Chapter 2
"Ilang buwan ka ng buntis?"
Napatalon ako dahil sa lalim ng boses ni mama. Parang hindi siya. Parang hindi ko siya kilala sa klase ng boses niya. Alam kong masakit ito para sa kanya at naiintindihan ko kung ganito siya sa akin ngayon pero hindi ko maiwasang hindi masaktan at matakot. She wanted me to have a stable life first at iyon din naman ang gusto ko. I need to have it before I finally settle myself to have my own family. Walang magulang na gustong mapasama ang anak nila but what happened to me isn't 'rebellion'. It's 'unexpected'.
"Six weeks po." Napayuko ako dahil sa hiya sa kanya. She gave me what I need at sinuklian ko lang siya ng ganito. Wala ng mas nakakahiya pa kumpara sa ginawa ko. I am pregnant and worse I don't know the guy. Being in this position is a lot more disgusting than anything else.
Napakadiin ng mga pagpikit ni mama. Parang sa ganung paraan niya na lang mapapakalma ang sarili. Lugmok ang nararamdaman ko lalo't nakikita ko sa mga mata niya kung paano ako dapat kausapin ng hindi nagagalit.
"Ma!" iyak ko at niyakap siya ng mga segundong bumagsak ang luha niya, kahit na anong kalma niya sa sarili ay lumabas pa rin ang pruweba. Disappointment. "Mama, sorry po. Sorry." Mas hinigpitan ko ang yakap ko na ngayon ay narinig ko na ang hagulgol niya.
"Mama... mama sorry..." hagulgol ko rin. Hindi ko na mapigilan.
"Alam mo... alam mo dapat ang tungkol sa bagay na 'to. Alam mo dapat." Aniya sa kabila ng pag-iyak niya.
Sa lahat ng taong dapat makaalam kung gaano kasakit ang lumaki na walang ama ay ako iyon. Pero sa ginawa ko ay nadamay pa ang isang buhay. Everyone doesn't deserve to live without his father or mother. No one deserves to be left alone.
"Sino siya?"
Kung maari ay ayoko nang kumalas sa kanya. I wanted to just hug her, to not answer her. Kasi alam kong mas makakasakit ako sa nararamdaman niya. Mas lalo ko lang siyang madidismaya kung malalaman niya ang totoo. Hindi ko kilala kung sino iyong ama ng batang dinadala ko.
"Hindi ko po kilala..." naiiyak na bulong ko. Halos maiwan sa loob ko ang hangin nang lumuwang ang hawak niya. Nahihiya ako kaya't bagsak ang mata ko sa sahig nang umalis ako sa yakap.
Nang hindi siya umimik ay kinutuban na ako kaya nagnakaw ako ng sulyap sa kanya. Sarado ang mga mata nito na hindi alam ang sasabihin. At sa pagbukas niya ng mga 'yon ay mas nasasaktan ako. Ngumiti ito at hindi man lang abot sa tenga niya.
"Take care of yourself. Hindi ka na lang nabubuhay para sa sarili mo." Bumagsak ang luha ko nang ramdam kong hinaplos ng mama ang pisngi ko. Sa mga mata niya ay muling nabubuhay ang mga luhang bitbit nang ginawa ko. "Aalagan ko kayo." Huling salita na narinig ko sa kanya bago umalis ng silid. Hindi ko na siya pinigilan pa. I get it. Alam kong gusto niya munang mapag-isa.
"Sa lahat ng taong pwede mong pagsabihin niyan 'yong taong kaya kang intindihan nang mas higit pa sa akin ay sa kanya mo pa tinatago. Saludo ako kay tita. Na kahit wala siyang kasama para palakihin ka, she can still proudly say she can give you what parents definitely can give their child kahit na mag-isa pa siya."
Umupo ako sa kama at hawak-hawak ang tuhod ko. Kahit na lumaki akong walang ama, daig ko pa ang ibang pamilyang kompleto sa klase ng pagpapalaki niya sa akin. What I did don't reflect the way she nurtured me. What I did was because of my own thinking, my own action. Wala siyang kinalaman doon. Not all what a child did, reflects his or her family. My case, it just dont. And it will never reflect my mother.
Above all what we've been through, my mother's still the best. Hindi ko kailangan ng mga materyales na magaganda. Sapat na sa akin iyong alaga na ibinibigay niya.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...