YEAR 1940
"Althea, maghanda ka ng iyong masusuot sa gaganaping piging bukas ng gabi. Darating dito ang anak ng aking kasosyo sa bayan. Sya ang gusto kong mapangasawa mo. Kaya mag ayos ka upang magustuhan ka nito." Paliwanag ng Itay ni Althea sa kanya.
"Ngunit Itay gusto ko pang makapag-aral sa Maynila. Hindi ko na natuloy ang kursong gusto ko dahil ayaw nyo akong payagan mag-aral kahit dyan lamang sa bayan. Saka Itay hindi ko naman sya mahal para pakasalan ko sya." Di pag sang ayon naman ni Althea sa mga sinabi ng kanyang Itay.
"Pwes matutunan mong mahalin sya dahil wala na akong ibang gusto pang lalaki na para sauo. At saka anong mag-aaral ka? Ang mga babae ay para lamang sa bahay upang asikasuhin ang kanyang pamilya! Pumasok ka sa kwarto mo at magbihis ka! Ayoko ng marinig yang mga pinagsasabi mo!"
Walang magawa si Althea kundi pumasok sa kanyang kwarto at umiyak. Naisipan nyang tawagan si Jade. Kailangan nya ng mapagsasabihan sa mga nararamdaman nya ngayon.
Sinubukan nyang iangat ang telepono at baka sakaling sumagot din si Jade sa kabilang linya.
"Hello? Hello Althea?" Rinig nya ang boses ni Jade sa kabilang linya na nagdulot naman sa kanya ng saya.
"Jade, mabuti naman at nasagot mo ang aking tawag." Bati nito sa kausap
"Bat mukang sad ka Althea? Umiyak ka ba? Parang nanginginig kasi yung boses mo?"
Di alam ni Althea kung sasabihin nya ba kay Jade ang nangyari kanina. Nahihiya syang magsabi dito dahil hindi pa naman nya ito ganoong kakilala. Subalit napakagaan na agad ng loob nya dito.
"Gusto kasi akong ipakasal ng aking Itay sa anak ng kanyang kasosyo. Hindi ko pa nga ito nakikita at lalong hindi ko naman mahal ito. Gusto kong mag-aral sa Maynila Jade. Gusto ko maging isang guro."
"Bakit hindi mo sabihin sa father mo na ayaw mo? I'm sure maiintidihan ka nya. After all he's your father."
"Sinubukan ko Jade. Sinubukan ko sabihin sa kanya ang mga gusto ko pati pangarap ko. Pero mas lalo lang syang nagalit sa kin Jade. Nakakalungkot na ang sarili ko pang Itay ang pipilit sa mga bagay na hindi ko naman gusto."
"Umalis ka na lang dyan Althea. Sumama ka sa kin sa Manila? Tutulungan kita dun makapag-school. Si Daddy naman may scholarship na inoffer for sure papayag yun dahil kaibigan kita."
Natuwa naman si Althea sa mga sinabing ito ni Jade.
"Talaga Jade? Salamat at tutulungan mo ako. Napakaling bagay ito para sa kin."
"Wala yun Althea. Happy rin ako na matutulungan kita. Ikaw kaya unang friend ko dito sa province. Gusto mo magkita tayo bukas?" Tanong ni Jade dito.
"Talaga magkikita tayo? Sige Jade. Doon tayo magkita sa malaking bato malapit sa ilog. Mga alas otso ng umaga ay naroon na ako."
"Sige. See you Althea. Wag ka na masad ok? Good night."
"Paalam Jade."
Ibinaba na nila parehas at telepono. Sobra ang tuwa ni Althea na makikita nya si Jade at lalo pa na matutulungan sya nito na makapag-aral sa Maynila. Napakabait nito sa kanya. Humiga na sya upang magising sya ng maaga sa pagkikita nila ni Jade.
Tik Tilaok
Tik Tilaok
Nagising si Althea sa tilaok ng manok. Tinignan nya ang orasan sa lamesang katabi ng kanyang kama. Bumangon na ito para maligo at inihanda nag isusuot para sa pagkikita nila ni Jade.
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going