Chapter 4

2.4K 76 6
                                        


Chapter 4

"Mas gwapo pala siya pag malapitan. Pati 'yong kasama niya. Ang puti nila." Bulong ni Thalia sa gilid ko.

Hindi ba siya titigil sa kakapansin niya ng mga bagay tungkol sa lalakeng 'to? Hindi na nga ako mapakali dahil hindi ko alam kung kaya ko pang magtagal dito. Habang nakikita silang magkakasama rito sa loob ay mas nararamdaman kong nanginginig ako. Parang ang sikip ng silid na 'to para sa amin. Ang hirap na rin huminga lalo't pasulyap-sulyap ito sa amin.

"Explain this!" napamasahe sa ulo ang kausap naming babae kanina.

Pwede bang umupo? Babagsak na ata ako! Hindi pa man siya nagsasalita ay nangangatog na ang tuhod ko. Paano pa kaya pag nagsalita na siya?

"Explain what, Mom?" simpleng tanong nito bago humalik sa pisngi ng nanay niya.

Hindi ko na talaga kaya. Kung hindi pa ata ako uupo ay siguradong babagsak na ako.

Sabay-sabay silang napalingon sa akin kaya napatigil ako, hindi pa nakakaupo ang pwetan ko't nasa ere pa rin. Sa hiya ko ay mabilis akong umayos ng tayo. Sige kakayanin ko na lang atang tumayo rito.

"Sorry po." Mahinang sabi ko dahil sa naagaw ko ang atensyon nila.

"What is it, Mom? Bakit mo pinatawag si kuya rito? May gusto ka bang sabihin sa kanyang importante?" ani ng dalaga sa gilid ng ina niya.

"You're stressed, Barbara. It sounds like your age's making you problematic nowadays." Natatawang sabi ng may katandaang lalaki sa tabi ng mga dalaga.

Ang fierce ng pangalan niya. Barbara. Pero kabaliktaran nun ang pagiging anghel ng mukha niya. Napakainosente.

"Shut up, Kuya Carvin! This isn't the time to get me on my nerves. I'm facing a problem here and I want Vincrist to explain." Halata mong nagpipigil siya ng galit pero kahit na ganun ay hindi kita iyon sa mukha niya. Nang lumapag ang tingin niya sa akin ay malamya itong ngumiti. "Are you sure, my son's the one who got you pregnant, hija? Sigurado ka bang siya?" tanong nito sa akin at humawak sa braso ng sa tingin ko ay Vincrist ang pangalan.

"Who got her... what? Mom, what are you talking--"

Napalunok ako nang nakadirekta ang tingin ng ina niya sa akin. Maging siya'y tumigil din dahil hindi ata makikinig ang nanay niya sa ano mang sasabihin nito.

All I have to do is to nod, to say yes, but I was stopped on how he stared at me. Kunot ang noo nito't akala mo'y inaaway ko siya kahit na wala pa naman akong sinasabi. Ni hindi ko nga magawang umupo e! Ni hindi pa ako nagsasalita.

Tinapik ako ni Thalia at nginuso na sagutin ko iyong tanong. Kita kong gulat na gulat silang lahat. Pinagpapawisan na' yong kamay ko't pati ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. Pwede bang tumakbo paalis dito? Pero sa kaso ko na ang isang matangkad na lalake ang nakatayo sa mismong pinto ay baka pigilan ako.

"Who's-- who's pregnant?" tanong ng dalagang anak ni Miss Barbara. Nang pumirmi ang mata nito sa akin ay halos mapaatras ako. Siniyasat niya ang katawan ko. Dinaig ko pa ata ang nasa truth or lie na serye na napapanood ko rati. Para akong binibitay sa klase ng bawat titig nila sa akin. Para nila akong binabalatan ng buhay.

Nilaro ko ang mga daliri ko dahil hindi ako makasagot. Na-tape na ata ang bibig ko dahil sa tingin nila. Lalo na si Vincrist na hindi alam kung sisigawan ba ako o sasaktan dahil sa mga sinasabi ng pamilya niya.

"What the hell, kuya? Paano si ate Rina?" singit ng isa pang dalaga. Mapupula ang labi nito't maging ang suot na dress at heels.

"Look, Miss. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nilahad nito ang palad sa akin na para akong pinipigilan. Hindi naman ako aalis e. Ni gumalaw nga sa pwesto ko nahihirapan na ako. "Believe me, Mom. I never slept with anyone." Para siyang nagmamakaawa sa ina niya.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon