Chapter 11
Kinusot ko ang mata ko at hinanap ang phone kong kanina pa nagriring. Hindi tulad kahapon ay naging mapayapa ang madaling araw ko. Ni hindi ko na nga namalayan kung may pumasok ba rito para icheck ako...
Teka...
Mabilis akong umupo at pinagmasdan ang kagabi'y iniwan kong magulong sahig.
Sinong nag-ayos ng mga gamit ko rito? Bakit ang ayos na? Malinis na ang buong silid. Walang bakas ng pagkakagulo kumpara nang madatnan ko ito kagabi.
Hindi kaya pinalinis nila nang pumasok sila rito? Kasi hindi nila matiim na manatili na ganun kadumi ang loob kung nasaan sila? Pero bakit hindi ko man lang naramdaman iyon? Ganun na ba kapagod ang katawan ko at hindi man lang naramdaman ang nangyari sa paligid ko? Gusto kong malaman kung anong naging reaksyon nila. Baka kung anong isipin nila sa akin.
"Anak, nandiyan ka pa ba?"
Napalingon ako sa phone ko nang marinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya. Hindi ko namalayan na napindot ko na pala iyon.
"M-ma. Nandito pa po ako." Sagot ko at muling pinasadahan ang buong malinis na silid. Hindi talaga ako makampante. Kinakabahan ako.
"Kumusta ka na?" unang tanong niya na nahirapan na akong sumagot. Ayokong magsinungaling sa kanya pero ayaw ko rin namang mag-alala siya't baka may gawin na naman siyang hindi ako sang-ayon. Ayokong magpadalos-dalos siya at hindi ko pinangarap humarap sa ibang tao para pigilan siyang mag-eskandalo mangyari lang ang gusto niya.
Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim, "ayos naman po, Ma. Kayo po? Nasaan po kayo?" wala akong ibang marinig na ingay roon kung hindi ang simpleng tunog ng piano. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta pero alam kong importante iyon dahil maiiwan niya ako rito. Hindi siya aalis sa walang katuturang bagay at iiwanan akong mag-isa kung di iyon importante.
"May inaayos lang ako. Nakainom ka na ba ng mga vitamins mo?"
Napasapo ako sa ulo ko ng hindi ko naalalang uminom nang ganun simula kahapon. Ano ba naman 'yan! Iyong importanteng bagay pa ang kinalimutan ko. Masyado na akong nag-iisip ng iba at pati pangangailangan ko ay naisasantabi ko.
"Hindi pa po. Kagigising ko lang po. Hindi pa po ako kumakain." Paliko kong sagot para hindi niya mapansin ang pagsisinungaling ko. Umagang-umaga pero ito ang ginagawa ko.
"Oh siya, you better eat first. I called you just to make sure if you're fine. Don't worry about me. I'll be back soon. Mag-iingat ka. Take your vitamins."
"Yes, ma." Binaba ko na ang tawag at naglakad na palabas.
Hindi ko nasabi sa sarili na kailangan ko rin palang magluto na nang sariling pagkain ko simula nang ipamukha niya sa akin, hindi man deretso, ay kailangan kong gumalaw sa sarili ko. Na hindi kailangan nakadepende ako sa mga maid o kahit na kanino dahil ako lang naman itong nakikitira. Tama naman kasi siya nakikitira lang ako; kaya naiintindihan ko.
Napatigil ako sa harap ng pinto ng tuluyan ko na iyong maisara. Pumikit ako ng kusa na lang bumalik sa akin ang nangyari kagabi, ang bagay na pareho naming hindi inaasahan. Naaalala ko kung paano mangunot ang noo niya habang karga karga ako sa mga bisig nito. Kung paano ko maramdaman ang unti-unting paghigpit ng hawak niya sa akin dahil sa hindi pagiging komportable. Kahit na ganun hindi ko magawang hindi pansinin ang iniisip ko. Alam kong imposibleng maipakita niya iyon sa akin, hindi sa akin, hindi sa babaeng hindi niya naman kilala-- but I saw in his eyes, that no matter how he tries to hide it, it still shows. He's concern. Maybe not that much but he is. I saw it. Guess I'm right. He can treat me someday in a nice way. Na dala lamang ng takot niya sa bagay na maaring mawawala sa kanya kaya't nagkakaganito siya.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...