Chapter 15

1.7K 54 26
                                    

Chapter 15

"Did he call you?" boses ng tatay ni Kayexa ang umalingawngaw sa buong sala. One week since they left. Wala pa rin silang tinatawagan ni isa sa kanilang mga narito. Isang linggo at nagawa kong manahimik. Hindi ko sinabi kung anong tunay na nangyari ng maging ako'y panandaliang nawala. I'm glad that they didn't ask me more. They trust my words kaya mas mabigat sa pakiramdam na sa kabila nun nagagawa ko pa ring itago ang plano nila. Hope that they made the right decision.

Isang linggo silang nawawala at hindi mahagilap kung saan. At isang linggo na rin narito sa bahay niya ang mga pinsan at mga tito niya. Lahat sila naghihintay ng tawag niya para sabihin kung nasaan sila. Maging ang ama rin ni Rina ay narito para masigurado na kung may impormasyon man ay madali niya iyong magagawan ng paraan para lalong mapabilis ang pagbalik ng anak niya.

Walang may alam ng tunay na dahilan nang pagkawala nila.

"No, dad." Sagot ni Kayexa at muling sinulyapan ang hawak na phone nito. Hating-gabi na at lahat kami'y gising pa rin. Kung sino man ang walang masyadong tulog 'yon ay ang nanay nila Kayexa. She's been quiet the whole time, halatang halata ang pag-aalala sa mga mata niya. Pagkatapos ng trabaho ng mga pinsan niya ay rito sila dumadaretso. They were connected. Na kahit problema ng isa ay handa silang tumulong. Problema ng isa ay problema ng lahat. I wish this happens to every family.

"We haven't track him yet, Tito. He really knows what to do just for me not to able to see where they're going." -Si Dau.

"Did anyone call Rina?" -Pruss.

"I did, kuya. Pero nakapatay ang phone niya." -Lilie.

Tahimik ako roon at nakikinig lang sa pinag-uusapan nila. I really want to tell them the truth pero may humahatak sa akin na 'wag kong gawin.

"Rina's family have a resort, right? Hindi kaya roon sila nagpunta? We can go there and have our vacation too." -Wright.

Lahat ay napatingin sa kanya. Pansin ko ang halos pagkunot-noo ng lahat. Nagtaas lang siya ng kilay at inisa-isa lahat ng nakatingin sa kanya.

"Of course we can do that after we finally find them." Dagdag niya at pinagpatuloy ang pagharap sa mga mata ng nakatingin sa kanya.

"What?!"

"You're not helping us, Wright." Mataray na sagot ng kapatid nitong panganay.

"Nagtanong na rin kami roon but they weren't there too." Sagot naman ni Red.

"Ikaw, Coss?"

Mabilis akong lumingon kay Sharlach nang tanungin niya ako. Nanlamig ang kamay ko ng lumapag lahat ng mata nila sa akin. "Huh?"

"May alam ka bang pwede nilang puntahan?" tanong niya sa akin.

"Wa-wala akong alam." Napayuko ako para hindi na madagdagan ang sasabihin ko. At ayokong mapansin nila ang pagsisinungaling ko. I didn't lie about where they are. Wala akong alam na pwede nilang puntahan. I lied about the reason why they left.

"Why don't you sleep now, Coss? Baka makasama sa bata ang hindi mo pagtulog ng maaga." Ani ni Miss Barbara sa akin. I think I should now. Kasi habang nakikita silang ganito, sobra ang pag-aalala, ay hindi ko kaya. Para akong sinasakal.

"Sige na, hija. Kami na lang ang bahala rito. You rest now." Tito Rigor commanded. Nakita ko na lang ang sarili kong tumango. Maybe I should go out from here. Ayokong lalo akong makonsensiya oras na tinanong nila akong muli ukol sa dalawa. Tumayo ako roon at nagpaalam.

Nakayuko akong tinahak ang hagdan bago sila muling sinulyapan. Muli silang nagpapalitan ng mga ideya sa magandang paraan para mahanap sila. Mabigat ang dibdib kong humiga sa kama. Nagpakasal na kaya sila? Pero bakit hindi pa sila umuuwi kung ganun? Nag-aalala na ang pamilya nila. Hindi man lang ba sila napaisip sa pwedeng maramdaman ng magulang nila? At hindi ko na matiim ang pagsagot ng mga panibagong mga kasinungalingan sa kanila. Sana bumalik na sila.

Dumaan ang isa pang linggo na wala pa rin kaming natatanggap na tawag mula sa dalawa. Wala pa ring impormasyon ang nakalap nila kung saan naroon ang dalawa.

May balak pa kaya silang umuwi? Did they decided to live away from their family? Dalawang linggo na pero wala pa rin kaming balita sa kanila. Hindi ba nila naisip na masyadong selfish ang ginagawa nila. Wala silang pakeelam sa mga taong naiwan nila. If I only know where they are ipapasa ko ang itsura ng mga taong iniwan nila na nag-aalala sa kanila para malaman nila na hindi lang sila ang may problema.

"Tita! They found Vin." Sigaw ni Dau pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay. Mabilis akong lumingon kay Dau. Sana hindi siya nagbibiro.

"Where is he?" agap ni Miss Barbara at mabilis na tumayo rin. Ganun din ang ginawa ng iba, maliban lang sa akin na nakaupo pa rin.

"They're heading their way to Rina's house." He answered. Aalis na sana sila nang pigilan sila ni Kayexa. Hawak nito ang phone niya at may binasa roon.

"He doesn't want us to fetch him. Kakausapin niya raw muna ang magulang ni Rina, Mmy. Nang mag-isa." Diin nito sa huling salita.

Napapikit si Miss Barbara bago tumango. "Okay, if that's what he wants."

Naging tahimik na ang mga sumunod na minuto. Nakamasid lang ako sa kanilang lahat na tahimik at laging tumitingin sa pinto. Ang mga lalakeng pinsan nila Kayexa ay nakatayo sa likod ng mahabang sofa, samantalang ang mga babae naman ay kasama ko sa mahabang sofa. Kita kong lahat sila ay hindi mapakali habang dumaraan ang mga minuto.

Sabay sabay kaming lumingon sa pinto nang magbukas iyon at niluwa ang lalakeng dalawang linggo nang pinaghahanap.

Pagod ang mga mata nitong sinalubong kami. Nang lumapag iyon sa akin ay nanlamig ako. Wala akong mabasa sa mga mata niya. Kahit pa ganun ay hindi ko maiwasang kabahan.

"Anak!" tawag ni Miss Barbara sa anak at sinalubong ito ng yakap. Ganun din ang ginawa ng kapatid niya. Samantalang hinaplos lang ng tatay niya ang balikat nito.

"It's nice to see you, Bud." Sabi ni Tito Rigor.

"Come on, bro! Where have you been all your life?" natatawang bungad ni Wright at nakipagtapikan na rin. Sumunod na rin ang iba sa kanila. Nanatili akong nakaupo at nakamasid lang sa kanila. Thank God, he's back... safe.

Ramdam ko ang pag gaan ng dibdib ko dahil sa narito siya. Akala ko'y hindi na sila babalik at mananatiling malayo rito. Seeing him now, feels good, kahit papaano'y naramdaman nilang may pamilya silang natatakot na baka hindi na sila bumalik. Na may pamilya silang nag-aalala rin.

Napangiti ako roon at tumayo na. Tahimik akong naglakad paakyat ng hagdan para hindi ko maagaw ang atensyon nila. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa silid ay may pumigil na sa kamay ko.

Nilingon ko ang pinanggalingan nun at bumungad sa akin ang imahe niya. Ang lamig ng kamay niya'y tila nalipat sa akin at gumapang iyon sa buong katawan ko. Nanigas ako roon habang pinakikiramdaman ang unti-unting pagpapakawala niya sa kamay ko.

"Rina's coming over tomorrow. To talk you." Aniya, tila naninibago ako sa tono niya at hindi agad ako nakasagot. Walang pananakot ang boses niya. At wala akong makitang iba sa mga mata niya kung hindi ang pagod at lamig.

Tumango ako sa kanya bago niluwangan ang pinto para makapasok na. Nahatak ata ang dila ko dahil sa inakti niya. Ilang minuto pa bago ko nahanap ang mga salitang kahit papaano'y maayos.

"I'm glad you're back." Mahinang sabi ko at tumigil panandalian sa paglalakad papasok. "Goodnight." Bati ko sa kanya. Minsan lang itong tumango at tipid na ngumiti.

"Yeah... Goodnight."

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon