Chapter 25

2K 76 23
                                    

Chapter 25

"Miryenda muna!" tawag ko sa kanilang lahat na narito pagkalabas na pagkalabas ko ng kusina. Ang dami nila at sa tingin ko hindi lahat magkakasya ang mga pagkain na narito.

"Sabi ko naman 'wag na niyang gawin 'to. Nagpupumilit." Sabi ni Rina.

Kahit pa masakit sa aking nakikita silang ganito kalapit, na masaya at bakas ang pagmamahalan sa bawat mata nila'y ngumiti pa rin ako. I want to really smile to them. Iyong totoo. 'Yong wala akong dapat itago. Siguro naman kahit peke iyon ay walang malisya sa kanila. Wala silang alam sa nararamdaman ko. Kaya ay ayos lang bigyan sila ng ganung ngiti lalo pa't hindi ko magawang patotohanan ang mga iyon kahit na anong pilit ko. Kasi... ang hirap.

Kahit ano pang gawin ko ay lumalabas sa 'kin ang sakit sa nakikita ko. Kahit na ayoko pa. Kaya kong kimkimin ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ang sakit dulot nang makita silang ganito. Na walang kahit ano o kahit sino ang makakasira sa buhay na pinlano nilang magkasama at sa pagmamahalang simula bata palang ay binuhay na nila.

I can't destroy that. It can't be shaken. Their love was feeding on their actions and I was here, none of them noticed, lonely and hurt. Everywhere is a proof of their love. I can see that and I can even feel it. It wasn't their fault, it's mine. If reality talks, this isn't about my hormones, it was my heart beating and whispering, I fell inlove with someone who doesn't care. He's so good and with much of a perfection to notice... and so I fell deeper even if I don't want to. And no matter how I give my best... wala pa rin... hindi pa rin sapat...

I want it to stop. Ayoko na. Gusto ko nang pumara, gustong-gusto ko nang huminto but how? How can I stop it when I don't have any control over it? Paano ako titigil kung sa bawat kabaitan, sa pag-aalaga niya, sa bawat siya ay nahahatak ako pailalim? Palubog lalo sa kanya. Paano ako titigil kung sa isang lugar na 'to ay wala akong malabasan? Wala akong makapitan. Hindi ako makatakas.

"Let the maids do it, Coss. Hindi mo trabaho 'yan." Ani ni Kayexa habang nasa harap ng laptop niya, malawak naman ang sala pero sa laki ng mga pinsan nilang lalake ay nagmimistulang masikip ang lugar.

Wala naman akong ginagawa. Gusto kong tumulong para kahit papaano ay makapaglakad lakad naman ako.

"Okay lang. Wala naman akong ginagawa." Sagot ko at mabilis bumitaw sa bowl nang kunin iyon ni Vincrist sa akin at ibigay sa mga pinsan nito. Napakamot ako ng leeg nang mapansin niya ata ang ginawa ko.

Hindi ko kaya. Hindi ko maitikom ang puso ko sa bawat bigkas ng ritmo sa pangalan niya. Kinalma ko ang sarili ko at bahagyang ngumiti.

"Ahm.. kunin ko lang 'yong iba," pag-iwas ko at tinalikuran na siya. Gusto kong takbuhin ang kusina makalayo lang sa presensiya niya nang hindi ako hayaan ng pagkakataon.

Bakit ang sama naman ata sa akin ng pagkakataon? I want to escape but it didn't let me. Masyado akong pinaglalaruan.

"Mainit ka," tinabig ko ang kamay niyang nasa noo ko at humakbang patalikod. Nangunot ang noo ko. Ayoko na. Can I ask him that he treats me like the first time we saw each other in this place? Iyong galit siya sa akin. Iyong wala siyang pakeelam. 'Yong ayaw niya iyong presensiya ko para mapadali sa akin ang pag-iwas. Para madaling mawala sa akin ang lahat.

"Ayos lang ako." Sagot ko at hinarap ang mga chips para magsalin sa panibagong bowl.

"You're sick,"

"I said I'm fine." Hasik ko at tinabig ang kamay nito nang hawakan ang palad ko. Nadatnan ko itong nagulat sa reaksyon ko kaya napapikit ako.

Huminga ako ng malalim at muling binalik ang mata sa mga chips. "Stop caring, please." Bulong ko sa sarili. Kasi ayoko nang mas lalo akong magtagal sa lugar na 'to. I want to go out. Kasi ayoko na. Ayoko nang mas lalong masaktan oras na lumala pa ito. I don't want to hold to another suffering while seeing them just because I like him. No! I don't just like him. It's more than that. It's deeper than that. And I want to stop it now... but how?

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon