Chapter 13
Bumaliktad ako at sinilip ang baba ng pinto. Baka sakaling may maaninag akong anino niya. Hindi pa sila umuuwi. Nauna kaming umuwi ni Kayexa at ang mga pinsan nito. Ang sabi ni Kayexa ang mga magulang niya na ang bahala pero madaling araw na at wala pa rin sila. Tahimik ang bahay pero ako, hindi. Hindi ako matahimik. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong humingi ulit ng sorry. Alam kong hindi iyon sapat kumpara sa nagawa ko pero sa ngayon iyon lang ang kayang magawa. Hindi ko ginusto 'to. Hindi ko naman alam na meron siya't nakikinig kasi kung alam ko lang ba't ko sasabihin? Pero kahit ganun may kasalanan rin naman ako. Kung sana tinikom ko lang 'yong bibig ko panigurado walang gulong mangyayari tulad nito.
Bumalik sa isip ko iyong imahe niya...
Ngayon ko lang siya nakitang ganun kahina. Na may tao pa palang kayang maghintay at hindi napapagod magmakaawa para lang kausapin siya. Mahal niya nga talaga. Mahal niya at nasasaktan ako para sa kanila. Na kailangan humantong sa ganito. Na kailangan masira sila dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kanina, walang nakaimik sa mga pinsan nila at kahit sila'y nasasaktan sa mga nasisilayan nila. He was too broken, na kahit ang pinsan nito'y nag-aalala na. Pati rin naman ako. Pagkalipas ng mga araw na hindi maganda ang trato niya ay nag-aalala rin ako. Parte ako ng mga nangyayari ngayon. Kaya kahit ayoko'y wala akong magagawa kung hindi ang mag-alala sa kanya, sa kanila. Kasi may kasalanan ako. Kasalanan ko.
Napalingon ako sa aninong lumagpas sa pinto ko. Dun ay rinig ko ang boses ng mga lalake.
"Stop worrying, Vin. Rina's unlike other girls. Just give her space first."
"She'll probably need time to think things. This isn't easy, Vin. This is too hard for her."
"And sure you knew that. We'll help you talk to her but for now, have your rest."
Tumayo ako dahil unti-unti nang naglalaho ang mga boses. Lumapit ako sa pinto at doon dinikit ang tenga ko.
"Just don't forget that someone also needs you." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses. Siya ata iyong kasama niya nuon, Dau. Dau ata ang pangalan.
Naglaho na ang boses nila. Napaatras ako nang mapansin ko ang mga anino nilang pababa na ilang saglit lang. Ayos lang kaya siya? Hindi ko narinig ang boses niya kanina. Nag-aalala ako. Masama pa kaya ang loob niya sa akin? Hindi ko siya masisisi. Ayos lang kung galit siya sa akin. Should I talk to him now? Pero paano kung mas lalo siyang magalit? Pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tunay na kalagayan niya.
Napasinghap ako bago bumalik sa kama at doon humiga. Tutok ang mata ko sa kisame. Malalim ang paghinga ko at madidiin ang pagpikit ko. He must be hurt... so so much...
He keeps on shouting her name.
He keeps on begging.
Behind that gate was a different guy. A very different guy...
He wasn't the tough one. He wasn't the dark and mysterious guy. He was the weak. He was the vulnerable one. The lost guy.
A guy who wants to save himself from the girl who wants to leave him, maybe.
He was the guy who strongly showed his tears for the woman he loves.
They got a magic relationship that lasts for twenty years and because of that night with me, it died.
Sinubukan kong pumikit at mainis kung bakit kailangan mangyari 'to. Bakit kailangan kong humantong sa lugar kung saan kailangan kong makasira ng buhay ng ibang tao.
Sa relasyon ng ibang tao.
Tumayo ako roon at sumilip bahagya sa pinto. Nang masigurado kong walang tao ay lumabas ako. Tinungo ko ang silid niya. Nakapatay ang ilaw nito. Tulog na ba siya? Siguro dahil sa sobrang stress niya nakatulog na siya agad. Sana bukas, kahit konti, umayos ang pakiramdam niya.
Nagdalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi pero napili kong hindi na lang. Mas maganda sigurong bukas ko na lang siya kausapin. He must be tired after what he did. At hindi ako sigurado kung gusto niya akong kausapin. Baka nga makita palang ako magalit na siya agad.
Napabuga ako ng malalim na hininga. What should I do now? Paano ko 'to maaayos?
Napatigil ako ng marinig ko ang boses niya. Nanatili akong nakatagilid sa harap ng pinto niya.
"Rins please... let's talk." He was crying.
May kaunti akong naaninag na ilaw sa baba ng pinto niya. Gusto kong bumalik sa kwarto pero gutom ako sa pwede nilang pag-usapan. Baka... baka may magawa ako para maisalba silang dalawa. Maybe this is the right time to make things back.
"Hon please..." ngayon ay mas lalong rinig ang pagmamakaawa sa boses niya. Na wala na siyang ibang magagawa kung hindi ang magmakaawa lang. Bumagsak ang dibdib ko habang pinakikinggan siyang umiiyak. Ramdam ko ang sakit mula sa kanya.
"I-- I'll go there. Rins please! Let's talk."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang mga yapak niya palapit. Mabilis akong gumalaw at bumaba ng hagdan. Madilim kaya kailangan ko pang magdahan-dahan. Lumabas ako ng pinto at nagtago sa gilid ng sasakyan niya.
Sinubukan kong buksan ang mga pinto pero nakalock iyon. Sumilip ako at saktong kalalabas lang nito ng pinto nang patunugin niya ang sasakyan. Ginamit ko iyong pagkakataon para makapasok ng hindi niya napapansin. Mabilis akong kumilos at sinara ang pinto habang hindi niya pa nabubuksan ang pinto ng driver's seat. When he opened the door ay mabilis akong yumuko at hindi na gumalaw.
Kinagat ko ang kuko ko. Kinakabahan ako. Sana ay hindi niya mapansing narito ako sa loob.
Naging mabilis ang pagmamaneho niya. Madaling araw na kaya't walang traffic. Panay ang linga ko, sinisiguradong hindi niya ako mapapansin. I want to help. Hope this won't add up to the problem. Dahil kung hindi... hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang sa tumigil na ang sasakyan at mabilis siyang lumabas. Sumilip ako sa bintana at kitang nasa gilid na si Rina balot ng malong nito. Sa bagay na iyon ay mas dineklara ang pagiging maputi niya. Bahagya kong binaba ang bintana.
"Rins, sorry! I'm sorry, Hon."
Mapait akong ngumiti nang madatnan siyang niyakap si Rina. Tanging ang iyak ni Rina at ang paghingi niya ng sorry ang naririnig ko.
"Why, Vin? Bakit mo nagawa sa akin 'to?" garalgal ang boses niya, haplos nun ang sakit na dala niya ngayon.
"Rins, I love you. Alam mo 'yan. That was just an accident."
Yeah.
Nanlamig ako't mapait na ngumiti. He was right. It was just an accident. What happened to us, ang batang 'to, was just an accident. Pero bakit ang bigat pag siya na ang nagsabi? Bakit nasasaktan ako? Ang bigat bigat sa loob kahit na alam ko na 'yon naman ang totoo.
"Then why didn't you tell me? Bakit kailangan ako pa mismo ang makahanap ng paraan para masabi sa akin, para malaman ko ang totoo?"
"I'm afraid, Rins. I'm afraid that if I tell you, you might leave me. Rins I can't. I don't want you to leave me. Please! Don't."
"You have them now--"
"I don't love her, Rins." Maagap na sagot nito.
Kusa akong napapikit sa bigat ng mga salita niya. Ba't ba ako nasasaktan e, tama naman siya. Hindi niya ako mahal. Hindi ko rin naman siya mahal.
"Pero anak mo iyon, hindi ba?"
"I-- I don't care."
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang sarili kong magsalita at lumabas dito. Anong klase siyang tao?! Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa harap niya. Hindi ko inaasahang kaya niyang ipakita sa ibang tao kung gaano siya kawalang pakeelam sa sarili niyang anak.
"Rins let's go somewhere. Let's get married. I can fix everything, if you want. Rins, I love you. Please marry me. Let me marry you now." Aniya at kinulong ang pisngi ni Rina gamit ang mga palad nito.
Nanlaki ang mata ko ng hatakin niya si Rina at pumasok sa sasakyan. Mabilis akong nagtago at tinikom ang bibig ko para hindi nila ako mapansin.
What?
Ma—marry?
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
Genel KurguSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...