Chapter 14

918 79 5
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Jade sa nakita di nya alam kung namamalikmata lang ba sya sa nakikita ngayon. Lahat ng pag-aalala nya ay nawala nang makta nya ito sa kanyang harapan. Di nya maiwasan mapaluha at dahan dahan itong lumapit kay Althea. Una nitong hinawakan ang mukha ni Althea upang makasigurado ito na hindi lang guni guni ang kanyang nakikita.

"I miss you." Sabay yakap nito kay Althea.

Hindi alam ni Althea kung anong sasabihin nito kay Jade. Gusto nyang magalit kay Jade dahil napalitan na sya nito agad pero iba ang sinasabi ng puso nya. Sobrang natutuwa sya na nakita na nya si Jade at natutuwa sya na kayakap nya na ito ngayon.

"Sandali Althea. Ipapakilala kita sa Kuya ko. Kuya Paul, si Althea. Althea, ang Kuya Paul ko" Ngumiti naman dito si Paul.

"Kuya? Kapatid mo sya?"

"Oo. Kapatid ko sya. Bakit?"

"Ah. W-wala. Magandang hapon po." Sabay tumingin naman ito kay Batching na may ngiti sa mata.

"Wait wait. So magkakilala kayo ni Jade? Pano?" Singit ni Cathleen sa mga ito.

"Mahabang kwento Cathleen eh pero oo magkakilala kami."

"So pano nyo nakilala si Cathleen?" Tanong naman ni Jade.

"Tinulungan nya kami Jade. Doon kami nakatira ngayon sa kanila. Ginamot nya yung sugat ko nakita nya kaming naglalakad noon sa daan buti at tinulungan nya kami."

Napangiti naman si Jade sa sinabi ni Althea. Buti na lang talaga at si Cathleen ang nakakita sa dalawa. Kaya naging ligtas ang mga ito at naging dahilan pa upang magkita sila.

"Ok na ba yung sugat mo?" Pag-alalang tanong ni Jade.

"Ayos na Jade. Magaling na ito."

"Mabuti naman." Di maiwasan ni Jade na yakapin uli ito.

"Girls, gusto nyong magdinner muna tayo?" Yaya ni Paul sa kanila.

"Sige Kuya."

Habang naglalakad sila ay di naman maiwasan ni Cathleen na mapatingin sa kamay ng dalawa. Magkaholding hands ang mga ito at paminsan minsan pa ay nagyayakapan.

Nang makarating sila sa restaurant ay nagorder agad ang mga ito. Kitang kita naman nila ang pagalalay ni Jade kay Althea.

"Jade, meron ka atang hindi nakkwento." Tanong ng Kuya Paul nya.

"Kuya, I love Althea and hindi pa kami. Kung yun yung gusto mong malaman."

"Hindi pa kayo sa lagay na yan? Haha. Halos maghalikan na kayo sa harap namin ah. And Jade hindi yun yung gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung san kayo nagkakilala."

"Sa province. Dun sa Hacienda ni Ama."

"Ahh. So Althea, seryoso ka ba sa kapatid ko? Kasi bunso namin yan si Jade. Ayaw naming nasasaktan yan."

"Kuya naman." Saway dito ni Jade.

"Di ko sasaktan ang kapatid mo Paul. Pangako yan." Di naman mapigilan ni Jade ang kiligin sa sinabi ni Althea.

"Oo nga pala Cathleen. Thank you sa pagtulong mo kay Althea at Batching. Mas ok siguro na sa bahay na lang sila magstay."

"Ok lang naman sa kin Jade na dun sila magstay. Saka kung ok lang kay Althea na dun pa rin sila." Baling naman nito kay Althea.

"Cathleen, sobrang dami mo ng naitulong sa min. Nakakahiya naman sayo na manatili pa kami dun ni Batching."

"Oo nga Cathleen. Tama na siguro yung mga naitulong mo. Napakalaking bagay na nun sa amin ni Althea. Lagi ka naming bibisitahin doon. Wag kang mag-alala."

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon