Chapter 49: Invitation

56.5K 499 25
                                    

Louise’s POV

“Good Morning Princess.”

“Good Morning baby.”

Bati sa’kin ni Mommy at Daddy pagbaba ko. Nakaupo na sila sa harap ng hapagkainan at ako nalang ang hinihintay nila.

“Good morning Mom, Dad.”

Umupo na ako sa tabi ni Kuya.

Pagkatapos naming magdasal, nagsimula na kaming kumain.

“Anong napag-usapan niyo kagabi ni Xander?”

Bulong sa’kin ni Kuya Andrey.

“Wala.”

Sagot ko naman sa kanya.

“Anong wala? Imposible namang wala kayong pinag-usapan.”

Hindi ko na sinagot si Kuya dahil wala din naman akong sasabihin sa kanya. Totoo namang wala talaga kaming pinag-usapan ni Xander dahil hindi naman siya dumating.

“Princess, sige na sabihin mo na. Hindi ko din naman sasabihin sa iba.”

Siniko ako ni Kuya pero hindi parin ako sumagot.

“Anong pinag-uusapan niyo diyan?”

Tanong ni Daddy Kurt sa’min.

“Baka gusto niyong i-share sa’min ng Daddy niyo iyan.”

Sabi naman ni Mommy.

“Ahh wala po Dad, Mom. Kinukulit ko lang si Princess. Hehehe”

Sabi ni Kuya sabay kamot sa ulo niya.

..TPH..

“Andrey, huwag ka na munang umalis ng bahay okay? Bantayan mo na muna si Princess. Baka kasi lalabas na naman iyan.”

Bulong ni Daddy kay Kuya. Kahit binulong niya rinig na rinig ko parin dahil sa lakas ng ‘bulong’ ni Dad.

Tumango lang naman si Kuya kay Daddy.

“Princess, kailangan na naming umalis ng Daddy mo. If you need anything just ask your Kuya for it or call us okay?”

Sabi ni Mommy.

“Okay Mom.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon