Chapter 36: A Threat

62.7K 553 23
                                    

Xander’s POV

Pagkatapos magpaalam ni Louise na pupunta siya ng restroom, hindi na ako umalis sa table namin. Napansin kong sampung minuto na ang lumipas pero wala parin siya.

Ganun na siguro ang mga babae.

 

Hinintay ko parin si Louise pero malapit nang mag dadalawampung minuto na ang lumipas pero hindi parin bumalik si Louise. Tumayo na ako sa upuan ko at tinungo ang rest room ng mga babae.

Nakatayo lang ako sa labas ng rest room habang hinihintay si Louise. Sobrang nakakahiya dahil pinagtitinginan ako ng mga babae. Ilang babae na ang lumabas galing sa rest room pero hindi ko parin makita si Louise. Gusto ko na sanang pumasok sa loob kaso lang baka masampal pa ako ng wala sa oras nito.

“Excuse me may hinahanap ka ba?” tanong sa’kin nong babaeng kakalabas lang ng rest room

“Sorry Miss, may tao pa ba sa loob? Hinihintay ko kasi ang girlfriend ko.”

“Ako na iyong huling tao na gumamit ng rest room. Sigurado akong wala ng tao sa loob.” Sabi nong babae

“Ganun ba? Cge salamat..”

Wala akong ideya kung san nagsuot si Louise, hindi naman kasi siya umaalis ng hindi nagpapaalam.

Babalik nasanaako sa upuan ko dahil baka andun na si Louise ng bigla nalang may pumutok.

*BOOOM*

 

Ang lakas ng putok na para bang mabibingi ako. Hindi nagtagal nag kakagulo na sa loob at sa labas ng resto. Hindi ko na alam kung anong nangyayari, hindi ko din alam kung paano ko mahahanap si Louise ngayon.

Dali dali akong bumalik sa table namin.

“Excuse me!”

“Excuse me!”

Pero wala din don si Louise, kaya agad akong lumabas. Halos itulak na ako ng mga tao dahil sa sobrang pagkakataranta nila sa narinig na putok.

Hindi nagtagal, may dumating ng mga pulis. Isa isa nang nagsilabasan ang mga tao hanggang sa konti nalang kami na andito malapit sa resto.

Hinanap ko parin si Louise. Kung san san na ako naglibot para lang makita ko siya.

“BACON!!”

 

Saka lang ako nakahinga ng maluwag pagkatapos kong makita si Louise. Nilapitan ko agad siya at niyakap.

“Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?”

Tanong ko sa kanya habang hinagod hagod ko iyong buhok niya. Sobrang kaba iyong naramdaman ko kanina.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon