Chapter 30

3.4K 84 23
                                    

Chapter 30

Naiwan akong hindi mapanatag ang loob. Lumipas na ang mga oras ay tulala pa rin ako.

I tried to remember everything again.

"If I ask you to marry me again, will you say yes?"

Napaatras ako sa kinauupuan ko at naguguluhan. I am looking for a trace of kidding but I found nothing. That's the time I felt so heavy. Nasasaktan ako na gusto kong itawa na lang 'to.

Ano bang pinagsasasabi niya? Ano 'to biro?

"Vincrist! Ano ba 'tong sinasabi--"

"Will you?" pamputol niya at mas naging pirmi ang mata niya sa akin. Naiiling ako dahil hindi ko siya naiintindihan.

Hindi ko alam iyong dapat na gawin. Parang biglang natigil ang utak ko sa pag-iisip.

Bakit? Bakit niya sinasabi 'to? Hindi ko maintindihan. Hindi ba ay may fiancée siya? Si Rina. Alam ba ni Rina lahat 'to? Anong ginagawa niya? Anong gusto niyang mangyari? Alam niya ba ang pwedeng kahinatnan ng biglaan niyang pagdedesisyon ng ganito?

Hindi biro ang pagpapakasal!

"Bakit?" naguguluhang tanong ko. "Bakit mo tinatanong 'to?"

He showed me how frustrated he is. Pinadausdos nito ang palad sa bibig. Kita ang iritasyon sa mga mata niya.

Wala akong maintindihan kahit na anong pilit ko.

"If it wasn't because of me you might still have your chance. Kung nag-ingat lang ako this shouldn't had happened to you. I ruined everything."

Kusa na lang lumabas ang pilit na ngiti sa akin.

"You're guilty. Kaya gusto mo kong pakasalan kasi guilty ka." Deretsahan kong sabi at hinamon siya ng titigan. Kaya pala.

Sinubukan kong hindi matawa pero ang dahilan niya ang nagpalabas nun sa akin. Kaya niya ba nilatag ang usapang kasal para pagtakpan ang kung anong guilty ang meron siya? I thought there's something bigger than that ang maririnig ko, gosh!

"Kaya naisip mong kasal ang sagot para mawala 'yan? E, sa tingin ko mas malala ka pa sa mga taong nagpakasal dahil lang sa responsibilidad, Vincrist. You want to marry me just to cover up that guilt. Marriage isn't a joke, Vincrist. At sa tingin ko naman alam mo 'yan. Don't go stupid over this. Pakiusap."

Nangibabaw sa mata niya ang hiya. Who wouldn't, right? Kung ako lang din naman ang nasa lugar niya ay sigurado akong mahihiya ako ng sobra. That thought is stupid. So stupid!

Tumayo ako at hinarap siya. I pointed the door.

"Umuwi ka na."

"Coss..."

"I'll hate you if you won't leave this house right now." I replied.

Nang magsimulang manginig ang kamay ko'y tinago ko na iyon sa aking likod. I don't want to get angry dahil alam ko namang gusto niya lang akong tulungan pero... hindi ko mapigilan. Nasasaktan ako na pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako.

Hindi ko siya nilingon. When I heard the door closed ay roon na ako bumagsak sa upuan.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit sa loob.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at naglakad pabalik sa kwarto ko. Naupo ako sa kama hanggang sa hindi ko na maramdaman ang oras.

"May gusto ka bang sabihin?"

Napalingon ako sa hamba ng pinto nang makitang papasok ang mama.

"Saan po?" tanong ko. Nasa taas pa rin ako ng kama.

"Kanina pa kita pinagmamasdan at pansin kong tulala ka."

Nahiya tuloy ako. Kanina pa pala siya nakatingin. Sa sobrang lulong ko sa sarili'y hindi ko man lang napansin 'yon.

"Wala naman po." Ngiti ko at napiling tingnan na lang ang kamay ko sa itaas ng kama. Rinig ko ang paghakbang niya papalapit.

"Tungkol ba 'to sa pananatili mo rito at hindi pagbalik sa bahay niya?"

Umiling ako. Kasi hindi naman iyon lang ang rason. He even asked me if I can marry him, the bigger problem that I am thinking right now. Naguguluhan lang din ako. A part of me was lost.

Halos magtatatalon ako ng maalala ang pagyaya niya sa akin manatili. Gusto kong masabik dahil sa pag yaya niya sa akin dati na manatili kasama siya pero may parte sa aking pumipigil doon. I don't want to just think about myself. Na hindi porke nakalatag na ang bagay na gusto ko ay kukunin ko na iyon. He have Rina with him. At dala lang siguro ng guilty ang pagdedesisyon niya ng ganun. Mabait siya at hindi ko itatagong isa iyon sa mga kalidad niyang nagustuhan ko. Ayaw niyang may nadedehado dahil sa kagagawan niya at iyon ang sagot kung bakit niya nasabi ang bagay ukol sa pagpapakasal. Pero mali. Alam naming dalawa iyon.

"Iniiwasan mo siya."

Gusto kong isipin na nagtatanong siya pero nang mapait itong ngumiti at tabihan ako'y bigla akong nalungkot. Sa tingin ko'y may alam siya.

"Sa tuwing dumadalaw ako roon napapansin ko kung gaano kalaki ang ngiti mo sa tuwing nakikita mo siya. Nahihirapan ka ba kaya ka bumalik dito?"

Pilit akong natawa para lang maitago ang sa tingin ko'y alam na niya. Mechanism? Pakiramdam ko kasi mali ang pag-amin ko.

"Bakit ba ang dami niyong napapansin, Ma? Ang hilig niyo rin mag-aasume." Giit ko na nakapagpatawa sa kanya. Para akong kumalma ng haplusin niya ang buhok ko.

"Koneksyon ang tawag diyan anak. Nararamdaman ko kaya alam ko."

Kinurot ko ang binti ko habang pinakikiramdaman ang mga haplos niya sa buhok ko.

"Kaya naisip ko na baka pumayag ka sa gusto ko, ang magpakasal sa kanya. It's for your own good. Pero hindi ko napansin na parehas pala tayo ng takbo ng utak. You're not going to agree. Hindi ka papayag nang hindi mo inaalam ang pwedeng maging resulta nun."

Napangiti ako. Gusto kong sabihin sa kanya ang pagyaya nito sa akin sa pagpapakasal pero may pumipigil sa akin...

"Hindi ko siya pwedeng pakasalan dahil meron nang may-ari sa kanya at hindi ako iyon. Mawawala rin 'to," kumbinsi ko sa sarili ko. Ayokong magbigay ng tuldok doon dahil hindi ko alam kung ano pang pwedeng mangyari. "Hindi naman na siya sa akin, nung una palang kaya hindi ko isisingit ang sarili ko mabigyan lang ng espasyo ang nararamdaman ko."

Malabong maging kami sa huli kaya hahayaan ko na iyon. Oras lang naman ang hinahabol ko. Lahat maglalaho rin. Lahat matatapos. I just need enough time to find something that could take me out off of him. Something bigger than what I am feeling towards him.

Others took few months. Some were days.

Iyong akin? Hindi ko alam pero alam kong may katapusan din 'to. Kailangan ko lang maghintay. Everything will end soon. And I will look forward to that.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon