Chapter 53: Unexpected Guest

56.6K 510 18
                                    

Louise’s POV

Mushroom,

            Sigurado akong alam mo na ngayon ang nangyayari. I’m sorry dahil nasaktan kita, pero nagawa ko lang iyon dahil ayokong saktan ka ni Raven. Nong gabing magkikita sana tayo sa park, balak kong sabihin sa’yo ang lahat. Pero nahuli ako ni Raven at kinulong ditto sa bahay nila. Simula non hindi na ako nakalabas. Mushroom, magkita tayo sa park ngayong sabado 4:00 PM. Sana nga lang gumana ang plano ko.

Bacon.

“4:00 PM? Diba kasal nila sa sabado?”

Tanong ni Ate Eli pagkatapos naming basahin ang sulat na galing kay Xander.

“Anong plano ni Xander Kuya?”

Tanong ko naman kay Kuya Andrey.

“Hindi ko alam pero kung ano man ang plano niya kailangan natin siyang tulungan.”

“Pero pano?”

Sabay naming tanong ni Ate Eli.

*Ding Dong* *Ding Dong*

“Ako na ang magbubukas Kuya.”

Pagpeperesenta ko. Lumabas na ako ng bahay namin at tinungo ang gate. Sobra akong nagulat dahil hindi ko inasahan na pupunta dito sa bahay ang Daddy ni Xander.

“Tito Alexander?”

“Good afternoon Louise. Sorry kung hindi ko hiningi ang permiso mo na pupunta ako dito.”

Sabi ni Tito Alexander. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasan ang bahay namin. Hindi ko naman nasabi sa kanya ang tungkol sa address namin.

“Okay lang po Tito. Pasok po muna kayo.”

Ginabayan ko si Tito papasok sa bahay namin.

“Ang ganda ng bahay niyo.”

“Salamat po. Hehehe.”

“Ah Kuya, si Tito Alexander pala. Daddy ni Xander. Tito, Kuya Andrey ko po at si Ate Eli ang girlfriend niya.”

Pagpapakilala ko sa kanila.

“Hello Sir. Nice to meet you!”

Inabot ni Kuya Andrey ang kamay niya para makipagshake hands kay Tito. Ganun din naman ang ginawa ni Ate Eli.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon