Chapter 44: Night Life

56.6K 476 22
                                    

 

“Kung ayaw mong umalis Louise, kami nalang ang aalis ni Megan. Megan, let’s go.”

“I’m sorry dahil hindi ko agad sa’yo sinabi ang lahat..”

“I’m sorry pero kami na ni Megan..”

“Hindi ako nagbibiro Louise kaya kung pwede layuan mo na ako. Marami pa namang ibang lalaki diyan na magmamahal sa’yo at mamahalin mo..”

“I’m sorry Louise. Pero wala na tayo. Sana huwag kanang pumunta dito. Excuse me.”

“I’m sorry Louise. Pero wala na tayo. Sana huwag kanang pumunta dito. Excuse me.”

“I’m sorry Louise. Pero wala na tayo. Sana huwag kanang pumunta dito. Excuse me.”

Wala na kami ni Xander.

Wala na kami.

Hindi ko alam kung papano ko sisimulan ulit ang buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano tanggapin ang katotohanan na wala na talaga siya sa buhay ko.

“Isa pang Southern Comfort kuya.”

“Here you go Ma’am.”

Ibinigay naman agad nong Kuya ang Southern Comfort ko.

Itinaas ko muna ang baso ko saka ko tinitigan ang ice na nasa loob nito.

“Southern Comfort! Southern Comfort ang tawag sayo pero nakakailang inom na ako sa’yo ba’t di ko parin nararamdaman ang comfort na sinasabi mo?”

Saka ko ininom ang laman ng baso ko.

“I’m sorry Louise. Pero wala na tayo. Sana huwag kanang pumunta dito. Excuse me.”

Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko Xander?

Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?

Wala naman akong ginawang mali sa’yo.

Hindi kita niloko.

Binigay ko lahat sa’yo.

Pero bakit ako parin ang lugi sa huli?

Bakit ako ang nasasaktan ngayon?

“Isa pa kuya.”

“Sigurado ka po Ma’am? Nakakailang shots nadin kayo.”

“Huwag kang magreklamo dahil babayaran ko lahat ng ‘to.”

“Opo Ma’am.”

Kumuha muna ang bartender ng dalawang bote saka niya ito hinagis hagis pataas at pati narin sa likod niya saka niya ito sinalo.

Ilang beses na akong nakakita ng flair bartending pero hanggang TV lang ako noon. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng babae na umaalis ng bahay tuwing gabi para sa nightlife nila.

“Here you go Ma’am.”

“Thank you.”

Ibinuhos ko ulit ang lahat ng laman ng baso patungo sa lalamunan ko. Ngayon ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo.

Pero kailangan ko ‘to.

Kailangan ko ‘to para makalimutan ko si Xander kahit sandali lang. Kahit ngayong gabi lang.

“Hi miss, mag-isa ka lang?”

“Obvious ba?”

“Baka pwede namang makisabay sa’yo kung okay lang?”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon