Chapter 28
"Tumawag pala si Feri. Tinatanong kung pupunta ka raw sa exhibit nila?"
Naghati ako ng chocolate at kinain iyon.
"Ayusin mo nga 'yang pag-upo mo!"
Bumagsak ang mata ko. Napatingin ako sa paa ko. Anong mali rito? Pati ba naman pag-upo ko papansinin pa rin? Nakaekis ang mga iyon at sa tingin ko naman walang problema roon.
"Ma sabi sa akin para hindi ako mahirapan kailangan ganito ang pag-upo ko. 'Tsaka komportable naman ang ganito, Ma." Sagot ko at kumuha nang hati ng chocolates at muling kinain iyon. Ayon sa nabasa ko nakakatulong daw ang ganitong posisyon sa pag-upo. Medyo mahirap nga lang konti.
"Then stop eating chocolates. Nakakailang ganyan ka na sa isang araw ah, hindi kaya lumaki ka ng todo niyan?" turo ni mama sa hawak kong chocolates. I suck my thumb first and my pointer when suddenly someone knocked on the door.
Napatingin ako kay mama. Wala akong inaasahang bibisita sa akin ngayon. Busy si Thalia at hindi naman nagtext si Kayexa.
"Ako na po." Boluntaryo ko at tumayo na roon. Sinilip ko lang ang pag-aayos niya ng mga unan na nagulo gawa nang pag-upo ko sa sahig.
"May bisita ka ba, Ma?" tanong ko nang makalapit ako ng tuluyan sa pinto.
"Wala naman."
Sino then 'to? Wala naman akong inaasahan ngayon.
Ginamit ko ang kamay na walang chocolates at iyon ang pinambukas ng pinto.
Halos mahulog ko ang supot ng chocolates nang tumambad sa akin ang imahe niya. Nakadark blue shirt ito at simpleng black pants. Napalunok ako at hindi alam kung anong ibubungad sa kanyang mga salita lalo't masyadong malamig ang mga titig niya. Hindi ko masuklian.
Wait.
Should I ask him about yesterday? Kailangan ko bang kompormahin sa kanya kung narinig niya lahat? Pero wala nang ibang pwedeng magpasok ng gamit ko kahapon. Should I clear everything from what he heard? Ayokong iba ang isipin niya sa akin o sa mama ko. Wala siyang alam.
"Hija!" nilagpasan ko siya ng tingin at nakita ang mommy niya sa likuran nito at sunod ang tatay niya. "Andyan ba ang mama mo? May kasama ka ba?" nag-aalalang sabi nito bago nakibeso sa akin. Nahiya pa ako sa bango nila. She held my hand and moved a bit so she can give space to her husband na tulad niya'y nakibeso rin sa akin.
"Nalaman namin ang biglaan mong paglipat." -Tito Rigor.
Nahiya ako na makita sila ngayon. Alam ko namang hindi maganda ang umalis doon ng hindi nagpapaalam nang tama at humihingi ako ng dispensa roon. Kung sana'y ganun lang kadaling ipagpaliban iyong pag-alis ko ay ayos lang pero hindi. Habang nagtatagal ako roon mas lalo akong pumapailalim sa sitwasyon na hindi ko alam kung paano makawala sa susunod na mga araw. Kung pwede pa ba akong makawala o hindi na. 'Yon ang kinakatakot ko.
"Sorry po kung hindi ako nakapagpaaalam ng mas maaga." Nahihiyang sabi ko at napayuko. Hindi tama iyon. Mukha pa atang pinag-alala ko sila ng todo.
"Hope you can think about this again, hija. Nag-aalala kaming mama mo lang ang kasama mo rito. You can't expect her to stay with you 24/7." Pansin sa mata nito ang sinseridad sa sinabi. Bahagya akong tumango nang marinig ko ang mama.
"Coss! Sino 'yan?!" napalingon ako sa mama ko at binuksan ang pinto para makita niya ang mga bisita. Buti na lang at nakapaglinis kami.
"Good morning!" bati nang mag-asawa kay mama.
Alistong gumalaw ang mama pagkatapos ng gulat na ipinakita niya.
"Tuloy! Tuloy!"
Tumabi ako para pahintulutan silang makapasok. Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa saraduhan nang magtama ang tingin namin ni Vin. Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa titig niya. Nang makapasok na siya ay sinara ko na 'yon at sumunod sa likod niya. Sa laki niya ay saglitan kong hindi nakita ang ilang parte ng harap dahil natatakpan niya iyon ng sobra.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...