Chapter 23

1.7K 62 8
                                    

Chapter 23

Nakapatong ang kamay ko sa tiyan ko at nakatingala. Sa taas ay ang pangalan ng clinic. Hindi ko akalain na sa pag-alam lang ng kasarian ng anak ko ay nakakakaba ng sobra. Pakiramdam ko ay matatae ako habang iniisip na ilang hakbang lang malalaman ko na. Sa kanan ko ay si Thalia, na siya rin ay nakatingala sa taas. Sa kaliwa naman ay si Vincrist na walang pinagkaiba sa amin.

"Wala ba kayong balak pumasok kasi kanina pa tayo nandito e," pag-angal ni Thalia na nakatingala pa rin.

"Kinakabahan ako." Bulong ko.

"Ako rin." Nilingon ko si Vincrist at ganun din siya sa 'kin. Nang magtama ang mata namin ay ramdam naming pareho ang kaba.

"Sige. Ako na lang ang mauna tutal ay parang ako naman ang magpapaultrasound. Pahantay na lang ako para sa resulta ha." Angal ni Thalia at nagmartsa na papasok sa loob.

Sabay kaming napatawa ni Vincrist na kahit papaano'y bahagyang nabawasan ang kaba namin.

"Tara na?" pag-anyaya niya at inalalayan akong humakbang nang may maalala ako.

Ihahatid niya lang kami. May trabaho siya at ang rason niya lang ay malalate ito ng kaunti. Hindi niya naman ako kailangang samahan sa loob. I can just text him after. Pero wala siyang numero sa akin. Kung gusto niya ay ibigay niya na lamang iyon para masabihin ko siya agad. Pero hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.

"Ah-- hindi ba'y may trabaho ka pa? Pwede ka nang mauna kung gusto mo. I-- itetext na lang kita?" nahihiyang sabi ko at idadagdag sana ang paghingi nang numero niya ng mabilis itong umiling at napangiti.

"I don't think I can concentrate now. Mas gugustuhin ko na atang sumama sa loob. I want to see it too." Ngayon ay kita ang pagiging excited sa mga mata niya. Tumalbog ang dibdib ko sa saya habang pinagmamasdan siya.

"O-- okay..." pagtango ko.

Sabay kaming pumasok at nadatnang nag-uusap si Thalia at si Doctor Joyce.

"You're here."

"Hello po, Doc." Bati ko at siya namang pagtango nito sa lalakeng nasa likuran ko. May mag-asawang palabas at pansin sa kanila ang tuwa nang pag-usapan nila ang tungkol sa gender ng anak nila. Nagkatinginan kami ni Vincrist at para bang nakuha na namin ang ibig sabihin nun. It sounds like we're in the same mind and we knew what's running inside it.

"Himala at kasama mo ang mister mo ngayon. Nice to meet you." Ani ni Doc at nakipagkamayan. Pilit akong napatawa at humingi ng pasensya kay Vincrist sa pamamagitan ng tingin, nang suklian niya ng kamayan ang Doctora. Sa gulat ko ay hindi ako nakaimik. Nanatili ang mata ko sa kamayang ginagawa nila. My whole soul was flashed with happiness.

"Nice to meet you, Doc."

Tumangi lang ang Doctor.

"Shall we go?" ani ni Doctora bago inilahad ang kamay nito sa isang pribadong silid.

Naunang pumasok ang Doctora roon samantalang ako ay natuod sa kinatatayuan ko, nag-iisip.

Hindi man lang siya umapila. He can just say that he's not my husband. O kaya ay umiling. Anything that will show that he's disagreeing about the thought that he's my husband. Wala siyang ibang ginawa kung hindi sang-ayunan iyon sa pamamagitan ng pakikipagbatian at kamayan din. Not that I don't like this, it's just that... it's fluttering me.

Binaba nito ang tingin sa akin at sigurado akong nagtataka rin siya sa tingin ko.

"Bakit hindi mo sinabing hindi tayo mag-asawa?" mahinang bulong ko. May isang sulok sa dibdib kong nagdadasal na may rason siya kaya hindi siya umapila. Sunud-sunod na lumitaw ang kung ano sa utak ko. Na baka... baka may... imposible.

To Let Go (SSB#3A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon