Chapter 1

5.3K 105 6
                                    

Chapter 1

Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdikit ng popcorn sa mukha ko.

"Nagbibiro ka ba, Coss?"

Kaya ko pa bang magbiro sa ganitong sitwasyon?

"Sa tingin mo magbibiro ako ng ganito? Sa tingin mo ba magandang biro ang sabihin ko sa 'yong buntis ako na sa tanang buhay ko ni minsan hindi ako nagkaboyfriend pero buntis na ako?"

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko. Buti na lang at nasa bahay kami dahil walang makakakita kung paano ko siya sasaktan.

"Sinong ama?"

Biglang bumagsak ang mata ko sa sahig.

"Hindi ko alam..." napatigil ako sa pagpupunas at napayuko nang makaramdam ako ng hiya. Hiya dahil hindi ko alam ang sagot.

After that night, halos kasuklaman ko na ang sarili ko. I never thought I'll be out of my mind in just a shot of Honey Martini. I woke up naked beside a man who's barely sleeping with his image hugging the bed and showing his back on me. I don't even know his name but I can still remember his face. I can remember it clearly.

"Hindi mo alam?!"

Oh no!

Mabilis kong sinara ang bunganga niya sa dalawang kamay ko at baka kami marinig ni mama. Hindi pa ako handang sabihin lahat sa mama. Hindi muna ngayon. Hahanap pa ako ng tyempo para roon. Ayaw kong ilihim sa kanya ito dahil nanay ko siya but not now. Hindi ko pa kayang makita kung gaano kasakit sa kanya ang nangyari sa akin.

"Hindi pa alam ni mama kaya tumahimik ka!" singhal ko sa pinakamahinang paraan na kaya ko at nilingon ang pinto, natatakot na baka marinig niya kami.

Paglingon ko'y nabawasan ang kaba ko dahil buti na lang at nakasara iyon.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ako makakuha ng tyempo. Alam kong magagalit siya pero hindi ko kayang itago 'to ng mas matagal. I need a week para makapag-isip ng paraan kung paano ko sasabihin sa kanya lahat. I know it's unavoidable to not hurt her feelings but I want it in a lesser extent.

"Tama ba 'yong narinig ko?! Buntis ka talaga?"

Hindi ako umimik. Parang ang hirap tumango. Sana... sana panaginip lahat 'to. Sana hindi totoo.

Kita ko ang paglapit niya sa akin at ang paghablot nito ng braso ko para yakapin. Ngumiti ako. Dahil iyon ang kailangan ko.

"Ang tanga mo! Ang tanga mo!"

Napangiwi ako sa sakit dahil sa paghila niya ng buhok ko. Ano bang pinaggagagawa niya?!

"Na-- nasasaktan ako! Bitawan mo nga ang buhok ko! Aray!" reklamo ko.

"Anong klase kang babae, Coss?! Hirap ka bang intindihin na kasal muna bago honeymoon?! Ganun na ba kahirap iyon intindihin? Ha?! Sabihin mo sa akin, ganun ka ba katanga para hindi maisip na kasal muna bago anak?! Hindi ka nag-iingat!" she always cracks joke at sa ganitong sitwasyon parang nagbibiro lang siya pero hindi. All I can see in her eyes were pure madness and disappointments.

Halos maestatwa ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagluwa ng mata ng kaibigan ko. Daglian akong napapikit dahil sa sobrang kabog sa dibdib ko.

Parang nawalan ako ng hininga. I'm praying na sana gumising na ako. Na sana hindi si mama iyon. Natatakot ako.

"Tita?!"

Napalunok ako at hinarap ang mama na ngayon ay matamaan akong tinitingnan.

"Mama..." nanginginig na tawag ko. Bumagsak ang mata ko sa sahig dahil sa kahihiyang ginawa ko.

Sa klase ng tingin niya ay alam kong narinig niya iyon. Gusto kong pagtakpan iyon pero alam kong mas magagalit siya sa akin.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon