Chapter 16

1.7K 58 22
                                    

Chapter 16

The moment he told me that she's coming hindi na ako matahimik. And now that we're here, face to face, I am not sure if I am still breathing.

"Miryenda niyo po." Ani ng maid.

Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko habang kaharap ang dalawa. Dalawang linggo na simula nang makita ko siyang umiyak dahil sa nasaktan siya. Dalawang linggo ngunit walang nagbago sa kanya. She's still beautiful.

Tahimik kaming tatlo at nagnanakaw lang ng sulyap sa bawat isa. Kinuha ko ang calamansi juice at saglitang ininuman iyon. Bakas ang bigat ng hangin sa pagitan naming lahat na hindi nag-iimikan.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula." Mahinang sabi nito at minsang sumulyap sa akin.

Niligoy ko ang mata ko patungo ng pool. Kahit ako'y hindi alam kung paano uumpisahan ang pag-uusap na 'to. Kulay kahel na ang kalangitan at unti-unti nang nagiging patay ang hangin sa paligid.

"I love him..." dagdag niya at nilingon ang lalakeng katabi nito. Pansin ko ang kamay nilang nasa taas ng mesa nang humigpit iyon. Napangiti ako at tumango sa kanya. Dahil alam ko. Dahil nakikita ko iyon. Hindi lang sa galaw niya kung hindi sa mata niya. Kung paano siya nasaktan ng malaman niya ang tungkol sa kalagayan ko. Hindi ako bulag para hindi iyon sangayunan. Nakakainggit lang isipin na meron pa rin palang lovestory na mala-fairytale. When both of them love each other. Na kita iyon sa bawat marka sa galaw nila at mata.

"Vin explained everything. Pareho kayong hindi ginusto ang nangyari." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Ganun din ang lalakeng nasa tabi niya. Hawak ng kaliwang kamay niya ang kamay ni Rina samantalang ang isa'y nakahimlay sa likuran ng girlfriend niya at yakap yakap iyon.

Umiwas ako ng tingin at bahagyang ngumiti. Dahil sa katotohanang hindi namin ginusto ito pero huli na para magsisi. May buhay nang nabuo sa akin at malugod kong tatanggapin iyon kahit pa nabuhay siya sa hindi ko inaasahang pangyayari.

"Can you give him the right on your child without getting married? I'm sorry. I'm so sorry if I have to ask that. I'm just-- I can't." Puno ng hinanakit ang mata niyang bumagsak sa mesa. Marahil ay inaalala niya ang nararamdaman ko kaya't nahihirapan siyang magsalita. She's really perfect.

Napanguso ako at nilingon si Vincrist na animoy nag-aalala rin sa kasintahan niya.

"Ang mama ko lang naman ang may gusto nun." Sagot ko at ngumiti sa kanila. Hindi ko rin naman gusto ang magpakasal sa kanya. Some girls can't live without boys. Pero sa akin, hindi. Mas gugustuhin kong tumandang mag-isa na masaya. Kaysa sa pumasok ako sa relasyong alam ko namang wala ring patutunguhan. Kung sasangayunan ko ang mama ay sigurado lang akong hindi ako magiging masaya. Pareho lang kaming matatali at hindi magiging masaya. I might give my child a father but it'll still hurt him or her kung nalaman niya ang totoo. Ayokong malaman ng anak ko na dahil sa kanya ay may dalawang taong hindi nagiging masaya. At ayokong mandamay ng ibang tao, na imbes ay masaya sana pero dahil sa akin ay nawala 'yon.

"Lumaki kasi akong walang ama kaya ayaw niyang mangyari iyon sa anak ko. Pasensiya kung 'yon ang gusto ng mama ko. Tinakot pa kayo." Sabi ko kay Vincrist na ngayon ay nakakunot na ang noo sa akin. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko kaya napangiti ako.

Na kung hindi ako papakasalan ni Vincrist ay wala silang karapatan sa anak ko. Ako ang ina at ako ang magdedesisyon sa huli. Alam kong natatakot ang mama na baka matulad ang anak ko sa akin pero sa tingin ko hindi. Nararamdaman kong matatanggap siya ng mga tao at kaya siyang panagutan ng ama niya, hindi man kami maikasal, alam kong mamahalin siya ng mga taong parte ng buhay niya hindi tulad ko.

"You-- didn't tell me." Sabi ni Vincrist ng pabulong. Umiling ako.

Gusto ko ngang matawa pero kusang lumabas ang irap sa akin, "paano ko naman sasabihin sa'yo? E, lagi ka ngang nakabusangot pag nakikita mo ko." Natatawang sabi ko.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon