Abala sa paguusap si Cathleen at Batching nang magising si Althea.
"Nasaan ako?" Pagtatakang tanong nito kay Cathleen.
"Hi. I'm Cathleen. Nandito kayo sa clinic ko." Magtatangka sanang umupo si Althea ngunit napigilan nya ito.
"Wag ka munang tumayo. Baka bumuka yang sugat mo."
Hindi inintindi ni Althea ang mga sinasabi ni Cathleen at nagpatuloy pa rin ito sa pag-upo.
"Batching, nasaan si Jade?"
"Althea, hindi ko din alam. Hindi natin sya nakasamang bumalik."
"Kailangan natin syang mahanap Batching. Baka ano ng nangyari sa kanya."
"Hahamapin natin sya Althea pag gumaling ka na. Magpahinga ka muna. Gusto mo bang makita ka ni Jade sa ganyang kalagayan. Lalo lang mag-aalala iyon sayo."
Buntong hininga lang ang naisagot nito sa kausap dahil tama nga naman ito. Pag nakita syang ganito ni Jade ay paniguradong mag-alala ito.
"Althea, si Cathleen nga pala ang tumulong sa tin. Buti ay nakita nya tayong naglalakad sa may lansangan tas dinala nya tayo dito para magamot ka."
Tumingin naman ito kay Cathleen na parang nahihiya sa hindi nya pagpansin dito kanina.
"Paumanhin sa naging asal ko kanina. Maraming salamat sa pagtulong mo sa amin ng kaibigan ko. Malaki ang utang na loob naming sayo."
"It's ok. Basta magpagaling ka na lang. San nga pala kayo nakatira? Ihahatid ko na lang kayo doon bukas."
"Nako taga probinsya kami Cathleen. Kung di mo mamasamain nasaang lugar pa tayo?" Tanong ni Batching.
"Nasa Manila tayo. Buti na lang malapit lang ang clinic ko sa Cavite nung nakita ko kayo."
"Manila? Anong taon na ba ngayon Cathleen?"
"Year? 2017? Bakit? Imposibleng hindi ninyo ang alam kung anong year na." Pabiro pang sagot nito.
"Nakabalik tayo Batching pero sa ibang lugar tayo napunta."
"Oo nga kaya siguro hindi natin nakita si Jade."
"Wait sino ba si Jade? Friend nyo din?" Singit ni Cathleen.
"A-Ah oo. Naiwan kasi namin sya sa Iloilo di sya nakasama dito sa min ni althea. ."
"So taga Iloilo pala kayo. Ang layo pa nang pinanggalingan ninyong dalawa. Sa kin na lang muna kayo tumira habang nagpapagaling pa si Althea. Pagkatapos ay sasamahan ko kayo sa terminal ng barko pa-iloilo.
"Salamat Cathleen. Napakabuti ng iyong kalooban." Ngumiti naman si Cathleen bilang tugon sa pagpapasalamat ni Althea sa kanya.
Tanchingco's Home
Sa kabilang banda naman ay nakarating na si Jade sa bahay nila. Agad itong sinalubong ng kanyang Mama.
"Jade anak! How are you? Kamusta ang byahe mo?"
"Ok lang po Mama. Medyo nakakapagod po. Sobrang namiss ko kayo." Agad na niyakap nya ito.
"Kumain ka muna Jade at pnprepare ko ang mga paborito mong pagkain. Gusto mo magshopping tayo mamaya."
"Sige po Mama. Thank you."
Habang nasa hapag-kainan sila ay di matago ng mama ni Jade ang pag-aalala sa dalaga. Hindi ito sanay na tahimik ito kaya panay ang tanong nya dito tungkol sa mga ginawa nito sa probinsya.
"Nag-enjoy ka naman kasama ang Ama mo Jade?"
"Yes po Mama. Pwede po ba akong bumalik dun minsan. Kasi mag-isa lang doon si Ama gusto ko sana sya dalhin dito pero ayaw naman nito. Hindi na daw kaya ng kanyang katawan."
"Hayaan mo Jade. Sasamahan kita pag bumalik ka sa Ama mo. Magpapaalam ako sa Dada mo para makabalik tayo dun."
"Talaga Mama? Thank you po." Kitang kita kay Jade ang tuwa ng malaman nyang babalik sa probinsya. Nag-alala kasi sya baka biglang pumunta doon sila Althea at di sya makita nito.
Pagkatapos nila kumain ay agad tinawagan ni Jade si Bianca. Miss nya na rin ito dahil hindi man lang sya nakapagpaalam mula ng umalis sya patungong probinsya.
"Hello Bestie?"
"Hello Jade! Where have you been?! Tumatawag ako sa inyo at sinasabi ng maid nyo na nasa province ka daw?? Anong ginawa mo dun?!"
"Hay long story bestie pero nakabalik na naman ako. Let's meet ang dami kong ikwento sayo."
"Bestie, I can't go today. Sasamahan ko ang pamangkin ko sa pedia nya. Maybe tomorrow? Puntahan kita dyan."
"Sure bestie. See youuu." At binaba na nito ang phone.
Cathleen's Clinic
Lumabas sandali si Cathleen kaya naiwan si Batching, Althea at sekrestarya nito sa clinic. Kahit papaano ay bumuti na ang kalagayan ni Althea hindi gaya kanina na medyo nahihilo pa ito.
"Napakabait ni Cathleen ano?" Tanong ni Batching sa sekretarya nito.
"Ah oo mabait po talaga yan si Ma'am. Sobrang matulungin sa mga tao."
"Maswerte nga kami dahil nakita nya kami sa daan baka kung hindi ay napano na ako." Singit naman ni Althea.
Sasagot pa sana ang sekretarya ni Cathleen ngunit narinig nyang may pumasok sa clinic. Kaya madali syang pumunta sa may pinto para silipin kung sino iyon.
"Maam Bianca, kayo po pala. Lumabas lang po si doktora. May problema po ba?"
"Ilang raw na kasing inuubo si Maerinel. Ako na lang sumama dahil busy ang parents na today."
"Ay sige po Maam Bianca. Upo muna po kayo at kukunin ko ang records nya."
Hindi alam ng sekretarya ay sumunod sa kanya si Batching.
"May matutulong ba ako?" Alok nito sa kausap.
"Sige ok lang ako dito. Samahan mo na lang muna si Althea."
"Sige." Tumingin muna ito kila Bianca saka pumunta kay Althea.
"Dumating na si Cathleen?" Tanong dito ni Althea.
"Ah hindi may pasyente si Doktora na dumating."
"Batching, pag gumaan na ang aking pakiramdam ay puntahan na natin si Jade ha? Baka nag-alala na yun sa ating dalawa. Alam kaya nya na nakabalik tayo?"
"Baka may ideya sya na nakabalik na tayo. Panigurado ay may mga onting nabago sa hinaharap dahil sa mga nangyari."
"Sana nga alam ni Jade na nandito na tayo. Hindi na ako makapaghintay na makita sya. Sya nga pala Batching di pa ako nakakapagpasalamat sayo."
"Kaibigan kita kaya tutulungan kita Althea."
Flashback
Nang paparating na ang liwanag ay naramdaman ni Althea ang pagkapit ni Ben sa braso nya. Dahilan ito upang mabitawan ni Althea ang mga kamay ni Jade.
Nakita naman ni Batching ang ginawang paghila ni Ben kaya agad syang lumapit dito at tinulak si Ben palayo sa kanila. Hindi na nito alam kung nakapasok din si Ben sa portal dahil nang mapawi ang liwanag ay dalawa na lang sila ni Althea na naiwan sa liblib na lugar.
Hapong hapo naman si Althea dahil sa daming dugo na nawala sa kanya. Sinusubukan naman ni Batching na pumara ng mga sasakyan para tumulong sa kanila. Mabuti na nga lang ay may isang napadaan at tumigil sa harap nila.
"Anong nangyari?" Tanong nito.
"May sugat po ang kaibigan ko kailangan po natin syang dahil sa pagamutan agad."
"Doktor ako malapit lang clinic ko dito. Tara at sumakay na kayo."
End of Flashback
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going