Chapter 9

1.8K 66 6
                                    

Chapter 9

Binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Alas tres palang ng madaling araw. Isang oras palang akong tulog. Ganito ba lagi ang madaling araw nila rito? Kailangan kang bulabugin ng pagkalakas lakas na music.

Ala una na kami nakauwi at pagkatapos nun ay nahirapan na akong makatulog. Even after that scene kung saan pinagtakpan ko siya ay hindi na nasundan pa iyon nang anu mang pag-uusap sa pagitan namin. Naging tahimik ako't kakausapin lang sila kung kailangan talaga. My mouth went dry after at pagkauwi siya pa rin ang laman ng utak ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang pagtakpan. Ginawan niya 'ko ng mali pero nagagawa kong suklian iyon ng kabaitan. Nagagawa ko pa rin siyang pagtakpan kahit na sumusobra na siya. Kahit na hindi na tama ang trato niya sa akin.

Coss... hindi lahat ng oras kailangan mong maging mabait. Minsan kailangan mo ring maging masama at ilagay ang mga tao sa tamang lugar na dapat sa kanila.

Napasinghap ako at tinakpan na lang ang tenga ko ng unan. Pero kahit na ganun wala na iyong nagawa pa para pabalikin ako sa pagtulog. Blanko lang akong pinagmasdan ang taas.

'Yong ngiti niya...

'Yong halos mawala na ang mata niya dahil sa mga ngiti niya sa tuwing nag-uusap sila ni Rina. Kita ko kung anong tao siya pag hindi ako kaharap. Hindi ko maikakailang mahal niya nga talaga si Rina. Kita iyon sa mga tingin niya. Sa hawak niyang halos ayaw nang bumitaw. Sa labi nitong hindi nilalayuan ang balat ni Rina.

"Hindi naman natin sinasadya, anak, 'di ba? Hindi naman natin ginusto na makatungtong sa ganitong klaseng lugar." Napangiti ako't hinaplos ang umbok sa tiyan ko. "Sorry kung kailangan mong danasin ang nangyari sa akin. Na kahit ikaw kailangang makaranas nang hindi pagtanggap sa mga taong parte ng buhay mo. Sorry kung--"

Pumikit ako at pinigilan ang pamumuo ng mga luha ko, "Hindi bale, paglaki mo. Ipaparamdam ko sa'yo na kahit hindi ka niya matanggap, magiging buo pa rin ang buhay mo. Ipaparamdam ko sa'yo na walang kulang."

Mula sa madilim na kwarto ko ay unti-unting lumiwanag gawa ng araw na sinusubukang pumasok sa makapal na kurtina. Bumaba na ako para mabati si Kayexa. Mas lalong niyakap ako ng lakas ng music pagkalabas ko at habang tinatahak ang papuntang hagdan ay nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko.

"Tatawagin na po ba namin si ma'am Coss, Sir?"

Mula sa dulo ng hagdan ay kita ko ang imahe niyang nakaupo sa gilid ng mahabang sofa. Sa gilid nito ay ang maid na tinatanong siya. Kusang huminto ang paa ko't tahimik silang pinagmamasdan. Umiling siya't nilalaro ang labi nito.

"From now on, no one's going to cook her food. None of you will give her anything. Let her starve and find her way out of this house."

Napahawak ako sa handle ng hagdan dahil sa mga salita niyang halos kulang na lang ay punitin ako ng mga iyon. Hindi ko inaasahang nandito siya. Akala ko ba sa condominium na siya tumutuloy?

"Pero ang sabi po ng kapatid niyo bago siya umalis--"

Natigil lang ang maid nang sulyapan siya nito. Sa talim nun ay natahimik ang maid at umalis na.

Kailangan niya ng oras para matanggap ang katotohanan. Kailangan niya ng oras at habang nangyayari 'yon ay kailangan ko siyang pagtyagaan. Walang kwenta kung aalis ako rito dahil alam ko namang babalik din ako, my mom wants this. At kahit na ayaw ko'y ipipilit niya pa rin ang gusto niya. Na ito ang gusto niyang mangyari. Ang manatili ako kasama ang taong tulad niya.

Umatras ako para makabalik ng guest room. Naligo ako at napiling magsuot ng damit panglabas. Pagkatapos nun ay kinuha ko ang wallet at phone ko. Sa ganung posisyon pa rin ko siya nakita nang muli akong sumilip sa baba but this time I caught his attention. Ngumiwi ito na para bang diring-diri sa akin. Naging mabigat ang mga hakbang ko at sinusubukang hindi matumba o mahulog sa pagmamatyag niya habang naglalakad ako.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon