Nagising si Jade sa mahinang mga hikbi na kanyang naririnig. Minulat nito ang kanyang mata upang hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Nakita nya si Althea na nasa may bintana at doon tumatangis. Lumapit sya dito dahan dahan at niyakap ito.
"Bakit ka umiiyak?" Agad naman pinunasan ni Althea ang kanyang mata nang maramdaman nya ang pagyakap ni Jade.
"Wala ito Jade. Bumalik ka na sa iyong pagtulog. Susunod na din ako."
"Bakit ka nga umiiyak? May sinabi ba sa iyo ang iyong Itay?" Pagpilit nito kay Althea.
"Hay. Nagalit sya sa akin Jade. Gusto nya pa rin ituloy ko ang pagpapakasal kay Ben."
"Edi wag ka magpakasal kay Ben."
"Pero hindi pwede Jade. Ayokong iwan ang aking pamilya. Narinig mo naman yung kwento ni Apo na nangyari sa pamilya ko nung umalis ako di ba? Ayoko mangyari uli yun Jade." Lalong umagos ang luha sa mga mata ni Althea.
"Alam ko. Kausapin na lang natin ng maayos ang iyong Itay. Sigurado naman tutulungan tayo ng iyong Inay."
"Sana nga Jade."
"Tara na matulog. Ipasyal mo ako dito bukas please?" Pagpapa-cute pa ni Althea dito.
"Sige sige." Ngumiti na ito at hinalikan ang noo ni Jade.
"Buti na lang at nandito ka Jade at napapasaya mo ako." Sabay halik sa kanyang labi.
"Tara ituloy na lang natin to dun oh" Turo ni Jade sa kama.
'Haha. Ikaw talaga." Sabay palo sa kanya n Althea.
"Joke lang. Tara na matulog."
"Jade, kailangan pala natin puntahan si Batching bukas para malaman natin kung kalian ka pwede bumalik sa inyo"
"Pano kung ayaw ko ng bumalik Althea?"
"Hindi pwede Jade. Sinabi ko sa Ama mo na ibabalik din kita dun. Di ka pwede tumagal dito."
"Pero Althea—" Pinutol na agad ni Althea ang sasabihin ni Jade.
"Wala ng pero pero Jade. Hindi ka ligtas dito lalo na pag nalaman ng aking Itay ang tungkol sa atin. Ayokong mapahamak ka. Ako na bahalang gumawa ng paraan. Pagkatiwalaan mo ako dito Jade."
"May tiwala ako sayo Althea."
Hindi na namalayan ng dalawa na nakatulog na pala sila. Nagising na lang sila sa katok ng Inay ni Althea.
"Althea, gumising na kayo. Aba'y tanghali na." Naunang bumangon si Althea upang puntahan ang kanyang Inay.
"Inay, susunod po kami ni Jade. Kami'y mag-aayos muna."
"Oh sige. Sabay sabay tayong kakain ng iyong Ama kaya bilisan mo. Ayaw nun ang naghihintay."
"Opo inay."
Bumalik na si Althea sa loob upang gisingin si Jade.
"Jade, mag-ayos ka na. Tara na kumain pagkatapos ay ipapasyal kita dito sa bayan." Tumango tango lang si Jade kahit halatang inaantok pa.
Pagkatapos nilang mag-ayos ay sumunod na sila sa hapag kainan.
"Magandang umaga po." Bati ni Jade sa mga nakaupo sa mesa.
"Kamusta ang iyong tulog Jade?" Tanong ng Inay ni Althea dito.
"Mabuti naman po. Masarap po ang aking tulog." Sabay kindat nito kay Althea. Nagulat naman si Althea sa ginawa nito. Buti na lang at hindi ito nakita ng kanyang Inay.
"Kumain ka ng marami Jade. Baka gutumin ka mamaya. Inay, ipapasyal ko po pala dito si Jade sa ating bayan."
"Oh sige anak. Magpasama kayo sa inyong pinsan."
"Wag na po Inay kami na lang pong dalawa. Kaya naman po namin."
"Taga san ka nga pala uli Jade?" Singit ng Itay ni Althea.
"A-Ah dyan lang po sa—" Di alam ni Jade ang kanyang sasabihin kaya pinutol agad ito ni Althea at sya ang sumagot.
"Sa may ikatlong bayan pa sya Itay. Medyo malayo po dito. Buti na lang at nung pumapasyal sila ng kanyang mga pinsan ay nakita nila ako."
"Ah. Ano ang inyong apelyido Jade?"
"Tanchingco po." Nakalimutan ni Jade na parehas nga pala sila ng apelyido ng kanyang Ama.
"Maaring kamag-anak mo sila Cecilia ang kaibigan ni Althea. Di ba Althea?"
"Ah hindi daw po Itay. Nakausap namin kahapon si Cecilia. Kala din naming ay baka kakilala nya ito. Mukhang hindi naman po."
Bago pa magtanong ng kung ano ano ang Itay ni Althea ay niyaya na nya si Jade upang umalis.
"Alis na po kami Itay at Inay. Baka po gabihin kami."
"Oh sige anak. Mag-ingat kayong dalawa baka san san na naman ikaw mapadpad Althea."
"Hindi po Inay. Mag-iingat po kami."
Nagmadali ang dalawa na lumabas ng bahay.
"Kinabahan ako dun Althea."
"Ako rin Jade. Sa susunod ako na lang ang sasagot sa mga tanong nila ha? Tara na kila Batching. Mukhang paliwanag pa ang kailangan natin gawin."
Nang makarating na ang dalawa sa bahay nila Batching ay maagad na nilang tinawag ito at niyayang pumunta sa malaking bato. Pagdating sa malaking bato ay inumpisahan na nilang magkwento kay Batching tungkol sa mga nangyari at kung pano sila nakabalik. Nagulat man si Batching ay di na sya nagtaka na maaring possible ito. Madami daw syang nabasa sa libro ng kanyang lola tungkol dito at kung pano ang seremonyas sa pagbukas ng portal.
"Ikatlong araw mula ngayon ay kabilugan ng buwan. Maari nating subukan sa panahon na iyon. Mas madali sana kung nandito pa ang aking lola. Matutulungan sana nya tayo. Pero hayaan nyo gagawin ko lahat ng paraan para matulungan ko kayang dalawa."
"Salamat Batching. Napakabuti mo talagang kaibigan." Yakap ito ni Althea sa sobrang kagalakan nito.
"May pagtingin ka sa kanya no Althea?" Bulong dito ni Batching ng mapalayo sila kay Jade
"Paano mo naman nasabi Batching?"
"Madaming nagkakagustong mga binata sayo Althea ngunit ni isa ay sa mga iyon ay di mo nagustuhan. Nang makita ko kung paano ka tumingin kay Jade. Alam ko na agad na may nararamdaman ka para dito kaya gusto mo syang makabalik ndi ba Althea?"
"Hay. Oo parehas kaming may nararamdaman sa isa't isa. Umamin na ako sa kanya at ganun din sya sa kin. Pero paano ko papanindigan yun Batching? Nasa magkaiba kaming panahon at ang gusto ng aking Ama ay si Ben ang mapangasawa ko."
"Alam mo Althea. Naniniwala ako na kahit anong mangyari ay pagtatagpuin kayo uli ng panahon. Hindi man ngayon pero sa hinaharap ay gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para sa inyo. Hindi ba kayo nagtatakang dalawa kung bakit kahit magkaiba ang inyong panahon ay nagkakilala pa din kayo? Mukang kayo talaga ang itinadha na para sa isa't isa. Kaya magtiwala lang kayo sa tadhana."
"Salamat Batching at naiintindihan mo ko." Nahihiya man si Althea sa pag amin nya nagalak naman ito dahil naiintindihan sya ng kanyang matalik na kaibigan.
Pumunta pa ang mga ito sa kung saan saang lugar sa kanilang bayan. Pinakilala din nila si Jade sa mga kakilala nila. Madami pang napagkwentuhan ang mga ito tungkol sa hinaharap. Nang mapansin na ng mga ito na malapit na maggabi ay nagsikanya kanya na silang uwian.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Dear Jade
عاطفيةAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going