Chapter 19
Napahinto ako nang makita siyang nakatayo sa harap ng stove. Kasalukuyan itong nagluluto ng suot-suot ang apron na sa tingin ko ay bagay niya. Ngayon ko lang siya nakitang magsuot ng ganun at masasabi kong hindi lang polo o shirt ang bagay sa kanya. Kahit ang mismong suot na apron ay nagagawa nitong idala nang walang kapawis pawis, mukha pa rin siyang gumagawa ng tila commercial sa isang T.V..
Ang phone na nasa tenga ko ay ibinaba ko.
"Wala kang trabaho?" tanong ko. Mula sa fried rice ay tinaas nito ang ulo para makita ako. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang gutom dahil sa bango ng niluluto niya. Hindi lang pala siya gwapo't mayaman. May talent din pala siyang magluto. Habang nagtatagal ako rito'y mas nadadagdagan ang kaalaman ko sa mga qualities na meron siya. Kumpara sa una naming hindi magandang umpisa, ngayon ay nakikita kong likas sa kanya ang pagiging maalaga. Hindi lang kay Rina, sa kapatid o pamilya niya maging sa ibang tao. Kaya pala't naninibago ang mga maids nito ng gabing lasing siyang umuwi at nadatnan ako.
I am glad I was able to see this part of him. Akala ko noon sobrang labong magbago siya pero ngayon... ang saya na makita siyang ganito.
Sa tuwing lumalabas si Kayexa ay narito siya. Kumbaga salitan sila sa pagbabantay sa akin. At habang tumatagal ay kinakabahan ako. Apat na buwan na lang at manganganak na ako. Ganito pala, akala ko simple lang ang magdalang tao pero hindi pala. Habang lumilipas ang mga araw ay sumasakit ang likuran ko at mas lalo akong natatakot.
Nagpunas ito ng kamay bago ako tuluyang inilingan. "It's my off. Gutom ka na?" tanong niyang napakacasual at nilapitan ang mga pinggan para kumuha ng dalawa.
Alas nuebe na at kagigising ko lang. Hindi ko maikukubling tunay na gutom na ako. Sa amoy palang ay mas lalo akong natatakam. Is it too much to ask kung sabihin ko sana ay lagi niyang off? Apron suits him better.
Ano bang iniisip mo, Coss? Akala ko ba...
"Si Kayexa, nasaan?" tanong ko para kahit papaano'y magkaroon ng ingay sa pagitan namin.
"Shopping, maybe. May pupuntahan ba kayo? You want me to drive you? Free naman ako ngayon. Sasamahan kita."
Kinuha ko sa kanya ang bowl kung saan niya nilagay ang niluto nitong fried rice para ako na mismo ang maglalagay para sa akin. Nakakahiya naman kung sa mismong pagkain ay siya pa ang maglalagay sa akin. Buntis ako pero kumpleto pa rin naman ang kamay ko.
"Ako na." Nahihiyang sabi ko. Hindi niya naman na kailangan gawin iyon. May mga kamay naman ako. At sobra na ng ginagawa niya kung tutuusin. Magkapatid talaga sila ni Kayexa.
"Okay?" patanong ang boses niya. Saglitan ko siyang nilingon at mabilis ding umiwas nang madatnan ko itong nakatingin sa akin na tila ba hindi naiintindihan ang kinikilos ko. Maging ako'y hindi rin maintindihan kung bakit kailangan kong umiwas. Kung bakit kailangan kong...
Binaba ko ang kamay ko at sa binti ko ay kumapit ako.
"Ate Perly! Sumabay ka na po sa aming mag-agahan." Tawag ko kay ate Perly nang pumasok ito sa kusina dala ang basahan sa kamay niya.
Nagdadasal ako na sana ay pumayag siya. Ayokong maiwan kami rito ng kami lang. At alam kong ramdam niya, hindi ko na kailangan pang tanungin, ang mga kinikilos ko.
"Naku, Ma'am! Salamat po pero tapos na po kami." Sagot niya at tinalikuran ako para maharap ang ref.
Aapila pa sana ako. Ayokong maging patay ang hangin sa pagitan namin ni Vincrist nang mapansin ko ang mga titig nito sa akin muli. Tinatantya ako. Halata sa mga mata niya ang tanong na simula palang ng umiwas ako'y gusto niya na atang itanong sa akin.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
Ficção GeralSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...