Chapter 14: Bad Day

79.2K 744 70
                                    

Habang nilalanggam silang dalawa, andito naman ako, humahakbang papalayo sa kanila, kasabay ng mga hakbang ng paa ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Kahit anong pigil ang gawin ko, hindi na nakikinig ang mga mata ko sa sinasabi ng isipan ko. Siguro nga, may sariling isipan na ito para magdesisyun na maglabas ng luha, kahit tutol naman ang utak ko.

Bakit si Xander pa?

Bago ako bumaba ng kotse ko, pinahiran ko muna ang mga bakas ng kalungkutan sa mga mata ko. Ayokong mag-alala sina Daddy. Lalong ayokong malaman ni Kuya na umiyak ako dahil kay Xander. Alam ko pagtatawanan lang niya ako dahil sa pagiging tanga ko.

Tiningnan ko iyong mga mata ko sa rear-view mirror.

“It’s okay Louise. Madami pa namang lalaki diyan. Makakahanap ka pa ng mas higit pa kesa kay Xander.”

Bumaba na ako ng kotse ko pagkatapos.

“Umiiyak ka ba?”

Halos tumalon iyong puso ko dahil sa gulat.

“Hindi.”

“Sigurado ka ba? Bakit ang pula ng mga mata mo?”

“Napuwing lang ako. Tumabi ka nga diyan kuya, humaharang ka sa daan eh.”

“Hindi mo ako maloloko Princess. Sinong umaway sa’yo?”

Pero hindi na ulit ako nagsalita. Pumasok agad ako sa bahay aakyat na sana pero may lalaking kausap si Daddy.

“Oh andito na pala si Princess.” Sabi ni Daddy

Lumingon naman iyong kausap ni Dad.

“Aaron?”

“Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?”

Bakit siya andito? Akala ko nagsisinungaling lang talaga si Kuya kanina.

“Nagpaalam ako sa Daddy mo.” Sagot ni Aaron

“Paalam saan?”

“Paalam para ligawan ka.”

Ligawan ako? Nababaliw na ba siya?

“Aaron pwede ba tayong mag-usap?”

Tumango naman siya kaya lumabas ako ng bahay namin. Kailangan ko na muna siyang makausap mag-isa.

Naupo ako sa porch swing sa likod ng bahay namin.

“Aaron ano bang intensyon mo?”

Naguguluhan ako sa kanya. Matagal na niya akong binubuntutan, alam nadin ng buong schoolmates naming na nanliligaw siya sa’kin. Ang hindi ko lang maintindihan bakit pa siya nagpaalam kay Dad?

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon