Chapter 13

869 76 13
                                    

Lumipas ang mga araw at nakarecover na rin si Althea. Pinagpasyahan nilang manatili muna kila Cathleen habang nagpapagaling ito. Habang nasa Manila sila ay nillibot sila dito ni Cathleen. Dinala nya ito sa mall at mga parks para malibang naman ang dalawa.

"Cathleen, handa na kami ni Batching. Hintayin ka na lang muna namin baba." Katok nito sa kwarto ni Cathleen.

Naipangako ni Cathleen sa dalawa na manonood sila sa sine. Kaya sobrang excited ang mga ito at naunahan pang magprepare si Cathleen.

"Ano ready na kayo?" Tanong ni Cathleen sa dalawa.

"Oo Cathleen. Kanina pa nga kami nasasabik ni Althea. Unang beses naming itong manood ng sine."

"Haha sige sige. Tara na." Sabay kapit nito sa braso ni Althea. Ilang man si Althea ay hinayaan nya na lang ito marahil ay natutuwa lang ito sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakarating na ang tatlo sa mall. Dumiretso na sila sa sinehan para mamili ng palabas na panoorin.

"Siguro ito na lang romance ang panoorin natin. Ok lang ba sa inyong dalawa yun?"

"Kahit ano Cathleen. Ayos lang sa amin ni Althea."

"Sige." Lumapit na ito sa counter at bumili ng tickets. Pagkatapos ay bumili na sila ng popcorn at pumasok sa sinehan.

***


[Tanchingco's]

Napapansin ng Kuya Paul ni Jade ang lungkot sa mga mata nito dahil alam nyang mahilig magmovie marathon ang kapatid kaya niyaya nya itong manood ng movie. Naisip nito siguro kailangan ni Jade ng onting distraction sa kung ano man ang iniisip nya.

"Bunso, gusto mo manood ng movie? I'll treat you. May bagong romance movie ngayon baka gusto mo."

"Talaga Kuya Paul? Sige go ako dyan."

"Sige magprepare ka na. Haha. I'll see you downstairs." Sabay pisil pa nito sa dalaga dahil sa napakacute na reaction nito.

Pagkabihis nito ay bumaba na sya agad para puntahan ang Kuya Paul nya. Ayaw nyang paghintayin ito dahil baka biglang mag-iba ang isip nito.

"Mama, aalis na kami Jade. Are you sure ayaw mo ng sumama sa min?"

"Wag na anak madami pa akong gagawin dito. Magdate na lang muna kayong magkapatid."

"Sige po Mama. Bbye." Paalam ng dalawa dito.

Nakarating agad ang dalawa sa mall. Pumila na ang Kuya Paul nya para bumili ng ticket habang sya ay dumaan muna sa flower shop nila.

"Hello Jade. Nasan ka na? Nakabili na akong ng ticket."

"Malapit na ako kuya."

"Jade here." Kaway ng Kuya Paul nya sa kanya.

"Sayang Jade. Sana nakita mo yung three girls na nasa harap ko kanina. Ang hot nilang tatlo. Sayang wala ka dito di ko nakuha number nila. Wala akong wingman."

"Ay nako Kuya Paul. Sinama mo lang ata ako para mang chicks eh."

"Hindi no. Haha. Tara na nga sa loob."

"Mauna ka na Kuya sa loob. Kailangan ko lang pumunta sa washroom."

"Sige. Ito yung seat number natin."

Pumasok na si Jade sa cr ng girls. Habang nasa loob sya ng cubicle may narinig naman itong pumasok sa katabi nyang cubicle. Pagtapos nya ay naghugas na ito ng kamay at inayos ng onti ang sarili sa salamin saka lumabas dito.

***

[Althea]

"Cathleen, magbanyo lang ako. Habang hindi pa naguumpisa ang palabas."

"Oh. Sige Althea. Gusto mo bang samahan kita?"

"Ah wag na. Kayo ko naman. Salamat Cathleen."

Dumiretso na agad ito sa banyo. Medyo nagmamadali pa ng ito dahil baka magsimula na ang palabas. Pagkapasok nya sa cubicle ay syang labas naman ng nasa katabing cubicle. Paglabas nya ay di tanging likod na lamang nito ang nakita nya. Naghugas muna sya ng kamay saka lumabas. Sakto naman pagkaupo nya ay magisismula na ang palabas.

"Madami din palang nanood sa sinehan no?" Bulong ni Althea kay Cathleen.

"Ah oo. Onti pa nga yan dahil ang madami pang upuan na vacant. Minsan puno talaga yan." Tumango si Althea bilang pag sangayon sa dalaga.

Malapit na matapos ang palabas ng biglang may tumawag na emergency kay Cathleen. Kaya nagexcuse muna ito para sagutin ang tawag. Natapos na ang palabas ay di pa rin bumabalik si Cathleen kaya napagpasyahan na lang ng dalawa na sundan ito sa may labas.

Nagtayuan na rin ang ibang mga taong nanood ng movie pero sa isang tao lamang napukaw ang atensyon ni Althea. Kitang kita nya ang paghawak ng babae sa braso ng kausap nitong lalaki. Kita nya ang saya sa bawat tawa nito sa kung ano man ang sinasabi ng kausap.

"Jade" Pabulong nyang nasabi sa sarili.

Napansin ni Batching na may tinitignan nag kasama mula sa malayo.

"Althea, si Jade. Puntahan natin sya." Lalapit na sana dito si Batching ngunit pinigilan sya ni Althea.

"Batching, wag na. Mukang masaya na ito. Tignan mo nga sya oh kita mo ba yung mga ngiti sa labi at mata nya habang kasama nya yung nobyo nya."

Hindi na sumagot si Batching dahil tama naman ang sinabi ni Althea. Kitang kita nila ang saya sa mga mata nito.

"Paano yan Althea?"

"Hayaan mo na muna Batching. Wag mo na lang bangitin ito kay Cathleen." Tumango naman ito bilang tugon.

Pinauna na muna nila ang dalawa para hindi nila ito makasabay. Pagkalabas nila ay nakita nila si Cathleen na may kausap.

"Oh ayan na pala yung mga kasama ko." Ngiting sabi ni Cathleen habang nakaturo sa direksyon namin.

Nagulat ang dalawa ng makita nilang si Jade at ang nobyo nito pala ang kausap ni Cathleen. Iiwas na sana sila ng biglang humarap si Jade at halata sa expression nito ang pagkagulat na makita ang dalawa dito.

"Althea?" Mahinang sabi ni Jade.

"Jade." Nakangiting sagot naman ni Althea dito.

To be continued....

Author's Note:

Thank you sa mga patuloy na nagbabasa nito. Will update next Monday po! Happy Weekend!.

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon