                    




Louise’s POV

It’s been one and a half year simula nong magpropose sa’kin si Xander. Hindi ko talaga inasahan na gagawin niya iyon. Not the proposal but the way he proposed to me. Andami ko ng napanood na movies at nabasang love story pero hindi ko pa talaga napanood o nabasa ang ganung klaseng pagpopropose Imagine, ako pa talaga ang pinahirapan ni Xander, but still napa oo niya parin ako.

Sa isa at kalahating taon na lumipas sobrang dami na ng nangyari. Iyong company na pagmamay-ari ni Tito Alexander, binenta na ni Xander dahil ayaw niyang mamahala sa kompanya ng Daddy niya. Everyone knows the reason. Wala nadin namang ibang nagawa si Tito Alexander kundi ang pumayag sa gusto ni Xander. Ayaw nadin kasi niyang ipagpatuloy ang kompanya kung saan nauugnay parin si Raven. Ang kinita nila sa kompanya, ibinigay nila sa iba’t-ibang charitable institute.

And now si Xander, busy na sa pagpapalago ng restaurant ng Mommy niya. Wala pang isang taon pero may tatlong branch na ito sa iba’t ibang lugar. At ngayon, anim na lahat ang branches ng restaurant na pagmamay-ari niya. And the good thing is best seller sa lahat ng branches ang Bacon and Mushroom Carbonara

Si Tito Alexander naman, nakalaya na mula sa tatlong taong pagkakabilanggo niya. Maayos na ang lahat, sa palagay ko wala na kaming dapat pang asikasuhin kaya naisipin namin ni Xander na simulan na ang bagong kabanata ng buhay namin.

“You’re the prettiest bride I’ve ever seen.”

“Mommy naman, binobola mo na naman ako.”

Nakaharap ako sa salamin katabi ni Mommy. Tinitigan ko lang ang repklesyon ng mukha ko sa salamin. As of this moment, gustong maniwala sa sinabi ni Mommy Yumi dahil pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babae na nabubuhay sa mundong ibabaw.
Pakiramdam ko isa akong prinsesa sa isang fairytale katulad nila Cinderella, Snow White, Belle at iba pa. And just like in fairytales, magkakaroon narin ako ng happy ending. Ikakasal na ako sa prince charming ko, sa lalaking pinakamamahal ko. Si Xander. Hindi magtatagal magiging  Mrs. Yap nadin ako.

Ang totoo niyan hindi pa nasisink in sa isipan ko na magkakaroon narin ako ng sarili kong pamilya. Katulad ni Mommy, magkakaroon narin ako ng sarili kong prinsesa at prinsipe. Pero I’m confident enough na magiging mabuti akong Mommy sa mga magiging anak ko dahil hanggang ngayon dala dala ko ang mga aral na tinuro sa’kin ni Mommy at Daddy at hinding hindi ko kailanman bibitawan iyon.

“Hindi kita binobola Princess. You’re the prettiest and I mean it.”

Sabi ni Mommy habang pinat niya ang ulo ko.

“Thanks Mom.”

Ngumiti ako kay Mommy at niyakap siya.

“Are you ready?”

Tanong ni Daddy Kurt pagpasok niya sa room kung nasan kami ni Mommy.

“Yes Dad.”

Sagot ko kay Daddy.

“If that’s the case then let’s go? Baka kasi magbago pa ang isip ko at hindi na kita ibigay kay Xander.”

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilapitan si Daddy.

“Dad..”

Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy.

“Kung pwede lang sanang hindi ka namin ibigay kay Xander gagawin namin ng Mommy mo iyon pero I know that we can’t take care of you forever. Years from now, mawawala narin kami ng Mommy mo at ayokong maiwan ka ng mag-isa.”

Bigla nalang akong kumalas mula sa pagyayakapan namin ni Daddy.

“Dad? Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Ikakasal lang ako tapos magdadrama ka na mawawala na kayo ni Mommy?  I know Dad darating ang panahon na iyan pero malayo pa iyon.”

“I know Princess pero I feel weird today.”

“Dad naman..”

“I know you need your Prince kaya nga kami pumayag ng Mommy mo na bitawan ka.”

“Thank you Dad.”
“We know that Xander will take care of you. Kagaya ng pag-aalaga at pagmamahal na binigay namin ng Mommy mo sa’yo.”

Niyakap ko na ulit si Daddy.

“Totoo nga talagang nagiging emosyonal ka pag ikakasal na ang anak mo.”

Sabi ni Daddy.

“Can you please stop that drama?”

Saway namin ni Mommy sa’min habang pinunasan niya ang kanang mata niya ng panyong dala niya.

Pagdating namin sa simbahan sobrang dami na ng tao pero hindi pa naman nagsisimula ang ceremony. Nasa kotse lang ako at nakaupo, masaya, emosyonal at kinakabahan. Halo halong emosyon ang naramdam ko. Pero normal lang naman talaga ‘to sa mga taong ikakasal na.

….

Megan’s POV


Tatlong taon..

Tatlong akong parang pusa na nagtatago.
Tatlong kung kinulong ang sarili ko sa malaking bahay namin.
Tatlong taon akong nag-iisa, walang makasama at walang makausap.
Tatlong taon akong naghirap.
Tatlong taon akong nagdusa.

Dahil sa isang babaeng hinding hindi ko mapapatawad.  Ginawa niyang miserable ang buhay ko. Pinahiya niya ako sa harap ng mismong tao, inagaw niya sa’kin ang taong pinakamamahal ko. Hindi pa siya nakontento, inilayo pa niya pati ang sarili kong ama sa’kin. Dahil sa kanya kaya nakulong si Dad. Dahil sa kanya kaya ako nasa ganitong sitwasyon.

“This is all your fault Louise Princess Montefalcon.”

Umupo ako sa harap ng salamin ng kwarto ko.

Sa loob ng tatlong taon, wala paring nagbago sa itsura ko.

I’m still beautiful.
Kahit sang angulo ko tignan ang mukha mo napapamangha parin ako sa nakikita ko sa salamin.

“Why are you so beautiful Megan?”

Tanong ko sa sarili ko habang hinimas himas ko ang kanang pisngi ko.

Walang wala ang ganda ni Louise kung ikukumpara sa ganda ko. Hanggang pinky finger ko lang ang ganda niya.

Binuksan ko ang drawer at kinuha ang mga make up na gagamitin ko ngayon. Sinimulan ko ng lagyan ng make up ang mukha ko para mas lalo pa akong maging maganda hindi lang sa paningin ko kundi pati narin sa paningin ng iba. At lalong lalo na sa paningin ng taong pinakamamahal ko. Si Xander.

Isinuot ko na ang black gown ko at black heels pagkatapos. Humarap ako sa full length mirror namin at napahanga sa angking kagandahan ko.

Tatlong taon..

Tatlong taon akong naghintay para sa araw na’to.
Tatlong taon akong hindi makatulog ng maayos dahil sa pananabik na makaganti narin kay Louise.
Ngayong dumating na ang araw na pakakahintay ko, hinding hindi ko na to palalampasin.

“Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa’kin Louise..”

Kung anong ginawa ni Louise sa’kin, gagawin korin sa kanya.
Kung anong kinuha niya sa’kin, kukunin ko rin sa kanya.

“Taste my bitter revenge for you Louise...”

Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas na ng bahay.

Pagdating ko sa bahay sobrang dami ng ng tao. Maaga pa naman pero nagkumpulan na ang mga bisita sa loob ng simbahan.

Nasa labas pa lang ako ng simbahan pero ang mga tao sobra na kung makatitig sa’kin. Wala pa nga akong ginagawang masama pero iba na ang mga titig nila. Well, sino ba naman ang hindi mapapatitig sa’kin. Sa suot kong black gown na para bang may lamay akong pupuntahan at sa angking kagandahan ko.

Tingnan mo siya.

Kanina pa nga ako nakatingin sa kanya.
Isa ba siya sa mga bisita ni Louise at Xander? Bakit itim ang suot niya?
I don’t know tanungin mo siya.
Ayoko nga baka naman kasi baliw iyan kaya iyan andito.
haha. Baka nawala lang..hehe

Pinagtatawanan nila ako pero wala akong pakialam dahil isa lang ang gusto kong mapaghigantian ngayon. Si Louise.
Sa susunod sila naman ang sisingilin ko. Kaya tinitigan ko sila ng husto para naman matandaan ko ang mga mukha nila.
Pero they look familiar. Siguro schoolmate ko sila dati.

Pero you know what I think nakita ko siya somewhere but hindi ako sigurado kung saan.
Siguro dahil ka look alike sila ni Megan.
Tama! Si Megan nga. Asan na ba iyong si Megan?
Well I don’t know. Never heard of her simula nong napahiya siya sa loob ng simbahan. hihihi
hahaha. Huwag mo na ngang bangitin iyon natatawa lang ako.
Nag drop na nga siya sa school natin eh.
Eh kung sakin nga naman mangyari iyon baka tumalon na ako sa building. haha

Pinagtatawanan parin nila ako pero hindi ko na sila pinatulan. Naghanap na muna ako ng lugar sa loob ng simbahan kung saan wala masyadong makakakita sa’kin.


Raven’s POV

Tatlong taon.

Tatlong taon akong nagdusa sa loob ng kulungan.
Hindi ko talaga makayanan ang sobrang sikip ng higaa, sobrang dumi ng paligid at ang nakakadiring pagkain na hinahain nila.
Mula nong nakulong ako dito wala ni isang dumalaw sa’kin. Kahit na si Megan pero naiintindihan ko naman iyon.
Hindi niya ako kayang makita na nasa loob ng kulungan. Ayoko rin namang makita niya ako na naghihirap dahil mas lalo akong mahihirapan sa loob kung mag-aalala siya sa’kin.

Tatlong taon akong nakakulong dahil sa kagagawan nila.
Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi sila magiging masaya habang nagdudusa ako dito.

Pero nakalaya na si Alexander kahapon habang ako andito parin sa kulungan.
Ayokong mabulok dito habang buhay.
Kailangan kong makalabas dito.

“RAVEN! May bisita ka!”

Sigaw sa’kin ng nakabantay sa selda namin.

Sa loob ng tatlong taon, may bumisita narin sa’kin.

Hindi mo pala ako matitiis Megan.

Sa loob loob ko natuwa narin ako dahil sobrang miss na miss ko na ang anak ko.

Binuksan na ang pinto ng kulungan namin at pinusasan na muna ako bago ako pinapunta sa visiting area.

“Limang minuto lang ang meron ka kaya bilisan mo.”

Tumango naman ako at pumasok na sa loob.

“BOSS!”

Tumayo si black finger at nilapitan ako.

“Maupo ka na black finger.”

Utos ko sa kanya.

Hindi ko inasahan ang pagpunta niya dito.

“Boss pasensya na talaga at ngayon lang ako nakabisita sa’yo. Alam mo namang naging mainitan nadin kami sa mga mata ng mga pulis simula nong mahuli kayo. Nagpalamig na muna kami sa lungga natin bago kami lumabas. Mahirap na kung makulong din kami.”

Sabi ni black finger.

“Mabuti naman at hindi kayo nahanap ng mga pulis. Kamusta na ang iba?”

“Boss, buo parin kami maliban nalang kay Alexander. Pero balita ko nakalaya nadin siya kahapon kaya naman napagpasyahan na naming bisitahin ka dito. Hindi naman kami makakapayag na manatili ka dito habang nakalaya na si Alexander.”

Tumango lang ako bilang tugon ko sa sinabi ni Black Finger.

“Boss kamusta kayo dito?”

“Huwag mo ng tanungin black finger dahil hindi mo rin naman magugustuhan ang sasabihin ko. Ano ng balita sa labas?”

Simula nong nakulong ako hindi ko na alam kung anong nangyayari sa labas ng mundo ko. Wala na akong balita.

“Boss masamang balita po dahil ikakasal na po iyong anak ni Alexander.”

“ANO?”

Napatayo ako sa upuan ko.

“Opo boss.”

“Hindi maara ito black finger. Hindi ako makakapayag na magiging masaya sila habang nakakulong ako dito. Black Finger makinig ka, kailangan mo akong tulungan na makalabas dito.”

“Huwag po kayong mag-alala boss dahil andito po ako ngayon para itakas kayo. Iyong ibang kasama po natin nasa labas na po at naghihintay sa paglabas niyo.”

Ibinulong sa’kin ni black finger ang plano nilang gawin.


…...


“BOSS!! BOSS!! TULONG BOSS! SI RAVEN PO HINDI PO MAKAHINGA NG MAAYOS!!”

Narinig kong sigaw ni black finger sa mga pulis sa labas ng visiting area.

Agad namang pumasok ang mga pulis sa loob.

“Anong nangyari sa kanya?”

“Sinabi ko lang naman po sa kanya na ikakasal na iyong anak ng nagpakulong sa kanya. Dahil siguro sa sobrang lungkot hindi nakayanan at hindi na makahinga ng maluwag.”

“Bilisan niyo kailangan natin iyang dalhin sa pulis at baka mamatay pa iyan dito.”

Utos ng isang pulis.

Agad naman nila akong binuhat patungo sa stretcher at isinakay sa ambulansya.

“Boss!! Konti nalang po!!”

Sabi ni black finger habang patuloy sa pag-iyak niya.

“BOSS! Huwag kayong bibitaw..!!”

Hindi nagtagal huminto ang ambulansyang sinasakyan namin.

“Anong problema?”

Tanong nong isang pulis.

“Hindi ko po alam. Titignan ko lang po baka may problema sa daan.”

Binuksan nong isang pulis ang pinto sa likod ng ambulansya pero pagbukas niya, sinalubong agad siya ng mga baril ng mga tauhan ko.

Sa sobrang dami ng mga tauhan ko, hindi sila kinaya ng tatlong pulis lang.

…..

“Boss ano pong plano natin?”

Tanong ni black finger habang minamasahe niya ang mga balikat ko.

“Boss kailangan na po muna nating magpalamig. Sigurado po akong pinaghahanap na po tayo ng mga pulis ngayon.”

“Boss ipapahanda ko na po ang private plane natin.”

Sabi naman ni black toes.

“Sige. Pero bago tayo umalis may aasikasuhin lang muna tayo. May iiwan tayong marka na hinding hindi nila makakalimutan.”

“Ano po iyon Boss?”

Sabay nilang tanong.

“Boss andito na po ako!”

Sabi ni black ear.

“Asan si Megan?”

“Wala po siya don sa bahay niyo Boss kanina pa po ako naghihintay sa pagbalik niya pero wala parin. Gusto niyo po bang hanapin ko ulit?”

“Huwag na dahil alam ko kung san natin siya mahahanap.”

“Maghanda na kayo!!!”

Utos ko sa kanila..

Pagkatapos ng tatlong taon, matitikman ko narin ang paghihiganti na matagal ko ng hinihintay.


Alexander’s POV


Tatlong taon..

Tatlong taon akong naghirap sa kulungan pero alam ko tama lang sa’kin iyon dahil kailangan kong pagbayaran ang nagawa kong labag as batas.

Pero ngayon na nakalaya na ako, makakapagsimula narin ako ng bagong buhay. Ng walang binabaleng batas. Napagbayaran ko na ang mga kasalanan ko kaya karapatan kong maging masaya ngayon.

Sa wakas matutupad ko narin ang kasiyahang pinapangarap ko lalong lalo na na ikakasal na si Xander kay Louise.

Andito na kami sa simbahan pero hindi parin nagsisimula ang kasal dahil wala parin ang bride.

*Riing* *Riing*

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at pinindot ang answer button.

“Hello?”
(Hello Sir, si Officer Sarmiento po ito. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na nakatakas po si Raven.)
“Ano? Kelan?”
(Kanina lang po. Tinakas po siya ng mga kasabwat niya. HIndi parin po kasi sila nahuhuli hanggang ngayon. Mag-ingat po kayo)
“Cge, tawagan mo nalang ulit ako kung may balita na po kayo kay Raven.”

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito kay Xander at kay Louise. Pero ayokong magpatuloy ang kasal nila na may pag-aalala.
Kilala ko si Raven at alam ko na may plano siyang hindi maganda.
Alam kong hindi siya mapapakali hanggat hindi siya makakaganti sa’kin.

“Alexander, may problema ba?”

Tanong sa’kin ni Kurt.

“Oh pare andito na pala kayo. Si Louise?”

“Nasa kotse pa. Ba’t ang lalim ata ng iniisip mo? May problema ba?”

“Wala naman.”

“Sigurado ka ba?”

Ayokong sabihin kay Kurt ang lahat pero hindi ako mapapakali hangga’t hindi ako makakasiguro na ligtas si Xander at si Louise.

Napagpasyahan kog sabihin kay Kurt ang lahat.

“ANO?”

…..

Louise’s POV


Inihatid na ako ni Daddy Kurt at Mommy Yumi patungo sa altar.

While I was walking on the aisle, ibang iba ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag. Nasa akin ang lahat ng mga mata ng mga bisita.

Pero nasa isang tao lang ang mga mata ko.

Sa prince charming na naghihintay sa’kin sa altar.

Sa lalakig pinakamamahal ko.

kay Bacon.

Narinig ko nalang bigla ang kantang ginawa ni Xander para sa’kin.

(AN: Si Shayne Ward po ang totoong kumanta ng beautiful in white hindi po talaga si Xander. Please allow me nalang na i-assume na si Xander ang gumawa ng kanta para kay Princess.)

♫ Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak ♫

Nong una kong marinig ang kantang iyan naiyak nalang ako bigla. Dahil alam ko iyan talaga ang nararamdaman ni Xander para sa’kin.

♫ In that very moment
I found the one and
My life had found its
Missing piece ♫

Habang papalapit ako ng papalapit kay Xander mas lalo akong kinakabahan. Hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil sa sobrang saya.

♫ So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight ♫

Andami na naming pinagdaanan ni Xander pero sa huli kami parin ang magkasama ngayon.
Kami parin ang nagkatuluyan.

♫ What we have is timeless
My love is endless
And with this ring, I
Say to the world ♫

Makakamit narin namin ang happy ending na inaasam asam namin noon pa.

♫ You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart, I
Mean every word ♫

Pinapangako ko na habang nabubuhay ako, mamalin ko si Xander.
Aalagaan ko siya hangga’t kaya ko.
Kamatayan lang ang makakapagpahiwalay sa aming dalawa.

♫ So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight ♫

I’m so thankful dahil sa sobra sobrang biyaya na binigay ng Panginoon sa’min. Wala pa ako sa altar pero hindi ko na mapigilan ang mga luha na lalabas sa mga mata ko.

Nakatitig lang ako kay Xander at ganun din siya sa’kin

Kahit hindi kami nag-uusap, ang mga mata naman namin ang nangungusap.

♫ And if a daughter's what our future holds
I hope she has your eyes
Finds love like you and I did, yeah
But when she falls in love we'll let her go
I'll walk her down the aisle
She'll look so beautiful in white
You look so beautiful in white ♫

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa harap ng altar.

“Doubly blessed is the couple which comes to the marriage altar with the approval and blessings of their families and friends. Who has the honor of presenting this woman to be married to this man?”

“We do.”

Sabay na sagot ni Mommy at ni Daddy.

“Ingatan mo ang anak ko Xander.”

Sabi ni Dad kay Xander na para bang inuutusan niya ito.

“Huwag po kayong mag-alala Sir. Makakaasa po kayo.”

Ibinigay na ni Daddy ang kamay ko kay Xander.

"Dear friends and family, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Xander and Louise in marriage. Through their time together, they have come to realize that their personal dreams, hopes, and goals are more attainable and more meaningful through the combined effort and mutual support provided in love, commitment, and family; and so they have decided to live together as husband and wife.”

"Xander and Louise, remember to treat yourselves and each other with respect, and remind yourselves often of what brought you together. Take responsibility for making the other feel safe, and give the highest priority to the tenderness, gentleness and kindness that your connection deserves. When frustration, difficulty and fear assail your relationship, as they threaten all relationships at some time or another, remember to focus on what is right between you, not just the part that seems wrong. In this way, you can survive the times when clouds drift across the face of the sun in your lives, remembering that, just because you may lose sight of it for a moment, does not mean the sun has gone away. And, if each of you takes responsibility for the quality of your life together, it will be marked by abundance and delight."

Habang nasa harap kami ng altar, pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Xander ang andito. Sa kanya lang naka focus ang atensyon ko.

“We entered into each others lives and experienced love and happiness.
Today I am confirming my promise for all of my life to love and respect you, to be faithful and honest with you, to give you encouragement, strength and trust, to stand together in our times of joy and of sorrow.
I pray that our home will be one of love and understanding and patience ... not to remain the same, but to grow better and stronger with the passing of time, and through the love we have for one another.
Our lives have become joined with the times we have shared, and will be more complete by the memories ahead, ready to be made.
I am promising from this day forward that I will be your husband, to walk with you throughout all your tomorrows.
I love you Mushroom.”

Wala na akong pakialam kung masira man ang make-up ko ngayon dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang mga luha sa mga mata ko dahil sa sobrang pagiging emosyonal ko ngayon.

“Huwag kang umiyak.”

Bulong sa’kin ni Xander.

Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasa ang mga luha ko.
“Tahan na, kailangan mo pang sabihin nag vow mo para sa’kin.”

Tumango lang ako at sinunod si Xander.

“ Bacon, from this day forward, I promise you these things: I will laugh with you in times of joy, and comfort you in times of sorrow. I will share in your dreams, and support you as you strive to achieve your goals. I will listen to you with compassion and understanding, and speak to you with encouragement. I will help you when you need it, and step aside when you don't. I will remain faithful to you for better or worse. I love you too Bacon.”

"Do you Xander, take Louise to be your lawfully wedded wife, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?"

Nakatitig lang kami sa mata ng isa’t-isa ni Xander.

Mahal na mahal ko ang taong kaharap ko ngayon at hindi kaya ng mga salita lang na iparamdam sa kanya iyon.

“I d...”


“ITIGIL ANG KASAL!!!!!!!!”


AN: I'm sorry for the very very long wait..andami kong ginawa sa school..homework, exam, preparing for my report at lahat na..stressful week..

Supposedly dalawang chapters nalang ang natitira, pero dahil sa sobrang haba na ng tinype ko at hindi ko parin tapos ang chapter na'to, ginawa ko nalang dalawang chapters..so imbes finale nalang iyong hihintayin niyo, may isa pang chapter before the finale..it's like chapter 57 part 2..

ugghh..sorry for the typo..tamad na akong basahin to..please pm me kung may mali para ma edit ko..thank you..






The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon