Chapter 5
"Normal lang 'yan sa mga nagbubuntis lalo pa at magpipitong linggo ka palang buntis. That only means that your uterus is expanding to accomodate the embryo. Hormones are responsible for growing and expanding ng iyong uterus, ano. Normal lang din ang spotting. Ang ikabahala niyo ay pag ang dugo ay singdami ng normal na menstruation period mo. But I suggest that if necessary, layo ka muna sa makakapagstress sa'yo so we can be sure especially that these weeks, the embryo are most at risk for damage that may cause birth defects. Alam ko namang hindi mo 'yon gugustuhin." Sabi ng Doctora sa akin. Tahimik ang buong room na 'to at tanging boses lang ng doctor ang naririnig sa kabila ng dami naming nakikinig.
Nakaupo ako sa clinic bed at hindi na magawa pang intindihan ang sinasabi sa akin. They're all attentive samantalang naglalakbay naman ang utak ko.
"Thank God, you're fine." Napabuntong hininga si Miss Barbara bago lumapit sa akin. Kahit pala maliit na bagay, huminga man o siguro kahit bumahing, ay maganda pa rin siya.
"So what are you gonna do, Barbara?" tanong ng sa tingin ko ay ang tatay ni Dau na si Mister Bray. Nakahalukipkip ito't nilalaro ang labi. Kahit na may edad na ito'y halata mo pa ring malakas pa rin ang karisma niya.
Walang imik ang mama, nakamasid lang sa akin kaya ngumiti ako. Alam ko namang nag-aalala siya pero tulad nga nang sinabi ng doctor, normal lang 'yon, walang dapat ikabahala. Ni wala ngang spotting na tinutukoy niya. Kaya sigurado akong ayos lang talaga ako at walang mali.
"I don't know, Kuya. Kilala mo naman ang anak ko, he can't let go of Rina. I can't ask for a shut gun marriage. Hindi natin gawain 'yon."
"But if you'll consider that soon-to-be baby will be the first grandchild Sandoval clan will have. We can't just ignore that."
"Pero tito, kuya Vin and ate Rina's been together for so long. Twenty years na sila. I don't think he'll give her up." Ani ng babaeng nakapula.
Hindi ko alam kung pansin nila ang pagkasamid ko o hindi. Mabilis kong tiningnan ang babaeng nagsalita at tipid itong ngumiti sa akin. Gulat man ako'y nanatili pa rin akong tahimik.
Meron pa palang ganun? I mean, twenty years! Sobrang tagal na nun.
"They've been together since kindergarten. You won't believe it but that's the truth. Twenty years na sila." Patama niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko irereact iyon. Ang tagal? Twenty years? At sa ganung murang edad naging sila? Who can even stick with a girl for that long in a relationship? Hindi pa ako nakakakilala ng magkarelasyong ganun na katagal. Mostly all of them ay kasal na bago mag pitong taon sa pagiging mag boyfriend at girlfriend tapus sila ay twenty years na? Ilang taon na ba siya? I started kindergarten when I'm six so he'll probably as old as me, twenty six years old? And yet he got a good business at that age?
He found his girl at dahil sa akin masisira iyon, ang dalawangpung taon nilang pagsasama, dahil lang sa isang gabing hindi niya ginusto?
"I want them to get married." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.
"Ma?! Ano bang pinagsasasabi mo?" galit na pabulong ko sa kanya. Hindi niya lang ako pinansin at tumayo sa harap nilang lahat, tinatakpan ako. Ipinagpipilitan pa rin talaga niya ang gusto.
"Kung ganun kaimportante sa inyo ang unang apo ng pamilya niyo then I think we can consider them getting married. Wala naman sigurong mali roon lalo't binuntis ng anak niyo ang anak ko."
Kulang na lang ay hilain ko ang damit ni mama para lang mapatigil siya sa kung anong balak niya pang sabihin. Nagpapadalos-dalos siya at hindi sagot ang pagpapakasal namin. Hindi 'yon ganun kadali. He will object, of course! Sino ba namang hindi gagawin 'yon kung may iniingatan kang babae at saka sa lahat ng lalakeng pwedeng ipakasal sa akin, pwede ba! 'Wag siya! Hindi ko nais maitali sa ganung klase ng lalake. Mas gugustuhin ko na lang mamuhay nang mag-isa kasama ang anak ko kaysa sa maikasal sa kanya.
BINABASA MO ANG
To Let Go (SSB#3A)
General FictionSandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero para kay Coss, hindi lahat ng laban dapat mong ipanalo. Minsan kailangan mo ring sumuko at magpalaya...