Chapter 37: An Accident

61.5K 512 23
                                    

Huling araw na ng exam namin, pagkatapos nito wala na kaming pasok. Sembreak na kaso nga lang eh babalik pa ako ng school sa Monday para mag check ng grades ko. Hindi na din kami masyadong lumalabas ni Xander dahil sa exams namin pero sabay naman kaming umuuwi.

Maaga akong nakarating sa school namin, hindi naman ako kinakabahan o nag-aalala dahil nakapag-aral naman ako ng maayos.

*beep* *beep*

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bag ko at binasa.

From Bacon: Goodluck sa exams. I love you :*

Mahigit isang buwan nadin simula nong maging kami ni Xander pero kinikilig parin ako sa kanya. Pinindot ko iyong reply button at nagtype ng message na irereply ko.

To Bacon: Goodluck din. I love you :*

“Okay ka lang?”

Tanong ni Kaylee sa’kin na nasa tabi lang ng upuan ko at hawak hawak ang notes niya.

“Si Xander kasi nagtext. hehe”

“Tapos kinilig ka naman?”

Tanong ulit ni Kaylee habang ngumingiti

“Eh kasi ehh..hehe..”

Kinikilig talaga ako. Kahit konting I love you lang mula kay Xander hanggang langit na ang kilig na nararamdaman ko.

Dahil dumating na iyong professor namin, binalik ko na iyong cellphone sa bag ko. Sinigurado ko munang naka silent iyon bago ko binalik.

“Good morning class!”

Bati ng professor namin. Niligpit na ng mga classmates ko ang mga notes nila pagkakita nila kay Sir, halos lahat kasi ng mga kaklase ko eh ngayon pa nag-aral.

“Good morning din Sir!”

Dinistribute na ng professor namin ang paper, agad ko namang sinagutan iyong test paper namin para matapos nadin agad ako.

..TPH..

“Louise nasagutan mo ba lahat kanina?”

Tanong ni Kaylee sa’kin habang sinusubo ko ang isang kutsarang sundae sa bibig ko. Andito kami ngayon sa paborito naming sundae shop na nasa tapat ng school namin.

“May tatlo akong hindi sure perosanatama iyon.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon