Chapter 26
"Mas mabuting ubusin mo 'to."
"Hindi ko na kaya. Busog na ako." Apila ko at inilayo konti ang kutsarang hawak niya sa bibig ko. Kanina pa sumisikip ang suot kong damit.
Kanina pa ako nakaubos ng isang mangkok na lugaw at pakiramdam ko mas lalong lumalaki ang tiyan ko pag kakain pa ako ng panibagong mangkok ng lugaw. Alam ko namang concern lang din siya sa akin at nararamdaman ko 'yon pero honestly hindi nakakagaling ang pagkain ng madami. Na sa bawat pagkaubos ko ng mangkok ay magiging ayos na ako? Hindi ganun. Mas mahihirapan pa nga ata akong makahinga kung kakain pa ako.
'Tsaka okay naman na ako. Nawala na ang lagnat ko. Dala lang siguro ng panahon o hindi naman kaya ay epekto lang ni Vin. Hays.
"Last, Coss. Sige na." Pinagtulakan niya sa bibig ko ang kutsara. Hindi ko na talaga kaya. No space for food na. Red alert na o!
Naghintay ako ng ilang segundo pero nanatili parin siya sa ganung posisyon. Tiningnan ko siya at para atang wala siyang balak ibaba iyon kaya napasinghap ako. Ang laki ko na nga tapus dodoblehin niya pa ako lalo.
"Ilang last mo na 'yan ah." Reklamo ko. Kanina ko pa pansin iyon. Panay ang last niya pero panay rin naman ang subo niya sa akin after. Sa tingin niya ba hindi ko napapansin 'yon?
Rinig ko lang ang pagtawa niya at muling tinulak ng kaunti ang kutsara sa harap ko. Sinubo ko iyon at sinubukang lunukin kahit pa hirap na hirap na talaga ako. Sana nga last na talaga iyon. Puputok na ako sa busog nito kung aangal pa siya.
Nagnakaw ako ng sulyap sa kanya. Hindi naman siya nakatingin kaya ayos lang.
Hindi lang pala sa labas siya maganda. Nitong mga nakaraang buwan ay masasabi kong hindi lang ganda na pisikal ang meron siya kung hindi pati loob. Hindi na ako mag-iisip pa kung bakit hindi siya mapakawalan ni Vincrist, kung bakit mahal na mahal niya ito at nagawa niya minsan ang kamuhian ako. Maganda, mabait, maalaga at kaya niyang intindihin ang mga bagay bagay na limitadong tao lamang ang kayang gumawa noon.
Katulad ni Vincrist ay singkit din ito, matangos ang ilong at may kanipisan ang labi. Normal lang din ang pagiging pula ng pisngi niya sa likod nang tila gatas niyang balat. Hindi katulad ko na morena. Na pag tumabi na 'ko sa kanya ay nagmumukha na akong puno ng kahoy.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya at natawa ako roon habang pinagmamasdan siyang hawak hawak ang mukha. Sino nga ba kasing hindi macucurious kung may nakatulala sa'yo 'di ba?
Umiling ako sa kanya at unti-unting pinakawalan ang ngiti ko sa ere. Umiwas ako dahil mas nadidiin sa akin na napakaperpekto niya rin tulad ni Vin. Na bagay nga sila. Na sila iyong perfect match samantalang ako ang perfect opposite.
"Salamat." Nasabi ko at muli siyang nilingon nang nahihiya dahil sa pagkahuli niya sa akin. Iniabot niya sa akin ang tubig bago nagtataka akong sinagot.
"Saan?"
Sa pag-iintindi. Sa pagiging mabait. Napanguso ako.
"Dito." Ngiti ko at napiling hawakan na lang muna ang baso. "Sa pag-aalaga sa akin. Sa pagiging mabait. Sa pag-iintindi sa kalagayan naming dalawa ng fiancé mo. Sa pagpapaalala sa akin ng mga bagay na dapat ginagawa ko at mga bagay na hindi."
"Ah 'yon." Mapait siyang ngumiti bago umiwas. "Wala iyon." Dagdag niya. Tumahimik. Naging blanko ang ere sa pagitan namin hanggang sa lingunin niya akong may lungkot sa mata niya pero iba ang pinapakita ng labi niya, na nakangiti.
"Sa totoo lang," huminto ito at nagkibit ng balikat. "Nasaktan ako," dagdag niya at ngumiti muli. "Pero naisip ko, hindi pwedeng ganun. Hindi dahil nasasaktan ako ay aalis ako. Aalis ako pag hindi ko na siya mahal kaya kahit na masakit okay lang kasi wala naman na akong magagawa. Mahal ko siya kaya iintindihin ko."
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...