Hindi ako sigurado kung makakaya ko ba ang pinapagawa sa’kin ni Kuya.
“Kailangan mong gawin Princess. I know mahirap para sa’yo pero kailangan. Kailangan nating Makita si Xander.”
Tama si Kuya, kailangan naming makita si Xander. Hindi naming kilala si Raven kaya kay Megan nalang naming hahanapin si Xander.
Huminga na muna ako ng malalim bago ako pumasok sa bar.
Kaya mo iyan Louise.
Ayun kasi sa ‘research’ ni Kuya Andrey at ni Ate Eli, dito daw madalas makikita si Megan sa bar na’to.
Pagpasok ko sa bar, andaming tao, at sobrang ingay. Hindi naman ito ang first time na nakapunta ako sa bar pero pakiramdam ko eh ito pa iyong first time ko. Wala kasi ako sa sarili ko nong unang nakapunta ako sa bar.
Nakita ko agad si Ate Eli na nakaupo mag-isa at kinindatan ako.
Umupo na ako sa table malapit sa kinauupuan ni Ate Eli. Syempre hindi kami dapat magkakilala ni Ate Eli.
“Hi Miss mind if I join you?”
Tanong sa’kin ng lalaki na lumapit na lang bigla sa table ko. Hindi ko gusto ang itsura at ang presensya niya.
“Sorry I’m with someone.”
Mabuti nalang at nasa tamang katinuan pa ang lalaki at hindi na ako kinulit.
Hindi nagtagal, nakita ko narin si Megan, suot suot ang black tube at sobrang ikling shorts. Short shorts na siguro ang tawag sa suot niya dahil sa sobrang ikli. Sana nag panty nalang siya kung gusto niyang ipagmalaki ang mga hita niyang parang hita ng baboy.
Hindi ko na inalis ang mga mata ko kay Megan. Ang landi landi niya talaga, sabi niya mahal niya si Xander, pero bakit pa siya nakikipag flirt sa ibang lalaki?
Kung makapag dirty dance, halos ipahawak na niya sa lalaking kasayaw niya ang buong bahagi ng katawan niya.
Naiinis ako kay Megan, nandidiri ako sa kanya. Napaka desperada niyang babae.
Hindi nagtagal, huminto narin si Megan sa pagsasayaw niya. Napagod na siguro kaya bumalik na siya sa table niya na nasa harap lang ng table ko.
“Oh em gee! What are you doing here?”
Gulat na gulat na tanong ni Megan. Lumapit agad siya sa table ko at umupo sa bakanteng upuan katabi ko.
“Bakit? Bawal ba?”
“Oh my my Louise. Kung hindi mo alam, pagmamay-ari ng Daddy Raven ko ang bar na’to. That means, ako nadin ang may-ari ng lugar kung san ka nakaupo ngayon.”
Daddy niya si Raven?
Mag-ama sila?
Tama nga ang sabi ng iba na kung ano ang puno siya rin ang bunga. Hindi na ako magtataka kung iisa lang ang budhi ni Raven at ni Megan.
“But don’t worry Louise Princess Montefalcon, naiintindihan ko naman kung anong nararamdaman mo ngayon, gusto mong magpakalasing dahil gusto mong makalimutan si Xander. Too bad, ayaw na niya sa’yo kaya iniwan ka niya.”
“You know what Louise? Naaawa ako sa’yo, dahil pinaasa ka lang ni Xander. Sabi ko naman sayo noon diba na mapapasakin din si Xander sa huli. Mabuti nalang talaga at natauhan na si Babe.”
Gagawin ko ‘to para sa’yo Xander.
Makikipag-away ako para makita kita.
Tatayo na sana si Megan para umalis.
BINABASA MO ANG
The Princess' Heart (Completed)
Teen FictionLove story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon..