Notes: Please!! I'm not encouraging everyone na magtake ng pinagbabawal na gamot. This story's super hard kasi natatakot ako sa pwedeng kalabasan. I want you to be aware of some drugs(not for you to try kasi baka feeling niyo cool! NO PO!) and it's consequences(which is death).. yung iba't-ibang forms niya na pwedeng maibigay sa inyo nang hindi niyo nalalaman that's why nagbigay ako ng examples na common para maging aware kayo at conscious sa mga naiinom niyo.
Chapter 8
"Kumain ka muna. I'll just check if my clothes can fit you. Hindi ka pwedeng magsuot ng masikip sa tiyan. No! No!"
Tumango na lang ako kahit na gusto kong humindi. Ayokong manghiram ng gamit niya. Nakakahiya. Hindi naman ganun kasikip ang maxi skirt na pinakita ko sa kanya. Sakto lang pero ayaw niya.
Bumaba na ako para makakain. At tulad kanina ay may kung ano pa rin sa tingin ng mga maid. Gustong gusto nilang magtanong pero may pumipigil sa kanila. Ayokong magsalita. Ayokong may makausap ni isa sa kanila. Hindi ko balak magsinungaling sa lahat at oras na ibuka ko ang bibig ko'y alam kong isusunod nila ang mga tanong kung sino ako at anong ginagawa ko rito. Wala ako sa posisyon para sabihin sa kanila lahat ng gusto nilang malaman. This isn't just about my life. Sa bawat sagot ko pwede akong makasira ng iba. Na ayaw kong mangyari. Ayokong lumaki ang bagay na meron ngayon at katahimikin lang ang susi para makuha 'yon.
Bumalik na ako sa itaas at doon nagsipilyo at naligo. Paglabas ko'y nakalatag na ang mga gamit sa kama. Isang geometric styled maxi dress. Halos pagpawisan ako sa hati na nasa gitna. Kung 'yon ang susuotin ko'y paniguradong makikitaan ako ng balat sa dibdib. Hindi nga maiipit ang tiyan ko pero luluwa naman ang dibdib ko. Sa tabi nito ay ang brown cross body bag at feather danglings. Katabi nito ay ang dalawang metal bangles.
"Hindi ko dala ang scarf ko even my vest. Okay lang ba sa'yo 'yan?" mula sa pinto ay kita kong nakapalit na rin ito. Hindi tulad ng damit na nasa kama, nakasuot siya ng brown dye criss cross maxi dress. Ang wooden bangle ay nasa braso nito. Pinarisan ng natural color boots.
Ha-ha! Oo naman okay lang 'to. Okay lang naman maipakita ang dibdib ko.
Napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako o hindi. Kasi makikitaan talaga ako.
"Salamat." Impit-dila kong sagot at kinuha na 'yon para masuot sa banyo. Nang matapos ako ay tinulungan niya na ako sa make-up pati sa pag-aayos ng buhok ko.
Natapos kami na mag-aalas nuwebe na. Hindi ganun kalayuan ang pagdadausan ng okasyon ng pinsan niya. Ilang metro pa ang layo ay halos lamunin na ako ng kaba. Bigla akong kinabahan habang nakikita ang klase ng party na pupuntahan namin. Hindi pa ako nakapunta sa ganitong klase ng okasyon na alam kong lahat nang dadalo ay pawang mayayaman.
"See, they're excited to meet you." Nginuso niya ang mga pinsan nitong nakaabang sa nakabukas na gate. Kita ko ang tatlong pamilyar na babae na nagtatapikan nang makita ang sasakyan ni Kayexa.
Sa harap ng gate kami napiling ibaba ng driver niya. Gumapang ang hiya sa akin nang lumapit sila para salubungin ang pagbaba ko.
"Oh gosh! I'm still clouded about what happened. This is actually real?" ana ng babaeng nakapula. "By the way, I'm red." Napangiwi ako nang maglahad ito ng kamay sa harap ko. Gusto kong matawa dahil simula palang nang makita ko siya sa office ay naisip kong siguro'y Red nga ang pangalan niya. At hindi ako nagkakamali.
"Hi!" bati ko sa kanya at tinanggap ang kamay nito.
"I'm Sharlach. Kambal niya." Lahad ng katabi nitong babae. Hindi kita sa kanila ang pagiging kambal. Kung meron man silang pagkakapareho 'yon ay ang mga singkit nilang mata, na kahit si Kayexa rin ay ganun. Maging ang isa pang batang babae.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...