Sumapit na ang ikatlong araw, ito na rin ang huling araw ni Jade kasabay ng pamamanhikan ni Ben sa pamilya ni Althea. Halos hindi makatulog si Jade dahil kung sa totoo lang ay ayaw nya umalis. Gusto nyang manatili kasama ni Althea dahil marahil ito na ang huling araw na magkakasama at magkakausap sila. Di maiwasan ni Jade mapaiyak sa maaring maganap sa araw na ito.
Hindi nya napansin na nagising na si Althea at nakita ang kanyang pag-iyak.
"Jade?" Yakap nya dito.
"Althea, gising ka na pala." Habang pinapahid nya ang kanyang mga luha.
" Bakit umiiyak ang mahal ko?"
"Malungkot lang isipin na ito na ang huling araw ko dito."
Hinalikan ni Althea ang kanyang noo.
"Wag ka ng malungkot. Magiging ayos din ang lahat Jade. Magiging masaya din tayo."
"Sana nga Althea. Sana."
"Tara na. Mag-ayos ka na. Sulitin na natin ang araw na ito."
Nagbihis na ang dalawa at agad nag-agahan. Sobrang abala naman ang lahat sa tahanan nila Althea dahil sa gaganaping piging mamaya. Tumakas ang dalawa at pumunta kila Batching para makapaghanda na sila para sa gagawin nila mamaya.
"Ano? Hand aka na ba Jade?" Alalang tanong ni Batching.
"Ayos lang ako Batching. Alagan mo si Althea ha? Lagi mo syang titignan para sa akin. Kahit malayo na ako ay alam kong may nagaalaga pa rin sa kanya."
"Oo naman Jade. Makakaasa ka. Lagi kong babantayan si Althea."
"Salamat Batching." Sabay yakap dito ni Jade.
"Mamaya habang ginaganap ang piging sa bahay ay tatakas tayo upang pumunta sa may malaking bato para di nila tayo masyadong mapansin. Sigurado akong magiging abala sila sa mga bisita." Singit naman ni Althea sa usapan ng dalawa.
"Sige Althea. Ako na lang ang mauuna dito para mahanda na ang lugar bago"
"Salamat Batching. Paano babalik muna kami sa bahay? Tulungan muna naming sila Inay."
"Sige. Ingat kayo."
Bumalik na sila Althea sa bahay nila. Tumulong sila sa paghahanda para sa paging. Sa dami ng kanilang magiging handa sigurado si Althea na madaming magiging bisita mamaya. Ang hindi alam ni Jade ay may plano na si Althea at Batching para mamaya. Aaminin na ni Althea sa kanyang pamilya ang relasyon nila ni Jade. Sasama na rin ito kay Jade pabalik sa hinaharap. Di nya muna sinabi kay Jade para maayos nilang masasagawa ang plano.
Sumapit na ang oras para sa gagawing piging. Nagsimula na ring magdatingan ang mga bisita. Nakapagbihis na din ang dalawa at tumutulong sa pag-aliw sa mga bisita habang wala pa ang pamilya nila Ben. Habang abala ang lahat ay biglang dumating na ang pamilya nila Ben. Kitang kita ang kapangyarihang taglay ng pamilya nila. Pagpasok pa lamang nila ay nahawi na ang daan para sa kanila at lahat ng mga mata ay nakatitig sa mga ito.
Unang lumapit si Ben kay Althea at kinuha ang kamay nito upang halikan. Ang mga magulang naman nito ay nagbeso bilang batian.
"Nakakatuwang tignan ang mga bata, di ba kumpare?" Tanong ng Ama ni Ben sa Ama ni Althea.
"Aba'y oo kumpare. Napakaswerte talaga ni Althea na ang mapapangasawa nya ay si Ben. Ang daming dalagang naiinggit ngayon dahil ang mga kamay ni Althea ang hihilingin ni Ben." Pag sangayon naman nito.
"Napakaswerte din naman ng anak ko kay Althea. Tignan mo at napakagandang binibini. Lahat ata ng binata sa ating bayan ay gustong ligawan ang iyong anak."
Bago makasagot pa ang Itay ni Althea ay sumingit na agad ito.
"Itay, paumanhin po pero may gusto po akong sabihin."
"Ano yun, anak?"
"Itay, hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. Hindi ko po kayang pakasalan si Ben. Hindi ko po sya mahal. May iba na pong laman ang aking puso. Hindi nyo na po ako mapipigilan Itay."
"Sino yang lalaki mo ha, Althea? Yan ba ang ginugugol mo sa mga panahong wala ka dito? Hindi ako makakapayag makasal ka sa iba. Si Ben lang ang lalaki para sa iyo. Wala ng iba.."
Kinakabahan naman si Jade sa mga sinabi ni Althea. Hindi nya alam bat bigla na lang nyang inamin ang mga ito sa kanyang Ama. Wala ito sa plano nilang dalawa.
"Hindi po lalaki, Itay. Babae po ang mahal ko." Hiniwakan nya si Jade at hinila para tumabi sa kanya.
"Si Jade po ang mahal ko Ama. Mahal nya rin ako. Hindi ko ho kayang mawala sa tabi ko si Jade. Alam kong mali Itay dahil parehas kaming babae pero ito po talaga ako Itay."
Di napigilan ng Ama ni Althea ang kanyang damdamin at sinampal nito si Althea.
"Ano ba yang mga pinagsasabi mo?! Naiintidihan mo ba yang mga sinabi mo?! Parehas kayong babae! Mainintindihan pa namin kung lalaki ang iyong kalaguyo! Ngunit ang babae pang ito ang ipagpapalit mo kay Ben?! Nasisiraan ka na ba ng bait Althea!"
Nagsimula na ang bulong bulongan ng mga bisita dahil sa kanilang mga narinig.
"Di po ako nasisiraan ng bait Itay. Tama po lahat ng narinig nyo. Sasama na po ako kay Jade. Aalis na ako dito. Di ko na po kaya ang mga ginagawa nyo. Laging ang negosyo lang ang importante sa inyo! Pati ako ay ginagawa nyong negosyo!"
"Hindi kayo makakaalis dito! Hindi ko kaya papayagan! Ben, hawakan mo si Althea."
Mabilis namang nahawakan ni Ben si Althea at hinila ito. Ngunit di nagpatalo si Jade at tinulak nito si Ben saka hinila si Althea. Tumakbo ang dalawa hanggang sa makalabas na sila sa bahay. Ngunit bago pa sila makatakas ay nagpaputok na ang Itay ni Althea. Gulat man ang dalawa ay tuloy tuloy pa rin ang mga ito sa pagtakbo. Patuloy ang pagputok ng baril ng Itay ni Althea ngunit hindi nila ito inintindi.
Nakarating na ang dalawa sa malaking bato at hapong hapo ang mga ito sa katatakbo.
"Jade, Althea anong nangyari sa inyo? Bat parang pagod na pagod kayo?"
"Batching, bilisan mo na at buksan mo na ang portal. Hinahabol kami ni Itay. Hindi nya dapat kami maabutan dito. Galit na galit ito."
Hindi na sumagot si Batching at agad nang sinimulang ang seremonyas. Unti unti na naririnig ang mga kulog sa iba't ibang lugar nang biglang bumagsak si Althea. Naputol ang ginagawa nilang seremonyas at tinulungan si Althea tumayo.
"Althea, anong problema?" Pag-aalala ni Jade.
"Jade, nagdudugo ang tagiliran ni Althea." Tinignan ito ni Jade at laking gulat na may tama si Althea.
"Bat di mo sinabing natamaan ka pala kanina?"
"Ayos lang ako. Sige na Batching ituloy mo na ang seremonyas kaya ko naman. Jade sige na. Wag mo na ako alalahanin kailangan na natin makaalis dito."
Sinimulan na uli ni Batching ang seremonyas at nagsimula ng kumulog.
"Althea!" Narinig nilang sigaw ni Ben patakbo sa kanila. Ngunit hindi tumigil si Batching at mas lalo nya pang nilakasan ang bawat salita na kanyang binibigkas. Hinawakan naman ni Jade si Althea ng mahigpit. Nagsimula na ang malakas na mga kidlat at kulog. Isang malakas na kulog ang kumawala sa langit at nagsimula nang maliwanag ang paligid. Bago pa pumuti ang paligid ay kumawala ag kamay ni Althea sa pagkakapit kay Jade. Kitang kita ni Jade ang paghila ni Ben kay Althea.
"Atlhea!!"
"Jade!!"
Tanging sigaw na lamang ng dalawa ang umalingawngaw kasabay ng pagliwanag ng buong paligid.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going