Chapter 14
Huh? Nasaan ako?
Sumilip ako sa harap at walang nakitang tao.
Bahagyang bukas ang pinto ng driver's seat.
Nasaan sila?
Nanliit ang mata ko gawa ng pagkakadismaya. Nakatulog ako sa byahe at hindi ko na alam kung nasaan sila. Ah! Bakit ba ako natulog? Nasaan na kaya sila nagpunta? Umalis na kaya sila? Napansin kaya nila ako rito? Anong oras na kami nakarating dito? Ilang oras ba ako natulog?
Dumampi ang sinag ng tirik na tirik na araw sa balat ko.
Lumabas ako ng sasakyan at kita sa kaliwa ko ang malawak na hardin. Ang daming klaseng bulaklak. Sunod nilapagan ng mata ko ay ang halamang nahulma sa ibon. Ang ganda sa mata. Kita ko ang isang lalakeng may katandaan na ginugupitan ang isang halaman at ginagawa iyong letrang 'A'. Nang mapansin ako'y binaba nito ang sumbrero. Nagtataka siguro sa akin sa paglabas ko ng sasakyan. Hindi kaya kilala niya si Vincrist?
Pagkalingon ko sa harap ko ay ang limang tabi-tabing bahay na may Colonial architecture. Its shuttered space windows were complementing the formal style. Minsan ko nang nakita ang ganitong disenyo sa mga ginagawa ng mama. Sa bawat gitna nila ay sumisilip ang kumikislap na buhanginan at kulay asul na dagat.
"Ano pong kailangan nila?" tanong ng matandang lalake na ngayon ay lumapit at hawak ang sumbrero nito sa gilid.
Umihip ang hangin dahilan ng pagsabog ng buhok ko. Sinubukan kong hulihin lahat iyon at hinawakan.
"Iyong may-ari po nitong sasakyan. Si Vincrist po. Nasaan po sila? Si Rina," tanong ko at nagpalinga baka sakaling mahanap ko sila pero ilang mga kasambahay lang ang lumabas sa ilang balcony. Ang mga mata nila'y nakamasid sa amin.
"Hindi po siya nagpasabi, Ma'am. Kasama niya po iyong kasintahan niya. Hindi ko na nga po nakausap dahil nagmamadali silang umalis. Naiwan ba kayo sa sasakyan?" tanong niya at matiim akong hinagod ng tingin. Nakapajama lang ako at sando kaya nahiya ako. Umiling ako.
Paano nila ako maiiwan, e, hindi nga nila alam na meron ako sa likod? Wala silang kamalay-malay na nakasunod ako sa kanila.
Tototohanin ba talaga nila ang pagpapakasal? Sana hindi iyon dala ng takot at galit.
"Kaano ano niyo po si Sir, Ma'am?" tanong muli ng matanda.
Wala.
Kakilala?
Mapait akong ngumiti, hindi pinansin ang tanong niya. Ano naman kasing isasagot ko?
"Pwede po bang makitawag?" tanong ko at muling sinilip ang mga bahay. Kanya kaya iyang lahat? Ang lalaki ng mga bahay. Sabagay bakit naman ako magtataka, mayaman naman siya, nagawa niya ngang ipamukha sa akin iyon. Kaya bakit ko pa naisip na hindi kanya 'to? Hay naku! Ang lalakeng 'yon! Gusto ko siyang kaawaan pero minsan sumosobra na siya.
"Dito po, Ma'am." Nilahad niya ang kamay para mauna ako. Sa pinakagitnang bahay niya ako dinala.
Natigil ako.
Dumako ang mata ko sa sobrang laking Chandelier na nasa gitna. Sa bigat at laki nun ay parang nakakatakot manatili sa baba nito. Kita ko rin ang halos magkasinglaking chandelier sa ibang parte ng bahay niya. There were two stairscase para makababa ka at batiiin ng isang long table. Next to it was an oversized window kung saan kitang kita ko ang hampas ng alon. Sa taas ay ang mga kwarto na sa dalawang gilid ay ang mahabang hagdan na magsasalubong papunta sa mga silid. At the end of the stairs were a human-size vase with symmetric styles. Under the long wooden table was a long red carpet. Napakagarbo ng disenyo maging ang mga gamit.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...