FINALE

79.6K 890 115
                                    

FINALE


2 years after...

Inilagay ko iyong bulaklak na dala ko sa harap ng puntod ni Tito Alexander pati narin sa puntod ng mommy ni Xander.

At ang isa pang bulaklak sa harap ng..

puntod ni Xander..


*FLASHBACK*


“Daddy si Xander? Bakit siya wala dito?”

Tanong ko kay Daddy habang naiiyak na ako.

“I don’t know Princess baka nag tangka siyang tumakas kanina habang nasa labas tayo. Huwag kang mag-alala hindi naman din iyon makakalayo dahil may sugat siya. Mahahanap din natin siya.”

“BOSS SARMIENTO! MAY BOMBANG NAKATANIM DITO!!!”

Sigaw nong isang pulis kay office Sarmiento.

Iyong mga tao sa labas na pumasok sa simbahan dahil nakikichismis nagtakbuhan ulit palabas ng simbahan. Sobrang gulo na sa loob ng simbahan.

“PRINCESS! KURT!!! LUMABAS NA TAYO!!”

“ANDREY HALIKA NA!!”

Sigaw ni Mommy Yumi sa’min.

Pero hindi kami nakinig ni Mommy dahil tumakbo kami patungo sa pulis kung san niya nakita ang bomba.

Wala nading nagawa si Mommy kundi ang sundan kami.

“Ilang minuto nalang ang natitira?”

Tanong ni Officer Sarmiento sa isang pulis.

“15 seconds Sir. Hindi na natin to mapipigilan.”

Kahit putulin pa nila ang wire sa loob ng bomba hindi na magkakasya ang labin limang segundo.

“TULUNGAN NIYO ANG MGA TAO NA MAKALABAS! DALI!”

Utos ni Office Sarmiento sa mga pulis.

“Boss kailangan niyo na pong lumabas ngayon din. Sasabog na po ang simbahan.

Tumango naman si Daddy Kurt at si Mommy Yumi.

“But Dad si Xander. Nasa loob pa siya!”

Kung sasabog ang simbahan at hindi pa namin makikita si Xander ibig sabihin..

Ibig sabihin..

“Princess let’s go!”

Galit na utos ni Mommy sa’kin.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako palabas ng simbahan. Si Kuya Andrey naman at Daddy nakasunod sa’min.

“But Mom si Xander...”

“Gusto mo bang pati ikaw sasabog? ha Princess? Gusto mo ba talaga kaming pahirapan?”

Saka lang ako natauhan dahil sa sinabi ni Mommy. Kung may mangyari sa’king masama, sobrang malulungkot sila.

Ayoko din naman silang iwan.

Pero si Xander..

Papano na siya?

“Don’t worry Princess baka nakalabas na si Xander kanina pa.”

Sabi ni Kuya habang tumatakbo kami palabas ng simbahan.

Paglabas namin ng simbahan..

three...two...one...

*BOOOOOOMMMMMMM!!!!!!!!*

Sobrang lakas ng pagsabog ng simbahan. Maliit na bomba lang iyong nakita ko pero hindi ko alam na ganito pala ang epekto nong bombang iyon.

Mabuti nalang at nakuha na agad ang katawan ni Tito Alexander bago pa sumabog ang simbahan.

Iyong mga tao sobrang nagulat, natulala at hindi na makaimik. Iyong iba nag-iyakan na dahil sa takot.

Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari sa araw ng kasal ko.

Pagkatapos ng limang minuto, kung saan saan ako lumibot para lang mahanap si Xander.

Sinuyod ko na ang buong paligid pero wala parin si Xander.

Hindi ko siya makita.

Maari kayang nasa loob pa siya ng sim..

Hindi! Hindi iyon pwede.

“BACON!!!! ASAN KA?”

I screamed at the top of my lungs. Umaasa akong maririnig ako ni Xander. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

“BACON!!!!”

“BACON!!!”

Napaluhod nalang ako sa napakaruming daan. Umiiyak. Humahagol gol..

“Princess.”

Lumapit si Daddy Kurt, Mommy at si Kuya sa’kin.
“Nakita na nila si Xander.”

Nagliwanag ang mukha ko. Pakiramdam ko, nakatutok sa’kin ang sobrang daming spotlight.

“Asan po? Asan na si Xander?”

“Huwag kang magugulat Princess.”

Nagliwanag nga ang mukha mo pero iyong mga mukha nila. Hindi maipinta kahit na si Michael Angelo pa. Para nilang pinasan ang buong daigdig sa mga balikat nila.

“What’s wrong?”

Tanong ko sa kanila.

“Princess.. Xander’s gone.”

Parang gumuho ang mundo ko pagkatapos kong marinig iyon.

“Princess.. Xander’s gone.”

“Princess.. Xander’s gone.”

Ilang beses umulit ang mga salitang iyon sa ulo ko.

Wala na si Xander? Wala na talaga ang asawa ko?

“What do you mean?”

“Nakita nila ang katawan ni Xander sa loob ng simbahan malapit sa kabilang labasan. Pero sunog na ang katawan niya.”

“No Dad. Buhay pa si Xander. Nagkakamali lang sila. Sabi mo sunod na ang katawan na nakita nila. Pano nila nasabing kay Xander iyon? Pano kung sa iba pala iyon ha Dad?”

Gusto kong magwala. Gusto kong magalit sa mga pulis dahil sa sinabi nilang wala na si Xander.

Sunog na katawan nalang ang nakita nila pano nila nasabing kay Xander iyon?

Wala silang proweba.

“DAD! tell me nagkakamali lang sila. Hindi naman sila sigurado diba?”

I cried like hell dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko.

Matagal bago sumagot si Dad.

“Iyong singsing na sinuot mo kay Xander Princess. Nakita nila iyon.”

“NO!!!!!!”

“NO DAD!!!”

“HINDI PWEDE!!”

“XANDER CAN’T LEAVE ME!!”

“BACON!!!!!!!”


*END OF FLASHBACK*


“Bacon, hanggang ngayon suot ko parin ang singsing na sinuot mo sa daliri ko nong araw ng kasal natin.”

“Dahil para sa’kin ikaw lang ang nag-iisang lalaking mamahalin ko.”

“Kahit wala ka na, para sa isip at sa puso ko andito ka parin sa tabi ko.”

“Sa totoo lang mas gusto kong andito ka talaga sa tabi ko pero ayokong maging selfish. Alam ko masaya nadin kayo dahil kasama mo na ang Mommy at Daddy mo sa langit.”

Hindi ko na mapigilan ang mga luha na tumulo sa magkabilang pisngi ko.

**MEOW**

“Pati si Misha namimiss ka nadin. hehe”

Ibinaba ko si Misha para naman makaupo siya may damuhan.

“Alam mo Bacon may goodnews ako sayo. Hindi magtatagal magkaka-apo ka narin.”

Pinilit kong ngumiti dahil ayokong maging malungkot sa harap ng puntod ni Xander.

“Si Misha magkaka baby na. Excited na nga ako. Ang bata ko pa pero magiging lola nadin ako. hehehe”

Dalawang taon na ang lumipas pero namimiss ko parin si Xander. Hindi na ako naghanap pa ng ibang lalaking magmamahal sa’kin at mamahalin ko din pabalik dahil sa puso ko buhay pa sa si Xander. At walang kahit na sino man ang makakapalit sa kanya.

*MEOW*

*MEOW*

*MEOW*

Kanina lang, tamihik lang na nakaupo si Misha sa dahuman pero ngayon parang hindi na siya mapakali kaya naman kinarga ko siya.

*MEOW*

*MEOW*

“Please Misha huwag kang malikot. Mamaya pa tayo uuwi. Dito na muna tayo kay Daddy.”

*MEOW*

*MEOW*

Hinagod ko ang ulo ni Misha pero hindi parin siya mapakali.

*MEOW*

“MISHA!!”

Hindi ko na napigilan ang boses ko na tumaas dahil sa sobrang pagkapikon ko sa inasal ni Misha.

“Dito na muna tayo. Mamaya pa tayo uuwi.”

*MEOW*

“Bakit mo ba pinapagalitan si Misha?”

Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nakaramdam ang katawan ko ng sobrang lamig.

Ang boses na iyon.

Kay..

Ang boses na iyon.

“Bacon huwag mo nga akong tinatakot ng ganyan. Sige ka, aalis na kami dito.”

Palagi akong pumupunta dito pero ngayon lang talaga nagparamdam si Xander sa’kin.

*MEOW*

“Aalis ka na?”

Bigla ko na namang narinig ang boses ni Xander.

*MEOW*

“Tayo na Misha tinatakot tayo ni Daddy Xander mo.”

Tumayo na ako dahil sa sobrang takot ko.

Pero pagtalikod ko..

Nakita ko si Xander.

Kung kanina, tumayo ang balahibo ko at sobra akong nanlamig.

Ngayon naman hindi na talaga ako makakilos.

Para akong naging bato. Nanigas na at hindi na makagalaw.

Minumulto ako ni Xander.

Pinikit ko ang mga mata ko habang karga karga ko si Misha.

*MEOW*

“BACON!! PLEASE HUWAG KA NANG MAGPAKITA SA’KIN. KAHIT ASAWA KITA NATATAKOT PARIN AKO SA MULTO.”

“hehehe. Mushroom hindi ako multo.”

Sumagot pa talaga ang multo.
Minumulto na talaga ako.

Hindi ko parin talaga binuksan ang mga mata ko dahil baka makita ko ulit si Xander.

Kahit na sobrang kong mahal si Xander nakakatakot parin kaya kung makakakita ka ng multo.

“BACON PLEASE HUWAG MO NA AKONG TAKUTIN!”

Mangingiyak na ako habang sinigaw ko iyon sa kanya para naman marinig niya ako kung nasan man siya ngayon.

“Aray! ang sakit sa tenga!...Mushroom ikaw lang tumatakot sa sarili mo. Hindi ako multo.”

Hindi ko alam kung anong nagawa ko at bumukas ang third eye ko. Nakakakausap ko na ang mga multo ngayon.

“I miss you Mushroom.”

“I miss you to Bacon..ay este..Bacon! Please pag dilat ko ng mga mata ko kailangan hindi ka na magpapakita sa’kin at huwag ka ng magpaparamdam. Nakakatakot talaga. Pagbilang ko ng tatlo kailangan wala ka na ha?”

Pero hindi sumagot si Xander. Baka naman talaga naawa na sa’kin at ayaw na niya talagang magparamdaman. Pero nagbilang padin ako.

“Isa...

dalawa...

tatlo..”

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

Akala ko hindi ko na makikita pa si Xander pero nasa harap ko parin siya.

“Mushroom. Hindo ako multo. Nakikita mo ako dahil buhay pa ako.”

Sabi ni Xander.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil buhay si Xander o maiiyak ako dahil baka nababaliw na ako.

“Totoo ba talaga iyang sinasabi mo Bacon?”

Tumawa lang ng mahina si Xander.

“hehe. Kung nagsisinungaling ako bakit mo ako nakakausap ngayon?”

“Pero naman kasi diba? May iba talagang nakakausap iyong mga multo. Pero kung hindi ka talaga multo patunayan mo nga.”

Dahan dahang lumapit si Xander sa’kin.

Sobra akong natatakot pero gusto ko paring umasa na totoo nga ang sinasabi niya.

Na buhay nga siya at hindi pa ako nababaliw.

One inch nalang ang layo namin sa isa’t-isa habang nakatitig kami sa mga mata ng isa’t-isa.

Kinuha niya si Misha mula sa mga kamay ko.

Nahahawakan niya si Misha. Ibig sabihin ba non hindi siya multo? Dahil ang mga multo hindi nakakahawak ng kung ano.

*MEOW*

“Namiss din kita Misha. Baba ka na muna ha.”

Sabi ni Xander kay Misha.

Pagkatapos niyang ibaba si Misha, humarap siya ulit sa’kin.

Tumitig siya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Sobra kong namiss si Xander.

“Bacon? Totoo ba talaga ang lahat ng ‘to?”

“Don’t worry. I’ll prove it to you..”

Inilapit ni Xander ang mukha niya sa’kin.

Dahan dahan niyang inilapit ang labi niya sa’kin and..

he kissed me..

Totoo nga..

Totoo ang sinabi i Xander na hindi siya multo..

Buhay siya.

Hindi ko alam kung sino ang bumuhay sa kanya o kung ano man ang nangyari sa kanya..

Ang importante lang andito na siya ngayon.

Makakasama ko na ulit siya.

Without hesitating i kissed him back.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Dalawang taong wala si Xander sa piling ko pero ngayon andito na siya.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa nakaraan kong buhay at binayayaan ako ng Panginoon ng ganito. Ibinalik niya si Xander.

*MEOW*

Binasag ni Misha ang moment namin ni Xander.

“hehe.”

“haha.”

Napatawa nalang kaming dalawa ni Misha.

“Ano? Naniniwala ka na na hindi talaga ako multo?”

Tumango lang ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

“Anong nangyari sa’yo? Bakit ka nabuhay? Sinong bumuhay sa’yo?”

Naupo kami ni Xander sa damuhan kaharap ng puntod ng Daddy niya at ang Mommy niya. Nasa gitna naman ang puntod ni Xander.

Ang weird lang talaga dahil nasa harap ako ng puntod ni Xander pero katabi ko naman siya.

“Hindi ako ang laman niyan Mushroom.”

Pagsisimula ni Xander.
Nalilito parin ako pero hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko nalang na magkwento si Xander.

“Pagkatapos niyong makalabas ng simbahan, nabaril ulit ako ni Raven sa may tiyan. Kaya dahan dahan akong gumapang patungo sa exit sa likod ng simbahan para makatakas sa kanya. Andami kong narinig na putukan pagkatapos non. May nakita din akong mga pulis pero hindi nila ako napansin. Dahil sa tama ko sa tiyan nahimatay ako. Nagising nalang ako dahil sa sipa ng isang lalaki. Humingi ako ng tulong sa kanya pero  hindi niya ako tinulungan. Ang mas masaklap pa, kinuha niya ang mga gamit ko sa katawan. Pati ang singsing na sinuot mo  sa’kin. Nagmakaawa ako sa kanya na huwag iyong singsing pero kinuha niya parin at sinuot sa daliri niya. Habang busy siya sa pagsusukat ng singsing at ng relo ko, gumapang ulit ako palabas...”

“Paglabas ko ng simbahan, biglang sumabog ang simbahan. Pagkatapos non hindi ko na alam kung anong nangyari..”

Habang nagkukwento si Xander hindi tumitigil ang mga luha ko sa mga mata.

Nalulungkot ako at nasaktan dahil sa sinapit ni Xander.

Pero masaya din ako dahil hindi pala siya iyong lalaking sumabog na inakala naming si Xander.

“Bacon..”

“Nagising nalang ako isang araw. Si Megan ang una kong nakita. Kinulong niya ulit ako sa isang malakingbahay. Pero hindi iyon ang bahay na tinirhan namin noon.  Ang sabi niya, pagkatapos kong gumaling, ibabalik niya daw ako sa’yo. Ilang araw ang lumipas, ilang linggo at ilang buwan pero hindi parin ako nakalabas ng bahay.”

“Inalagaan ako ni Megan, pinagsilbihan. Pero may kulang padin...”

“Kanina, sinabi niya sa’kin na dahil sobra niya akong mahal, papalayain na niya ako. Dahil ginawa na daw niya ang lahat pero hindi parin niya makuha ang pagmamahal ko.”

“Natuwa ako dahil natauhan nadin si Megan sa wakas. Makakalaya nadin ako at makikita nadin kita. Pero kaakibat non ang pagkalungkot ko dahil naaawa ako para kay Megan. Alam ko makakahanap parin siya ng magmamahal sa kanya sa tamang panahon.”

Niyakap ko si Xander ng mahigpit.

“Shhh.. Tama na..”

Ayoko ng marinig ang mga kwento ni Xander. Hindi na mahalaga sakin kung anong nangyari noon. Ang importante andito na siya sa’kin at kasama ko na siya ulit.

“I love you Mushroom.”

“I love you too Bacon.”

…...........


1 year after..


“Xander kumain ka pa.”

Nilagyan ni Mommy Yumi ng pagkain ang plato ni Xander.

“Thank you Mommy.”

“Oh pagkatapos nito, kailangan mag-unahan tayong makarating don sa flag na iyon pare ha?”

Tinuro ni Kuya ang flag na nilagay niya kanina sa dagat para sa swimming contest nila ni Xander.

Si Kuya Andrey kakapropose lang kay Ate Eli at napa oo din naman niya si Ate. Hindi magtatagal magkakaroon narin talaga ako ng ate officially.

Si Kaylee naman matagal ng kasal kay Aaron.

Hehe. Sino ba naman ang mag-aakala na sila pala ang magkakatuluyan sa huli.

May baby boy na nga sila ngayon.

Dahil sa successful na proposal ni Kuya kay Ate Eli, nagkaroon kami ng konting salo salo at celebration dito sa resthouse ng grandparents ko kasama sina Kaylee, Aaron at parents ni Kaylee.

“Louise, kailan mo ba sasabihin iyong annoucement mo?”

Bulong sa’kin ni Ate Eli na nasa tabi ko lang.

Mamaya nalang siguro ate.

Masaya kaming nagkwentuhan at nagtawanan.

Napaka perfect ng scene namin ngayon, walang gulo at malayo sa problema.

“Mushroom, try mo ‘to. Ako nag luto niyan. Favorite mo iyan diba?”

Nilagyan ni Xander ang plate ko ng Bacon and Mushroom carbonara. Tama si Xander favorite ko talaga ‘to.

“Thanks Bacon.”

Susubo na sana ako ng carbonara ng bigla kong naamoy ang napakasamang amoy..

“What’s wrong?”

Tanong ni Bacon.

“Uhh nothing.”

Sinubo ko na iyong carbonara sa bibig ko pero sobrang pangit ng lasa kaya napatayo nalang ako bigla at lumayo sa kanila.

Pagkatapos kong malayo ng konti saka ako nagsuka dahil sa sobrang pangit ng amoy ng carbonara.

Sinundan naman agad ako ni Xander at hinagod ang likod ko.

“Are you okay?”

Tumango lang ako sa kanya.

“You know what Mushroom baka kailangan na nating mag pacheck up. Lately napapansin ko na palagi ka nalang nasusuka at parang hindi maganda palagi ang pakiramdam mo. Isama mo pa ang mood swing mo.”

Sobrang nag-aalala na talaga si Xander.

“Mommy Yumi, Daddy Kurt ano hong sa tingin niyo?”

Tanong ni Xander kina Mommy.

“Normal lang iyan Xander. Don’t worry.”

Sagot ni Mommy Yumi tapos nagpatuloy lang sila sa pagkain.

“Hindi po normal to. Hindi niyo po ako naiintindihan. Paano po kayo nakakakain diyan ng maayos habang nagsusuka dito si Louise?”

Parang konting konti nalang at sasabog na talaga si Xander.

“Xander, huwag kang mag-alala. ehhehe”

Sabi naman ni Daddy habang tumatawa.

“Princess, sabihin mo na nga kay Xander ang totoo.”

Utos ni Kuya sa’kin.

Napatingin naman si Xander sa’kin ng ‘what’s the truth?’ look.

“Wala Xander.”

Syempre gusto kong sorpresahin si Xander. Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon.

“Kung hindi mo sasabihin kay Xander ako nalang ang magsasabi..”

Sabi ni Kuya Andrey.

“Pare ang asawa mo..”

Pinutol ni Xander ang sasabihin sana ni Kuya.

“May sakit siya?”

Pag-aalalang tanong ni Xander kay Kuya.

“Hindi Xander. Ang asawa mo..”

Sabi naman ni Kaylee.

Pati naman siguro kayo hindi niyo magugustuhan kung sa ibang tao malalaman ng asawa niyo na buntis kayo kaya tinapos ko na ang sasabihin ni Kaylee.

“Buntis ako Bacon. Magkaka baby na tayo. Magiging Daddy ka na!”

Sigaw ko kay Xander habang pinikit ko ang mga mata ko.

Nagkaroon ng nakakabingin katahimikan.

“Magiging Daddy na ako?”
Mahinang tanong ni Xander.

Binuksan ko ang mga mata ko at tumango kay Xander.

“WOOOO!!!!”

“MAGIGING DADDY NA AKO!!”

Sigaw ni Xander habang nagtatalon talon.

hahahaha..

woooo!

congratulations!!

Nagsigawan naman at nagpalakpakan ang mga kapamilya ko.

Binuhat nalang ako bigla ni Xander at hinalikan sa harap ng maraming tao.

…..

“Sa dami daming nangyari sa buhay natin. Sinong mag-aakala na tayo parin pala ang magkakatuluyan?”

Tanong ko kay Xander habang magkatabi kami at nakatingin sa mga alon ng dagat.

“Because we’re destined for each other.”

“Right. hehe. Thank you Bacon dahil hindi mo ako iniwan.”

“Thank you Mushroom dahil hindi mo ako binitawan. Sa loob ng dalawang taon na wala ako hindi mo ako pinalitan.”

“Dahil wala ng makakapalit sa’yo dito sa puso ko. Kahit na member pa iyong ng super junior o kahit na bigbang o kahit na cn blue at kung ano ano pa. Kahit na si Lee Jonghyun pa iyan hindi ka niya kayang palitan. ehehehe”

Sumandal ako sa balikat ni Xander.

Hindi magtatagal magkakababy narin kami.

“Anong gusto mo Bacon? Baby girl or baby boy?”

“Hmm.. Kahit ano pwede pero mas gusto ko baby boy.”

“Ako din gusto ko baby boy.”

“Pero pagkatapos lumabas ni baby boy gusto ko baby girl naman.”

Sabi niya na parang bang inuutusan ako.

“Oyy ang demanding mo ha. Hindi kaya madali ang manganak. Kung ikaw kaya.”

“Kung pwede ko lang sanang akuin iyon Mushroom para hindi ka na masaktan.”

Tumagos naman sa puso ko ang sinabi ni Bacon.

“Sige na nga. Mabuti nalang talaga at mahal kita.”

“hehe. Sige tayo na.”

“Saan?”

Tumayo si Xander at hinawakan ang kamay ko.

“Sa room natin. Gawa tayong baby girl. ehehehehe”

Tumayo naman ako.

“hahaha. Baliw ka talaga. Eh buntis na nga ako noh.”

“Pwede naman iyon ah. At isa pa hindi pa naman masyadong malaki si baby.”

Hinawakan ni Xander ang tiyan ko.

“Diba baby? Pahiram na muna ng Mommy mo ha? Bibigyan ko lang siya ng baby girl.”

Natawa naman ako sa sinabi ni Xander.

“Baliw ka talaga. Buntis na nga ako tapos bibigyan mo pa akong baby.”

“Malay natin baka pag gumawa tayo ngayon eh paglabas magiging dalawa na. hahaha”

Sinapak ko siya sa balikat niya.

“Baliw! Nagpapalusot ka lang talaga dahil gusto mo..”

“Eh gusto mo rin naman diba? hehehe. Namumula ka nga oh.”

“BALIW KA BALIW KA!!”

Sinuntok suntok ko si Xander habang tumatawa siya.

Baliw talaga ‘tong asawa ko pero mahal ko talaga siya. hahaha

Magkahawak kamay kaming bumalik sa loob ng resthouse.

“I really love you Bacon.”

“I really love you Mushroom.”



The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon