“Xander?”
Basang-basa ng pawis si Xander matapos niyang tanggalin ang ulo ng mascot na suot niya kanina.
“Hi!”
Bati niya sa’kin na tila ba nahihiya.
“Hello?”
Matipid ko namang sagot. Ang awkward lang kasi. Ilang araw na kaming hindi nagkikita sa school pagkatapos ganito pa iyong mangyayari? Iyong akala mong okay na ang lahat, wala na siya, okay na ako tapos ganito ulit?
Nililito niya ako, pinapakaba. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko kaya napahawak nalang ako sa kanang dibdib ko.
*Thump* *Thump*
“Louise..”
Tumahimik lang ako at nakatitig sa kay Xander..
*Thump* *Thump*
Ito ba iyong tinutukoy ni Kaylee kanina na may pinagawa si Xander sa kanya? Kasali pala si Kaylee sa kalokohang ito?
“Louise..”
Kung kinakabahan ako ngayon, ramdam kong mas kinabahan pa si Xander. Bakit pa kasi niya ginawa ‘to eh pwede namang hindi na.
“Louise..Hindi ko alam kung paano ako magsisimula..”
Napakamot lang si Xander sa ulo niya kaya napatawa ako ng mahina. Ibang Xander kasi ang nakikita ko ngayon. Noon kasi, ang cool niya parati lalo na pag hawak hawak niya ang gitara niya. Pero ngayon parang, nakagawa siya ng kasalanan sa Mommy at niya at humihingi ng pasensya. Iyong ganung tipo. Nakakatawa pero ang cute parin.
“Alam mo na siguro kung anong ibig sabihin nito. Louise, matagal na kitang gusto.Sanabigyan mo lang ako ng pagkakataon para patunayan sa’yo iyon..”
“Alam ko ilang beses na kitang nasaktan dahil sa pagkatanga ko. Andami ko nading nasayang na pagkakataon. Kaya itutuwid ko na lahat iyon, hindi ko na pwedeng palagpasin pa ang pagkakataong ito…”
Pagpapatuloy ni Xander..
Hindi ko inasahan ang lahat ng ‘to mula sa kanya. Hindi man lang sumagi sa isipan ko kahit isang beses na kaya ‘tong gawin ni Xander para sa’kin. Lalo na iyong sayaw niya kanina. Ang alam ko kasi hindi siya sumasayaw pero cute naman siya tignan.
Biglang sumagi sa isipan ko si Dad. Alam ko na hindi ako papayagan ni Dad. Hindi pa naman kasi ako nagpaalam sa kanya..
“Kung inaalala mo ang Daddy mo. Pumayag na siya. Binigyan na niya ako ng pahintulot para makapanligaw sa’yo.”
Hindi ako sigurado kung nabasa ba ni Xander ang isipan ko kaya niya sinambit bigla ang tungkol sa pahintulot ni Daddy, pero natuwa naman ako dahil hindi lang siya gumawa ng aksyon na siya siya lang kundi humingi pa talaga siya ng pahintulot kay Dad.
BINABASA MO ANG
The Princess' Heart (Completed)
Teen FictionLove story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon..