Chapter 29

1.4K 42 2
                                    

Chapter 29

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Kahit na tanghali na ay ramdam pa rin ng mga mata ko ang antok.

Napapikit ako muli nang maalala ang itsura niya kahapon. Kahit na wala naman na siyang idinagdag na sasabihin ay kinakabahan pa rin ako. Ewan ko ba! Parang may mali... may iba akong pakiramdam sa hindi niya pag-imik kahapon.

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na naman namalayan iyong oras.

"Ma!" sigaw ko dahil sa sobrang frustration. Baka kung iisipin ko na naman 'to mamayang gabi ay baka 'di na naman ako makatulog.

Nakakainis! Bakit ba kasi ganun ang pinakita niyang expression? Tuloy napapaisip ako.

Kung sana hindi niya iyon ginawa masarap ang tulog ko at hindi iyong ganito na kulang na lang hindi ako kumain dahil inaantok pa ako.

"Coss, gumising ka na." Sabi ni mama sa labas ng pinto. Kung alam niya lang sana kung anong oras ako nakatulog ay 'di niya sasabihin 'yan. Pero mas gusto ko na iyong ganito kaysa sa tanungin niya ako sa mga rason kung bakit, mas mahirap ang buhay pag ganun.

"Ma!" sigaw ko bago tumagilid. "Mama!" sigaw ko muli at sinubsob ang mukha sa unan. Nakakainis si Vin, Ma! Kagabi niya pa ako iniistress!

Naku! Wala na siyang binibigay sa akin kung hindi stress.

"Coss! What's going on?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar na boses.

Nananaginip ba ako o guni-guni ko lang?

"Coss! Anak! Ayos ka lang?"

Napatulala pa ako bago sumagot. Hindi! Gising na ako! Gising na gising na ako! Pero...

"O-opo!" sagot ko. Minsan kong sinampal ang mukha ko para magising at mapatunayan muli iyon, na gising talaga ako at hindi na ako nananaginip.

Umagang-umaga Coss, ha! Kung saan-saan napapadpad 'yang iniisip mo. Imposible naman.

"Lumabas ka na riyan. Kakain na." Tawag ni mama.

Napapikit ako saglit. Kakaisip mo, Coss, 'yan nagagawa sa'yo. Bago ka matulog, siya ang iniisip mo. Tapus pagkagising siya pa rin. Baka naman paglabas ng kwarto mamaya, Coss, siya pa rin?

Naku! Pag ako 'di niya tinigilan 'di na ako magpapakita sa kanya. Naprapraning na ako sa kanya! Baka lumabas 'tong anak naming may eyebags na rin! Naku! Malilintikan 'yang tatay na 'yan pag nagkataon!

Pumasok ako ng banyo at naghilamos ng mukha. I even looked at the mirror to check myself out at hindi nga ako nagkakamali, may eyebags na ako. Wala bang katapusan tong mga stress na 'to? Naku! Konti na lang talaga magagalit na ako! Nakakainis na!

Padabog akong naglakad papunta ng pinto at pinihit ang saraduhan.

I almost dropped my eyes on the floor when I saw him staring at me.

The first thing I asked him was, "what are you doing here?"

At least I was able to utter something after being startled by him. Akala ko kasi guni-guni ko lang na narinig ko iyong boses niya. From being afraid, his eyes changed into something I don't understand.

"Mom told me to come over and..."

"And?" tanong ko pagkatapos niyang tumigil ay yumuko na siya.

Magsasalita na sana siya nang parehas kaming napalingon sa kay mama na nakasimangot.

"Pinag-aantay niyo 'yong pagkain!" galit na sabi niya kaya sa halip na mag-usap ay sumunod na kami. Napahipo ako sa tiyan ko nang maramdaman ang kamay ng anak ko.

"Good morning!" I happily whispered. Narinig niya ata kaya huminto siya at nilingon ako.

He kneeled and did the same thing. Marahan niyang hinaplos ang tiyan ko't binati ang anak namin.

I laughed when I felt my baby kicked.

"Why?" he innocently asked.

Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa katatawa.

I think me and my child are on the same side. Mas mahal niya ata ako kaysa tatay niya na kahit nasa loob palang siya'y kinakampihan na ako. I can't stop myself thinking na baka pagdating ng araw na makita niya akong naiistress dahil sa ama niya'y ako pa rin ang kakampihan niya.

Good, baby! Ako dapat kampihan mo lagi, ha?

Nakatingin lang ako kay Vin. He's so cute looking everywhere finding the reason why I laughed. Kahit damit niya ay tinitingnan niya and he even took a glimpse of himself in the mirror.

Napailing ako at ngumiti.

"Your baby hates you." Sabi ko.

Biglang nalungkot ang mata niya't nakamasid lang sa tiyan ko. Hanggang sa unti-unti niya pinipilit ang labi na ngumiti.

"I'm sorry." Then again, he held my tummy. "I'm sorry, baby."

Smiling, "stop stressing me and you two will be in good terms again." I answered him then moved my head on my left para anyayahan siyang kumain at baka magalit na naman ang mama.

"Napag-isipan mo na ba iyong pagbalik mo?"

Napahawak ako sa mesa. Kung hindi lang sa bigat ng tiyan ko ay baka naiwan na ang pwetan ko sa ere. Saglit akong lumingon kay Vin na kahit siya'y halata mong nabigla rin sa unang tanong ni mama.

Pasimple akong tinitingnan ang mga naluto sa hapag. Hindi ako umimik at kumuha ng chicken bread.

"Niluto mo lahat 'to, Ma?" pagliligoy ko ng usapan.

Gusto kong tumugil nang maramdaman ko ang pagmasid ni mama at  rinig ang pagbaba ng kutsara't tinidor nito.

"Dinala ko 'yong iba," mahinang sagot ni Vin.

Tumango ako at hinayaang nakamasid lang ang mama.

"Sabi ko na e. Tamad kasing magluto si mama minsan kaya nagulat ako ang daming ulam at prutas." Sagot ko at dumampot ng isang basong smoothie.

"Coss..." tawag ni mama.

"O Burrito! Alam mo bang favorite ni Kayexa 'to?" tanong ko kay Vin, hindi binigyang pansin ang pagtawag ni mama.

Napansin ko ang palipat-lipat na tingin ni Vin sa amin ni mama kaya para hindi na siya mahirapan ay nagtaas na ako ng kilay at umiwas ng tingin sa kanya.

"Anong oras ka aalis?" iyon na lang ang naitanong ko sa kanya habang ngumunguya.

"Coss--" napahinto siya ng biglang magring ang phone niya.

"Bakit po?" pakunwari ko.

Napatitig lang siya sa akin saglit bago tumayo at kinuha ang phone para sa call.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kung nasaan ang phone niya. Siguro ay isa iyon sa mga tito ko. Simula ng bumalik ako lagi ko siyang napapansin na kaharap ang phone niya. Kung hindi man text ay tawag naman.

Tahimik akong pinanood siyang lumabas ng bahay dala ang phone nito.

"Bakit?" tanong ko pagkatapos kong umayos ng upo.

Ilang saglit pa kaming natahimik. "Bakit ka andito?" pag-uulit ko.

"Yesterday..."

Kumuha ako ng Burrito. "Hmn? What about yesterday?" I replied.

"I-- I want to tell you something. I've been thinking about this since last night." He stopped. Bigla kong naramdaman ang panlalamig ng kamay ko kaya binaba ko muna iyong kinakain ko at nakamasid lang sa isa sa mga putahe na nasa taas ng mesa.

"Can you marry me?"

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon