Chapter 31: Alexander's Secret

71.4K 627 30
                                    

POV of Xander’s Dad

Pagkatapos mawala ng asawa ko, Mas lalong lumayo ang loob ng anak ko sa’kin. Kung hindi mo siya kakausapin, hindi rin siya nakikipag-usap sa’yo, minsan lang kami magkita kahit nakatira kami sa isang bahay.

Pero nong dumating si Louise sa buhay niya, napansin ko agad ang pagbabago sa anak ko. Palagi na siyang ngumingiti hindi kagaya ng dati. Palagi narin siyang lumalabas ng kwarto niya at nakikipag-usap narin sa’kin. Natuwa ako dahil sa malaking pagbabago niya kaya pinakiusapan ko siya na kungsanaeh pwede niyang dalhin sa bahay si Louise. Hindi nga ako nagkamali dahil unang beses ko pa lang pagkakita kay Louise, nagustuhan ko na agad siya. Nakikita ko ang asawa ko sa kanya. Ang bait niyang bata.

*Riing* *Riing*

Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko saka ko pinindot ang answer button.

“Hello?”

(Alexander, may meeting tayo mamaya. 9 PM)

“Sige. Magkita nalang tayo mamaya.”

Saka ko binaba ang cellphone ko. Si Raven ang kasosyo ko sa ‘negosyo’. Siya iyong tumulong sa’kin nong walang wala ako.

Naalala ko pa nong araw na dinala ko si Althea sa ospital dahil manganganak na siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera, hindi sapat ang pera na naipon namin ng asawa ko para sa panganganak niya. Kailangan niya kasi ang cesarean operation dahil hindi niya kaya ang normal delivery.

Si Raven ang tumulong sa’kin non, pinahiram niya ako ng pera pero ang kapalit, kailangan kong magtrabaho para sa kanya. Pumayag ako dahil nasa panganib ang buhay ng mag-ina ko.

Saka ko lang nalaman ang pinasukan ko. Hindi pala legal ang trabaho na gagawin ko, napasok ako sa maling tao, sa maling grupo, sa maling negosyo. Ang pagbebenta ng droga.

Gusto ko sanang umatras, kaso hindi na pwede. Wala ng paraan para makalabas pa ako. Buhay ng mag-ina ko ang kabayaran kapag aatras ako.

Pinasok ko ang mundo nila. Tatlong buwan lang ang usapan namin ni Raven. Pagkatapos ng tatlong buwan, pwede na akong umatras. Mabilis na lumipas ang mga araw at mabilis din ang pasok ng pera. Hindi lang iyong pinautang ni Raven ang nakuha ko kundi may isang daang libo din akong bahagi kada buwan. Simula non naging magaan na ang buhay namin, hindi na ulit kami nagkaproblema ng asawa ko.

Pagkatapos ng tatlong buwan, akala ko pwede na akong umalis, pero pinigilan ako ni Raven.

“Subukan mong kumalas sa grupo natin Alexander at ang pamilya mo ang magbabayad. Alam mo naman kung anong kaya kong gawin.”

 

Simula non, pinagpatuloy ko na ang illegal na negosyo namin ni Raven. Ginawa niya akong kanang kamay niya, ang katiwala niya. Ilang beses kong sinubukang kumawala pero natatakot ako. Inilihim ko sa pamilya ko ang tungkol sa negosyo namin ni Raven.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon