Hihintayin kita sa park ngayong Biyernes 7 PM. May importante akong sasabihin sayo Mushroom.
Kahit hindi ko gustong isipin, hindi talaga nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Xander non.
“Misha, sa tingin mo dapat ba akong pumunta?”
Tanong ko kay Misha habang nanonood ako ng TV at karga karga ko siya. Kahit nasa harap ko ang TV hindi naman ako makapag concentrate sa pinapanood ko.
*Meow*
“Wala ka nabang ibang alam na sagot kundi meow?”
*Meow*
“Hay!”
*tok* *tok*
“Pasok.”
“Princess?”
“Oh kuya anong kailangan mo?”
Lumapit si Kuya sa’kin at naupo sa tabi ko.
“Okay ka na ba?”
Tanong ni Kuya Andrey.
“Ano bang klaseng tanong iyan kuya syempre okay ako.”
Sagot ko sa kanya habang nakatutok parin ang mga mata ko sa telebisyon.
“Sigurado ka ba?”
Huminga na muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
“Kuya…”
“Uhmmm?”
Okay lang naman siguro kung si Kuya at tatanungin ko sa tinanong ko kanina kay Misha. Wala naman kasi akong makukuhang matinong sagot mula kay Misha.
“Nagkita kasi kami ni Xander nong isang araw..”
“Hindi ko alam pero parang may iba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit siya ganun pero sa tingin ko may gusto talaga siyang sasabihin sa’kin. Sabi niya na hihintayin daw niya ako mamaya sa park.”
Hindi parin ako tumitingin kay Kuya. Baka kasi pagtawanan lang niya ako.
“Pumunta ka Princess. May kailangang sabihin si Xander sa’yo.”
“Pero kasi kuya, natatakot na akong umasa.”
“Walang masama kung umasa ka Princess, kailangan mong pakinggan si Xander. May dapat siyang sabihin sa’yo.”
BINABASA MO ANG
The Princess' Heart (Completed)
Teen FictionLove story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon..