Chapter 21
"Hoy, Coss! Ayos ka lang?"
Mabilis akong tumango at umiwas ng tingin sa kanya. Mas minabuti kong ituon na lang ang pansin ko sa tahimik na pool. Wala akong kasama ngayon maliban sa maids kaya naisip kong tawagan si Thalia para samahan ako.
Gulong gulo na ko. Habang dumarating ang bawat araw na magigising ako at siya ang unang hahanapin ng mata ko ay natatakot ako. I'm getting myself be trapped to him. I'm becoming more obsess with him. At alam kong hindi lang ang amoy niya ang hinahanap ko. Mas higit pa roon.
"Coss..."
"Huh?" nilingon ko si Thalia nang ituro nito ang dibdib niya. "Iyong kinakain mo, napunta na sa dibdib mo."
Mabilis kong nilingon ang dibdib ko at nakitang durog durog ang mga cookies na naroon. Tumayo ako para pagpagin iyon at hindi kumalat sa ibang parte ng damit ko.
"Pasensya ka na. Ah wait! Ipapalinis ko na lang."
Aalis na sana ako nang lingunin ko ulit ang maduming lamesa. Nagtangka akong pulutin iyon ng maisip kong ipapalinis ko nga pala.
"Palinis naman po ako nung natapong cookies." Pakiusap ko at bumalik na. Napasapo ako sa noo ko ng magpawis iyon.
"Hindi ka okay, Coss. May masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Thalia at nilapitan ako. Pati ang maid, na si ate Lani, ay nalingon din sa akin. Isang ngiti ang iginawad ko para sagutin siya.
Kahit naman hindi ako ayos ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Alam kong mali 'to. At ayokong malaman nila. Hindi naman kailangan lahat sabihin sa kanya. Ang bagay na 'to ang gusto kong itago. Gusto kong manatili lang ito sa akin. Mawawala rin 'to. O kaya baka dahil lang sa hormones ko kaya siguro nararamdaman ko 'to. Lilipas din 'to. Matatapos din 'to.
"Gusto mo na bang magpahinga?" tanong niya at nanatili ang kamay nito sa likuran ko para masiguradong maalalayan niya ako ano mang oras kung tama man ang hinala niyang hindi nga talaga ako ayos. Hindi naman ako nahihilo. Lagi man akong nauuhaw ay hindi rin naman 'yon ang problema at walang dapat ikabahala. Sadya lang talagang mabigat lang ang iniisip ko.
"Ayos lang talaga ako." Paninigurado ko sa kanya kahit na iba ang sinasabi ng mukha ko. Minsan na nga lang siya nakakabisita tapus tutulugan ko pa siya. Mas 'di ko na nga mabilang sa kamay ko ang pagbisita niya kaysa sa mama. Masyado siyang busy na kahit ang lugar lang na pinupuntahan niya'y nagagawa niya pang hindi sabihin sa akin tutal ay hindi rin naman daw importante. Mas madalas pa iyong magulang ni Vincrist na kumustahin ako kaysa sa kanya. Nakakapagtampo tuloy.
"Sigurado ka?" aniya ulit na ikinatango ko. Iniligoy ko na lang ang usapan at tinanong siya ukol sa papalapit niyang kasal. Alam ko namang busy siya sa preparations pero nagagawa niya pa ring paunlakan ang imbitasyon ko.
At hindi ko man lang magawang tumbasan iyon sa pamamagitan ng pagsagot ng tama, ng totoo.
Hanggang sa nagpasya siyang umalis na nang sunduin ito ng nobyo.
Hindi pa rin dumarating si Kayexa. Nitong mga nakaraang araw ay naging busy na siya. Maging si Rina na laging bumibisita ay malimit na ring nagagawi rito. Napili kong maglalakad lakad na lang din muna habang hinihintay sila. Naisip kong hindi pa pala ako muling nagpapacheck up. Hindi ko pa alam kung lalake ba o babae ang magiging anak ko.
Sa ere'y napangiti ako. Gusto ko sana babae; madaling ayusan. Siya kaya? Ano kayang gusto niya? Sigurado ako lalake.
Napangiti ulit ako at hinimas ang ngayong bilog na bilog ng tiyan ko. Konting buwan na lang, anak, mahahawakan na rin kita.
"How's your day?" napatingala ako ng marinig ang boses niya. Mas nabuhayan ako nang makita ko siyang ngumiti at palapit sa kinaroroonan ko.
"Okay naman, ikaw?"
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
Ficción GeneralSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...