Louise’s POV
Hindi ako makapaniwala na magagawa sa’kin ni Xander iyon. Naaksidente lang ako at nakatulog ng ilang araw tapos ganun ganun nalang mangyayari? Hindi na siya magpapakita sa’kin?
Tapos ngayong nakita ko na siya, may iba na pala siyang kasama? At sa lahat pa talaga ng babaeng pwede niyang isama si Megan pa talaga.
Lokohan lang ba ‘to?
Hindi!Mali‘tong iniisip ko. Hindi magagawa sa’kin ni Xander ‘to. Kilala ko si Xander at alam ko na hindi niya magagawa sa’kin to.
Kailangan kong malaman ang totoo.
*Riing* *Riing*
Bumaba na ako ng escalator at lumabas ng mall. Hindi ko na pinansin ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog.
Paglabas ko ng mall pumara agad ako ng taxi..
“Manongsa Ford Streetpo. Pakibilisan lang po.”
Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang dahilan ni Xander.
“Cge po Ma’am.”
*Riing* *Riing*
“Hello?”
(Princess asan ka na ba? Nalunod ka na ba diyan sa inidoro at hindi ka na nakabalik?)
“Sorry kuya may inasikaso lang ako.”
(Kanina pa naghahanap si Mommy at Daddy sa’yo. Iniwan ako dito sa restaurant pano ba naman kasi nawala ka nalang bigla. Hindi mo pa sinasagot ang phone mo.)
“I’m sorry talaga Kuya pakisabi nalang kina Mommy at Daddy na hindi na ako sasabay. Umalis na ako ng mall may pupuntahan lang talaga ako.”
(Bahala ka nga diyan sa buhay mo.)
Saka niya binaba ang linya niya. Nakalimutan ko na na kasama ko pala si Mommy at Daddy.
Pagkatapos ng kalahating oras nakarating nadin kami ni Manong sa subdivision nila Xander.
“Andito na po tayo Ma’am.”
“Maraming salamat Manong.”
Binayaran ko na si Manong saka ako dali daling lumabas ng taxi niya.
Pindot ako ng pindot sa doorbell nila Xander pero wala talagang tao. Wala ba si Tito dito? O kaya iyong maid nila?
BINABASA MO ANG
The Princess' Heart (Completed)
Teen FictionLove story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon..