Chapter 10
"Kuya nandito na sila mommy't daddy!" rinig kong sigaw ni Kayexa mula sa ibaba. Kita ko ang pagkuyom ng panga niya bago umiwas at naglakad palayo.
Sa tingin ko'y mamaya ko na lang aayusin 'to.
Mabigat kong hinatak ang katawan ko patayo para makalabas na rito. Ayokong madatnan nilang narito ako at ganito kadumi ang loob. First impression lasts. Ayokong sa unang beses palang ay mali na ang pananaw nila sa akin. Sobra na akong hinusgahan ng anak nila ayaw ko namang pati sila ay gawin sa akin iyon.
Mabibigat ang yapak ko pababa. Ang bigat ng katawan ko. Dahil sa hindi ko nakuha ang tulog ko nitong madaling araw ay nagpapahiwatig na ang talukap ng mata ko. I want to sleep. My body's tired about everything. Gusto ko munang magpahinga at kalimutan lahat ng nangyari ngayon. Ang lahat ng nangyari sa akin simula nang mapunta ako rito at simula nang magkatagpo ang landas namin ng demonyong lalake si Vincrist. Mas naiistress ako simula ng lumipat ako rito. Akala ko ba bawal iyon? E, ba't parang sa sobrang ayaw nilang mastress ako ay lalo akong napapadpad sa lugar kung saan may stress.
Bagsak ang mata kong binati ang ama ni Kayexa. Nakaformal suit pa ito at ganun din ang asawa niya. Bakas sa tindig nila ang otoridad. That the way they stand was shouting power over everything. Nakakahiyang lumapit.
"Magandang gabi po." Bati ko. Hindi ko magawang ngumiti sa kanila dahil nagaalinlangan akong hindi iyon magustuhan ng daddy nila Kayexa. Napakalamig ng ekspresyon ng mukha niya. Singkit ang mga mata rin nito na pansin na nakuha ng mga anak nila. Humalukipkip ang matandang lalake at sinulyapan ang tiyan ko. Hindi ako naging komportable lalo't nakitaan ko ang pagsalubong ng kilay niya.
Parehas sila ng mata ni Vincrist at hindi ako nagkakamaling nanliliit din ako dahil sa tingin ng matandang lalake sa akin.
"Kumusta ka na, hija?" tanong ni Miss Barbara at nilapitan ako para mayakap. Nanigas ako habang sinasalubong ang mamahalin niyang pabango samantalang ako ay amoy kalsada na. Pinaghalong pawis at usok. Nahihiya pa akong humalik sa pisngi niya dahil pakiramdam ko'y masusuka siya sa amoy ko.
"A-ayos naman po." Sagot ko at minsang nagnakaw ng sulyap sa walang pakeelam na si Vincrist. Kampante itong nakaupo sa pinakagilid ng sofa at tinatapik ang tuhod nito, na para bang bagot na bagot sa mga nangyayari sa harap niya.
"Ito ang tito Rigor mo. Sweetie, her name is Coss." Pagpapakilala niya sa amin ng asawa niya.
"I'm glad I met you, hija. Kayexa's been telling me a lot about you and it sounds like that she gave me the exact words about you."
Pormal niyang nilahad ang kamay niya sa harap ko na mabilis kong ginantihan, nahihiya pa akong ngumiti dahil hindi ko alam ang dapat maramdaman. Parang ang gaan ng paraan niya para kausapin ako na hindi ko maipinta kung may tensyon nga ba o dapat ba akong kabahan lalo.
"Masaya rin po akong nakilala kayo, Sir."
"Tito. I want you to call me tito from now on. Dala mo ang apo ko kaya mabuting tawagin mo na lang akong ganun, hija. That's going to be the first born grandchild of our clan kaya welcome to our family. Anyways, I'm here to visit you, to see if you're doing great. I hope Vin's treating you properly." Bakas sa boses niya ang paghihingi ng apruba mula roon. Muli akong nagnakaw ng sulyap sa anak niyang ngayon ay nakakunot na ang noo.
Pilit lang akong ngumiti para pagtakpan na naman siya. Ito na naman ako e. Hanggang kailan ko ba siya kailangan pagtakpan sa mga ginagawa niya? Pero kahit pa na ganun ay sana kahit papaano'y umayos na ang trato niya sa akin. Ayokong hanggang sa matapos ang pananatili ko rito ay ganun at ganun pa rin ang klase ng trato niya sa akin.
Hindi ko masabayan ang pinag-uusapan nila. Sabay kaming kumain at kahit pa ganun ko sila katagal nakasama ay walang pumapasok sa mga sinabi nila. They're talking about the possibilities if they have to talked to Rina's family. They're asking me if it's going to be fine and I said yes. Wala akong lakas para sumagot ng mahahaba. Nahihilo na ako at ilang saglit pa'y mahuhulog na ang talukap ng mata ko sa sobrang antok.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...