Chapter 6

2.2K 72 8
                                    


Chapter 6

"Ma dapat hindi ka na pumayag!" pagtatampo ko. Kasalukuyan akong nag-iimpake ng damit dahil nahihiya na ako kay Kayexa na kanina pa naghahantay sa sasakyan nila.

Sumilip ako sa kurtina at kita si Kayexa na nasa loob ng sasakyan at halata mong naiinip na. Tatlong oras na kaming nandito at tatlong oras ko na rin siyang pinaghahantay sa loob ng sasakyan niya. Kung baka nga hindi pa si mama ang naglabas ng mga damit ko ay siguradong mamumuti na ang mata niya kakahintay.

Ayoko talaga sa gusto nila. Ayokong umalis. Ayokong manatili roon.

Hindi ako sang-ayon talaga rito. Pwede naman kasing dito na lang ako. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Sa tingin ba nila hahayaan kong may mangyari sa akin? Sa tingin ba nila, na kahit hindi kami magkikita sa bahay niya, ay magiging okay na lahat?

"At sana po hindi mo pinagpipilitan ang tungkol sa pagpapakasal kasi, ma, mas gugustuhin ko pang tumandang mag-isa kasama ang anak ko kaysa sa magpakasal sa lalakeng 'yon. We don't really know each other. Maliban lang sa pangalan niya at pangalan ng mama't kapatid niya, 'yon lang po, 'yon lang ang alam ko. Wala na. At ma..." dagdag ko at umupo sa kama kaharap ng mama na tahimik. Sa pagitan namin ay ang maletang nakabukas pa.

"Rinig mo namang may nobya 'yong tao. Sa gagawin mo masisira mo 'yon. Ma, ayokong ako ang maging dahilan nun."

Tipid na ngumiti ang mama sa akin at kitang mabibigat ang mata nitong nakatingin sa inaayos na damit ko. "You deserve to be appreciated. Malay mo, sa pagsama sa kanya, matanggap ulit tayo ng lolo mo. Tanggapin ka nila bilang Galestre. Kasi deserve mo 'yon." Pinatong nito ang huling damit na naayos niya sa maleta at sinara iyon.

"Ma, kung ano man ang meron tayo, kahit na ganito, hindi man nila tanggap ay ayos lang. Sapat na po 'to. Masaya na ako rito." Sabi ko dahil kahit papaano ay totoo naman iyon. Masaya na ako sa ganito. Sa kung anong meron lang kami ngayon.

Simula nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ni mama ay nagsimula nang nawala sa kanya ang koneksyon ng mga Galestre. Ni minsan ay hindi ko narinig sa kanya na dahil sa akin kaya nawala sa kanya lahat sa halip inalagaan niya ako nang tama at minahal ng buo. Hindi ko na hahangarin pang tanggapin nila ako. Hindi ko na problema iyon. Mas may kailangan akong isipin kaysa sa pagtanggap nila sa akin. My world won't stop there. Nabuhay akong wala na sila at mabubuhay ako kahit wala pa rin sila.

I may not be totally complete but it doesn't mean I can't be happy and in peace.

Niyakap ko ang mama nang mahigpit.

"Hindi magbabago ang gusto ko. Kailangan mong manatili sa kanila. Aalis ako, panandalian. Wala kang makakasama. Isang rason 'to kaya pinagpipilitan kong doon ka muna tumira."

"Saan ka pupunta, Ma?" kumalas ako at mariin siyang tiningnan. Bakit naman ata biglaan?

Tipid lamang itong ngumiti sa akin at hinaplos ang buhok ko. "May kailangan lang akong tapusin. O siya! Mauna ka na sa labas at ako na ang magtutulak nito."

"Ano 'yon?" hindi ko alam kung anong dapat niyang tapusin. May karapatan naman siguro akong tanungin at malaman ang tungkol doon.

"Huwag ka nang magtanong. Babalik din ako. Sige na. Nakakahiya na sa kasama mo!" marahan niya akong tinulak para makalabas ng kwarto. Nang nasa harap na kami ng sasakyan ay lumabas na iyong driver at siya na ang nag-ayos ng maleta kung saan man iyon nababagay.

"Mag-iingat ka." Habilin ni mama. Ngayon naman ay oras ko para magbigay ng tipid na ngiti. Malungkot ang mga mata niya at paniguradong ganun din ako. Hindi ako sanay makasama ang ibang tao't lalo na hindi kasama ang mama. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag. Ngayon ay naglalakad ako papasok ng sasakyan.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon