Chapter 18

1.8K 72 11
                                    

Chapter 18

"Gusto mong bumisita sa mama mo bukas? I'm free."

It's late. Bakit wala pa siya? Hindi ba dapat narito siya ng ganitong oras? Hindi kaya bumalik na siya sa condominium niya? Pero hindi man lang siya nagpasabi nang sa ganun ay nalaman ko.

"Iyong kuya mo, hindi ba uuwi?" hindi ako mapakali. Kanina pa ako tingin nang tingin sa relo ko at isang oras na siyang wala. Tapus na kaming magdinner at nanonood na lang ng T.V.

Ilang saglit na lang ay babagsak na ang mata ko.

Kung hindi siya uuwi pwede kayang pumasok na lang ako sa kwarto niya? Pero baka magalit siya. Ayokong bumalik ang klase ng trato niya sa akin nung una. Simula ng magkaayos kami ay naging iba na ang pakikitungo niya sa akin. I can tell that, from my point of view for now, he's really a good man. Na dala lang nga ng biglaang pangyayari kung bakit ganun ang trato niya. Minsan pa ngang nagtaka ang magulang niya na kailan lang din ay binaliwala na.

"Mamaya pa ata siya uuwi. Bakit?" tanong niya at hinarap ako. Umiling ako at nilingon ang pinto.

Ilang oras pa ako maghihintay rito? Baka abutin siya ng hating gabi? Inaantok na ako. Alam niya namang hindi ako makakatulog ng matagal hanggang hindi ko naamoy ang kwarto niya. Simula ng unang tapak ko roon parang ayaw ko ng lumabas. Ewan ko ba. Kulang na nga lang ay magpalit kami ng kwarto dahil dun na ako natutulog. I can't sleep when I'm inside the guest room. Lagi akong nagigising pag nililipat niya ako at hindi na nakakatulog. Hindi ko naman siya nakitang nagreklamo kahit sa sofa na siya natutulog at ako sa kama niya. Mag-aapat na buwan na akong buntis at ngayon ay mas halata na ang umbok sa tiyan ko. I can't sleep kung hindi ako papasok sa kwarto niya at hindi roon matutulog.

Coss, ikaw lang ang nakikitulog. Umayos ka.

"Inaantok na ako..." bulong ko at sinulyapan ang taas. Nakalock iyon at siya lang ang may hawak ng susi.

"Ganun ba? Tara samahan na kita sa kwarto mo." Tumayo siya at pinatay ang T.V. hinintay niya akong tumayo pero umiling ako.

"Wala pa ang kuya mo..." sabi ko. Napangiwi ito nang mapagtanto ang gusto kong sabihin. Napalinga-linga siya at parang hindi alam ang gagawin, kung anong dapat unahin.

"Tatawagan ko siya. I'll just get my phone upstairs." Dagdag niya at tumakbo paakyat ng hagdan. Napasinghap ako roon at niyakap ang unan na nasa gilid ko lang. Bahagya akong humiga at pinatong ang ulo ko sa handle ng couch.

Sana umuwi na siya.

"Coss..."

"She's sleeping, kuya."

"Can you open my room? I'm gonna bring her there."

"Okay. Careful."

I thought I was just dreaming that he's actually here now. Kaya niyakap ko lang ang unan at hindi nangahas buksan ang mata ko. I'm really tired. Nung hapon ay binisita ako ni Rina at sinamahan akong maglakad lakad tapus ay sinamahan kong magswimming si Kayexa sa pool kanina.

"I'm sorry. Did I wake you up?"

Nalula ako ng maramdaman ko ang pagbuhat sa akin. Sinilip ko siya. Kahit dumilat ay tinatamad pa ako. Umiling ako at pinagsuksukan ang mukha ko sa dibdib nito. That smell...

Maging kwarto niya kaya ay pinapabanguhan niya rin? I'm being addicted with his perfume nowadays. Should I ask for his perfume's brand and buy my own nang sa ganun ay hindi ko na siya maabala sa laging pagtulog sa kwarto niya? Isang linggo ko nang ginagawa 'to at natatakot akong nagrereklamo na siya pero hindi niya lang masabi sa akin.

Nakapikit man ay ramdam ko ang kama nito sa balat ko. Tumagilid lang ako at ramdam ko na ang paglapag ng comforter sa akin hanggang bewang. The smell of his room took me and soon lulled me to sleep.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon