Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Hinanap ko si Althea mukang maaga itong gumising. Agad akong bumangon upang hanapin kung na saan pumunta ito.
"Ama, nakita nyo po ba si Al—" Naputol ang aking sasabihin ng bigla syang nagsalita sa aking likuran.
"Jade, gising ka na pala. Tinulungan ko ang iyong lola magluto ng agahan. Halika at kumain na tayo." Yaya ni Althea sa kanya.
"Dapat hinayaan mo na sila Manang dyan nakakahiya naman sayo."
"Ayos lang dahil maaga din ako nagising at hindi ko alam ang aking gagawin kaya tumulong na lang ako."
"Oo nga Jade. Halika rito ang sarap ng nilutong agahan ni Althea para sa atin." Singit naman na ni Ama sa usapan namin.
"Good morning Ama. Ang dami nyo namang niluto." Ngiti ko dito.
"Jade oh kape mo. Ako ang natimpla nyan."
Napangiti naman ako sa ginawa ni Althea na pag-aasikaso sa akin.
"Thank you. Tara na kumain."
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming pumunta sa may ilog. Naisip ko na rin sabihin kay Althea ang mga nalaman ko kay Ama.
"Jade baka hinahanap na ako ng aking Itay."
"Pero Althea paano ka babalik sa inyo? May paraan ba para makabalik sa 1940?"
"Hindi ko din alam pano bumalik Jade pero natitiyak ko na mayroong paraan. Dahil nagkaroon nga ng daan para makarating ako dito. TIyak na meron ding daan pabalik."
"Pwede Althea. Naalala ko kahapon ay may tumamang malakas na kulog at kidlat dito baka yun yung naging passage mo papunta dito. Kailangan natin makita ang weather update araw araw para malaman natin kung may tatama bang malakas na ulan dito."
"Tama nga Jade. Maaring yun nga ang dahilan upang makabalik ako sa min."
"Habang nandito ka gusto mong pumunta tayo sa Manila? Kaso kailangan kong tawagan ang Dada ko para payagan nya tayong pumunta ng Manila."
"Talaga Jade? Makakapunta na rin ako ng Manila. Salamat ng marami Jade sa pagtulong mo sa kin. Napaka laki ng utang na loob ko sayo." Yumakap naman ito sa kanya bilang tanda ng pagsasalamat.
"Wala yun Althea. Magkaibigan tayo di ba?"
"Salamat uli Jade."
"Sandali lang Althea subukan kong tawagan ang Dada ko." Nilabas ko ang cellphone na galing sa bulsa ko. Kita ko naman ang mangha kay Althea ng makita nya ang cellphone na hawak ko.
"Ano yan Jade?" Takang tanong nito.
"Ito? Cellphone. Para syang telephone pero pwede mo syang dalhin kahit saan. Meron din syang camera saka pwedeng magplay ng games and music." Sabi ko naman dito habang dndemonstrate kung paano gamitin ang cellphone.
"Tara Althea. Magpicture tayo." Tumabi naman ako sa kanya at inangat ang cellphone ko para kumuha ng selfie naman.
"1, 2, 3. Smile"
"Nakakamangha Jade. Sobrang iba na ang panahon ninyo kaysa noong panahon naming. Ayan gaya ng kasuotan mo. Hindi pwede yan sa amin dahil papagalitan talaga kami Inay pag sinubukan naming magsuot nyan. Hindi lang pala panigurado ang matatanggap namin."
"Hahaha. Eh dati pa kasi yun. Pag ngayon nagsuot ka ng mga lumang damit tatawanan ka lang ng mga tao. Pwede ka pang asarin na napaka old fashioned mo."
"Nasanay kasi kami sa ganoon Jade. Pinalaki kami ng aming ina na ganon."
"Oo nga pala Althea. Nakita mo na yung lalaking magiging asawa mo?"
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going