Chapter 22

1.7K 60 5
                                    

Chapter 22

"What time ka magpapacheck up?"

Gusto ko sana ngayon na pero hindi pa nagtetext iyong si Thalia. She asked me if I can let her join me. Wala namang mali roon. Walang problema kaya umoo ako. Mom's busy anyway. Wala rin naman akong ibang makakasama. Nakaayos na ako. Si Kayexa naman ay hindi rin available.

"Hindi pa nagtetext iyong si Thalia. Sasamahan niya raw ako." Kibit-balikat kong sagot kay Kayexa. Wala pa akong natatanggap na mensahe sa kanya. Marahil ay nagkaaberya na naman sa gown nito.

"Pwede bang textan mo 'ko pag pauwi na kayo, kuya?" aniya sa kapatid na nakikinig lang sa gilid namin. Magkatabi kami ni Kayexa at siya naman ay naupo sa pang isahang sofa. Nakatukod ang mga siko niya sa tuhod at magkasalikop ang mga daliri. Kampante itong nakikinig lang.

"Ayie! Kinakabahan siya!" panunuya ng kapatid nito sa kanya. Napangiti ako. Kahit ako'y kinakabahan din naman. Kanina ko pa ito iniisip at kanina pa ako hindi mapakali. Gusto ko sana babae para hindi na ako mamroblema paglaki niya. I can also simply give her advice, well, some advice about boys. Hindi na ako mapapaisip sa damit na pwede niyang suotin.

Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa kung anong gusto niya. Kagabi'y wala siyang ibang ginawa kung hindi ang hawakan ang tiyan ko. Nakakatuwang makita siyang mag-imbento ng mga istorya para lang may masabi sa anak niya. Nakakainit ng puso habang ginagawa niya iyon. If I can only pretend that everything's fine masasabi kong ubod ng saya ang nararamdaman ko but no. It's not fine. His fingers that were so soft and gentle lulled me to sleep.

Hindi ko alam kung anong oras na siya nakatulog. Nagising na lang akong nasa tabi ko pa rin siya at hawak pa rin ang tiyan ko.

"For sure lalake ang gusto mo kuya, ikaw ba Coss?" tanong ni Kayexa.

Buti na lang at narito siya. She can just make the space between me and Vin alive. Naiilang pa rin ako kapag magkasama kaming dalawa. Hindi ko maitatago ang takot ko sa bawat minutong magdaraan na mas nakikita ko kung gaano siya kabait at maalaga. Napakarupok ng dingding na namamagitan sa amin at sa takot ko'y baka ako ang maging puno't-dulo para tuluyan iyong gumuho. Ayokong mangyari iyon. Kung dahil ito sa mga hormones maybe I can just wait until I deliver my child. But if it's not then maybe I can distance myself more.

Rinig ko ang tawa ni Kayexa kaya minsan akong sumulyap kay Vincrist at nadatnan itong seryoso at kinakabahan nga. Mas mabuti na rin ito habang hinihintay namin si Thalia. Sana ay dumating na siya, nakakahiya kung paghihintayin namin si Vincrist. Ihahatid lang niya kami pagkatapos ay babalik din ng trabaho. Ang sabi niya'y ayos lang sa kanya ang malate ng ilang oras but two hours masyado na iyong matagal.

Napanguso ako at tipid na nginitian si Vincrist nang lingunin niya ako.

"Gusto ko sana babae, para hindi na mahirap damitan. Pero kahit lalake'y ayos lang din naman sa akin." Sagot ko kay Kayexa.

"Sana dalawa. Para tag-isa kayo ni kuya. Hindi ba dati iyon ang gusto mo kuya, kambal? Ayaw kasi ni ate Rina na mag-anak ng madami. Natatakot siya. Si kuya naman gusto tatlo." Kwento ni Kayexa.

Mapait akong napangiti at suminghap. My lips got dry while hearing her telling me some stories between her brother and Rina. Okay. Distance. Ito ang kailangan ko.

"This house was too big for their soon-to-be family pero gusto pa rin nilang umalis at manatili sa sarili nilang bahay. I don't think their child will tell something about this house. Sana ibigay mo na lang sa akin ito kuya."

Napapisil ako sa mga daliri ko habang malayang tinatanggap ang mga kwento at balak nila.

"Kayexa..." parehas kaming napalingon sa kanya, sa titig niya'y gusto niyang pahintuin ang kapatid. Should I thank him for ending the fire that's climbing my entire system? Ang hirap pakinggan na lahat ay nakaplano na talaga para sa dalawa. Ako lang talaga ang panira.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon