Chapter 7
"Napansin mo bang nasa taas si sir?"
"Wala nga siya roon e. Nakakapagtaka ano?"
"Oo nga. Kagabi ko palang siya nakitang ganun. Nakakatakot pala siya."
"Hindi ko nga alam kung paano ko lalapitan si sir kagabi."
"Kahit nga si Santi hindi alam kung paano siya lalapitan kahit nung madaling araw na nakatulala raw siya rito sa sofa. Ano kayang nangyari?"
Napasinghap ako sa kinatatayuan ko. Kalalabas ko palang ng silid pero hanggang dito ay rinig ko ang usapan ng dalawang maid. Wala naman sana akong balak makinig pero sadya talagang ang lakas ng boses nila at kahit sa second floor dinig na dinig ko.
Mabigat pa rin ang talukap ng mata ko. Gusto ko nang matulog. Dahil sa nangyari ay buong madaling araw akong gising pero hindi ako lumabas. Na kahit gusto ko nang matulog ay hindi ako hinahayaan ng isip ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Pero bakit pakiramdam ko kailangan ko pa rin siyang intindihin? Kahit na sumusobra na siya ay gusto ko pa ring intindihin ang kalagayan niya. Kasi baka hindi naman talaga siya masamang tao. Na kaya niya 'yon nagagawa dahil mahal niya si Rina at... ayaw niyang mawala 'to. Twenty years... twenty rin 'yon.
Twenty years naging sila. Sa tagal nun sino pa bang lalake ang hahayaang masira ang relasyong binuo nila nang ganun katagal?
How he acted last night ay parang kahit sa mga maid niya ay bago lang sa kanila ang pagiging iba niya. Mararahas ang bawat salitang binitiwan niya sa akin. Maging ang trato niya sa akin ay hindi ganun kaaya-aya pero merong maliit na parte sa aking gusto siyang ipagtanggol.
Napalingon ako sa hagdan nang marinig ko ang busina at ang pagkakagulo ng dalawang maid para makalabas. Sa tingin ko ay si Kayexa na iyon. Lilipat na siya rito panandalian para bantayan ako. Ayokong makaabala pero hindi naman siya pumapayag.
"Si Ma'am Coss niyo?" umalingawngaw ang hinhin sa boses ni Kayexa sa buong bahay. Naglakad ako malapit sa hagdan at malamyang ngumiti sa kanya nang tumingala siya sa akin mula sa ibaba.
Kita sa mga mata ng mga maid ang pag-iwas nang salubungin ko ang pagpapalitan nila ng tingin nang makita ako.
"Hindi ka ba nakatulog?" natatawang sabi nito habang pinagmamasdan ang pagbaba ko ng hagdan.
Napanguso ako, "naninibago lang." Sagot ko kahit hindi naman iyon ang totoong dahilan. Inutos niyang dalhin ang mga gamit nito sa taas. Sakto nun ay nasa dulo na ako ng hagdan nang lapitan niya ako at yumuko para hawakan ang tiyan ko.
"Hello soon-to-be baby! Sana nakatulog ka ng tama. This will be your home from now on." Ngiti niya.
Napangiti rin ako sa simpleng inakto niya. She's right. Sa tingin ko ang bahay na 'to ang kalalakihan ng anak ko pero hindi ako. Alam kong hindi ako welcome rito at balang araw aalis din ako. I don't belong here. Sa klase palang nang pananalita ng ama ng anak ko at sa klase ng inaakto niya'y alam ko nang hindi niya gugustuhing manatili ako rito ng mas matagal pa. Baka nga marinig lang ang pangalan ko sumabog na siya sa galit.
"Kumain ka na? Bumili ako ng stocks ng prutas at gulay. Sasabihan kong ipagluto ka nang madami. Mom keeps on saying that at sa tingin ko masisira na ang tenga ko pag narinig ko pa ulit siyang sabihin 'yan. At soon pupunta tayo ng MassageP para kahit papaano makakapagrelax ka. I think they can give you a massage na pwede sa buntis."
"Ah, 'wag na. Hindi ko naman kailangan 'yon." Mabilis kong winagayway ang kamay ko para hindi pumayag. Wala na nga akong ginagawa rito, kung tutuusin relax na relax nga dito basta hindi ko lang makita ang kapatid niya, tapus ipupunta niya pa ako para magpamasahe. Hindi kaya maging spoiled brat ako nito?
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...