Chapter 3

2.8K 72 6
                                    

Chapter 3

She needs to stop! Masakit na ang mata ko sa kanya na walang ibang ginawa kung hindi ang umikot sa paanan ng kama ko habang hawak hawak ang phone niya. Hindi ba siya nahihilo sa kakalakad niya? O 'di naman kaya ay sumasakit na ang mata sa katitingin ng phone niya? Kanina pa siya ganyan.

"Nahihilo na ako sa'yo, Thals. Please! Stop!" hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi 'to sa kanya. Hindi siya nakikinig! Sumasakit lalo tuloy ang ulo ko dahil sa kanya.

"Hindi! Nakita ko na 'yon minsan! Mahahanap ko 'to!" buong loob niyang sambit habang nakatuon ang pansin sa phone niya at nagpatuloy sa paglalakad pagkatapos ng maikling pagtigil para harapin ako.

Sa inis ko ay tinakpan ko na lang ng unan ang mukha ko.

Bahala siya. Wala naman akong pakeelam sa lalakeng 'yon. At hindi ko rin ipagpipilitan ang sarili ko lalo't alam kong may kinakasama siya. I don't want to be unfair with my child pero sa tingin ko'y ito ang tamang gawin. Kaya ko siyang buhayin at sa gagawin kong pananahimik ay wala akong masisira. Hindi ko sila magugulo.

"May-ari siya ng Furnhouse!"

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at tiningnan siyang babad ang mata sa screen ng phone niya. Napangiwi ako nang napagtantong sa suot palang niya ay makikitaan mo na talaga siya ng karangyaan. Hindi na ako magugulat kung isa sila sa may ari ng mga naglalakihang building rito o kaya may-ari ng condominium building o 'di naman kaya ay kilala sa industriya.

But owning a Furnhouse, it's a big deal! Ilang taon na ba siya? Thirty? Thirty-plus? Forty? Fifty? Well, hindi halata sa kanya.

Nilingon ko ang mama na kakapasok lang at hawak-hawak ang miryenda namin. Simula kahapon nang makita namin siya ay hindi na ako lumabas. Natatakot akong makita siya sa kung saan.

"May Furnhouse sa Magallanes. Ibig sabihin sa kanya 'yon?" nagniningning ang mga mata nito.

"Sino?" -mama.

Mabilis kong pinanlakihan ng mata si Thalia para hindi niya sabihin. Sige. Sabihin niya at malilintikan siya sa akin.

"Iyong tatay ng anak ni Coss, Tita." Aniyang nakangiti, huli na nang lingunin niya ako.

Umupo ako ng tuwid at hindi alam kung paano ibubuka ang bibig ko. Nagpapasalamat ako't may kaibigan ako pero ang bunganga niya minsan ang kinaiinisan ko, walang preno.

"Sinabi mo na ba?" muling niyanig ng takot ang sistema ko dahil sa lalim ng boses ni mama. Hindi ko masanay-sanay ang sarili ko sa tuwing ganito siya. Minsan-minsan ko lang din kasi siya nakikitang galit, hindi ako sanay at kampante.

"Hi-- hindi pa--"

Hindi pa ako natatapos ay may dinagdag na siya. "At wala kang balak sabihin?"

"Ma, kaya ko naman pong--"

"Hahayaan mo siyang lumaking walang ama?" mas pansin ang galit nito. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Naging tikom ang bibig ko at hindi na sumagot tutal ay hindi ko rin lang naman matatapos.

"Hahayaan mo siyang lumaking hindi nakikilala ng ama niya?"

Bumagsak ang mata ko sa sahig at doon ay pinakinggan lahat ng sasabihin ni mama.

"Kung hahayaan mo siya, ako, hindi!"

Nanlaki ang mata kong sinundan siya ng tingin palabas ng kwarto.

"Itape mo 'yang bibig mo minsan!" turo ko kay Thalia at lumabas na rin para sundan si mama.

"Ma!" tawag ko nang hindi ko na alam ang pwedeng isipin. Ano bang gagawin niya? 'Wag niyang sabihing manggugulo siya?! Ni minsan sa buhay ko hindi ko naisip na manggulo ng kahit na sino!

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon