Chapter 12"I want to explain the whole details but please listen to me first."
"Just answer my question, Coss!" nagulat ako ng lumakas ang boses niya. Maging iyong maid ay nagulat din. She's different now. Namumula na ang mukha nito at hindi alam kung paano niya pakakalmahin ang sarili niya. What did I just do?
Natatakot akong sa pagbukas ng bibig ko'y hindi siya maging handa at umalis na lang nang hindi ako pinakikinggan. Ayokong ako ang unang magsabi nito sa kanya, kung sino man ang may karapatan iyon ay ang boyfriend niya. Siya dapat ang unang kumausap. Siya dapat, ang higit sa lahat, ang dapat magsalita. Gusto kong sabihin sa kanya lahat pero ayokong mas lalo lang siyang magalit, na baka mas lalo ko lang mapalala ang galit niya. You can't just understand the whole scenario and calm down after. Alam kong magagalit siya at iyon ang kinakatakot ko. Na pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat ay wala iyong magagawa kung hindi ang tuluyan nilang pagkasira ni Vincrist at mas lalong pagkakagulo ng lahat. Iyon ang pinaka hindi ko gustong mangyari. Hindi ko alam kung ano bang dapat gawin.
Hindi ko sinasadyang marinig niya lahat. Hindi ko alam na narito siya. Hindi ko alam na nakikinig siya.
"Answer me, Coss--" pumikit ito para iwasan ang pagbuo ng luha niya. Nasasaktan ako para sa kanya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari oras na sumagot ako sa kanya, na malaman niya ang totoo.
"Is that Vin's child?" pagbukas ng mga mata'y lumabas doon ang pagmamakaawang aminin ko sa kanya ang totoo. Lumapit ako pero siya namang pag-atras niya. Kumalas ang mga luha sa mata niya na madali niyang pinaalis gamit ang palad niya.
Bumagsak ang mata ko sa sahig. Ang iniingatan nilang relasyon ay nagsisimula nang gumuho at dahil iyon sa akin.
"Please Coss! Answer me-- tell me the truth."
"Rina--" nanginginig na tawag ko rito.
"I'll gonna ask you again, Coss. For the last time! Is that Vin's child?" napapikit ako dahil sa talim ng boses niya. Galit ang mga mata nitong ipinukol sa akin na kahit pa tuloy tuloy ang pagluha nito. Klaro kong nakita ang galit sa mga iyon. Na sa pagkakataong hindi ko siya sagutin ay baka hindi ko magustuhan.
"Kaya ka ba nandito? Doon sa party, nung nakita ko kayo, are you doing something behind my back? Sinadya niyo bang pagmukhain akong tanga na may nangyayari na pala sa inyo?"
"Hindi iyon ganun. We're not doing anything, Rina. I want to explain everything to you pero hindi ako ang nasa posisyon. You have to listen to us especially to Vincrist. You have to listen to him first."
Bigla itong natawa at mas lalong naging matapang ang mukha niya. Nabalot ng ibang katauhan ang dating mahinhin at mapagpigil na siya.
"So that's his..." she's not asking but ending all the questions inside her head. Mas lalong lumabas ang tawa niya't kasabay nun ang lalong pagbaha ng mga luha niya.
Nasasaktan ako para sa kanya, iyon ang totoo.
Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung anong dapat gawin. I knew that it would be hard for her to understand everything for now. No matter how we explain, alam kong hindi niya iyon tatanggapin.
"Rina you have to hear him out first. Please--"
Umirap siya at tiningnan akong hindi makapaniwala. "Hear him out? For what? To cover this up?! Bullshit! What can be the probable reason for this? Ha, Coss? Nag-- nagtaksil siya!" the last words were a soft cry coming from her. Na nasa mga salitang iyon ang tunay na nararamdaman niya.
Napalingon ako sa ngayon ay nagkukumpulang mga maid, pati iyong guard ay nakitingin na rin.
"Hindi namin sinasadya-- Rina!" sigaw ko nang tumakbo ito palabas. "Rina!"
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
Ficção GeralSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...