Araw na ng pagbalik ni Althea sa kanyang panahon. Maagang gumising ang dalawa upang maghanda para sa gagawin nila mamaya. Nasabi na rin ni Jade ang binabalak sa kanyang Ama. Nagaalala man ito sa kanyang apo ay wala syang magawa dahil gusto din nyang tulungan si Althea.
"Jade?" Tawag ni Althea sa kanya. Lilingon na sana ito ngunit mabilis nadumapo ang labi ni Althea sa labi nya. Maagad naman itong tumugon sa mga halik nito. Hindi alam ni Jade kung anong kilig ang kanyang naramdaman ng gawin yun ni Althea. Basta ang alam nya ay masaya sya dahil dito.
"Jade, kahit anong mangyayari mamaya ay gusto kong malaman mo na mahal kita. Hindi ko alam kung bakit ganito kabilis mahulog ang loob ko sayo. Iba ang saya na dala mo sa akin. Salamat at lagi kang nandyan para tulungan ako."
"Althea, ganun din yung nararamdaman ko. Di ko alam kung masaya lang akong kasama ka o mahal na kita. Basta ang alam ko lang ayokong mawala ka. Gusto ko lagi akong nasa tabi mo kahit anong mangyari."
Hindi ko na hinayaang sumagot pa si Althea. Agad akong yumakap sa batok nya at hinila sya papunta sa akin. Hinalikan ko ang mapula pula nitong labi. Di ko maiwasang di pagnasahan ang labi ni Althea sa tuwing titingin ako dito. Para bang lagi akong inaakit para halikan ito. Ramdam ko naman ang pagtugon ni Althea sa mga halik ko.
Unti unting tinatanggal ni Althea ang butones ng suot kong polo habang ang labi nya naman ay pababa sa leeg ko. Lalo akong napakapit sa batok ni Althea dahil sa ginagawa nya. Dahan dahan nalaglag ang polo na suot ko kasabay nun ang pag-alis ni Althea sa bra ko. Nakatingin ito sa akin na puno ng pagnanasa ngayon ko lang nakita si Althea na ganito at mukang magugustuhan ko ito.
Ang tagal nitong nakatingin sa dibdib ko na tila di alam ang kanyang gagawin. Bumibigat na din ang bawat paghinga ko habang hinihintay sya ang akinin ako. Di na ako nakatiis kaya bigla ko na lang hinila si Althea papunta sa dibdib ko.
"Hmm. God Althea.."
Nang marinig iyon ni Althea ay lalo nya pang diniinan ang kanyang labi sa tuktok ng aking dibdib. Puro ungol lang ang maririnig sa kwarto paminsan minsan ay tumitigil si Althea pag napapalakas ang ungol ko dahil baka marinig daw kami ni Ama. Natatawa naman ako dahil halatang kabado sya sa kanyang ginagawa.
Tinulungan ko syang hubarin ang shorts ko. Bago nya pa ibaba ang underwear ko ay hinalikan ko muna ito. Mas madiin at mabilis na halik na ngayon kumpara sa kanina na marahan.
"Jade.." Rinig kong sabi ni Althea habang naghahabol ng hininga.
"I love you Althea."
"Mahal din kita Jade."
Pagkatapos nyang sabihin yun ay dahan dahan na nitong binaba ang natitirang damit sa katawan ko. Ngumiti ito sa kin habang ako ay nakakagat labi na hinihintay ang bawat gagawin nya.
Pinagsaluhan naming ang bawat sandali na iyon. Di kami nagaksaya ng oras at ginawa ang mga pwede naming gawin. Pagkatapos ng sandali na iyon ay mas lalong naging sweet sa kin si Althea at ganun din naman ako sa kanya. Napapansin na din ito ni Ama ngunit lagi nya lang akong nginingitian at sinasabing tanggap nya ako kahit anong mangyari.
Masaya ako na kahit di pa ako umamin kay Ama tungkol sa nararamdaman ko kay Althea ay tanggap na ako nito. Tanggap ko na rin naman sa sarili ko na hindi lang ito infatuation. Sigurado na akong mahal ko si Althea at lagi akong nasa tabi nya kung maari.
Sumapit na ang gabi at nandito na rin si Apo dito sa bahay. Napagusapan na sabay sabay na lang kaming pupunta doon. Sumama din si Ama sa kanila upang masigurado ang kaligtasan ko.
Onting sandali pa ay lumabas na ang buwan kaya nagsimula na si Apo sa kanyang mga seremonyas. Magkahawak kami ni Althea habang naghihintay kung ano man ang mangyayari. May narinig kaming mahihinang kulog senyales na ito malapit na mabuksan ni Apo ang portal.
Bigla na lang may tumamang isang malakas na kidlat at nagliwanag ang paligid. Lalong humigpit ang hawak sa kin ni Althea sinisigurado nito na di ko mabitawan ang kanyang kamay. Pagkahupa ng liwanag ay napansin ko na wala na sila Ama at Apo sa aming harapan. Mukang nagtagumpay si Apo sa ginawa nyang pagbukas sa portal.
Minadali ako ni Althea na pumunta sa bahay nila para masigurado na nasa tamang panahon nga kami. Habang nasa malayo pa ay nakita ko na ang bahay nila Althea mukang lumang bersyon nga ito ng bahay sa hacienda. Tuloy tuloy kami ni Althea na pumasok sa bahay nila. Laking gulat ng mga tao sa bahay ng makita si Althea na kasama ako.
"Althea. Anak, san ka ba nagpupunta? Saan saan ka namin hinanap ng iyong itay?" Sobrang daming tanong ng nanay ni Althea sa kanya. Di naman magkamayaw ang ibang tao sa tuwa dahil bumalik na si Althea sa bahay nila.
"Nay, bago po ang lahat. Si Jade po pala ang kaibigan ko. Naligaw po ako saka nila ako nakitira." Pag sinsinungaling ni Althea sa kanyang ina. Ayaw man nitong magsinungaling ngunit kailangan para wala na itong marami pang tanong.
"Salamat Jade at sinamahan mo ang aking anak makabalik dito. Buti na lang ikaw ang nakakita dito sa aking anak" Laking tuwa ng Ina ni Althea at napayakap pa ito kay Jade.
"Walang anuman po. Napakabait po ni Althea para hindi po namin tulungan."
"Mabait talaga itong anak. Aba teka bakit ganyang ang inyong mga kasuotan. Bakit kayo nakapantalon? Ang mga babae ay di maaring magpantalon magpalit kayo doon ng inyong mga kasuotan nakakahiya sa mga bisita." Saway ng nanay nya sa amin.
Natawa naman kami parehas ni Althea at pumasok na sa kanyang kwarto. Pagkapasok namin ay niyakap agad ako nito.
"Salamat Jade. Nakabalik din tayo. Tara na magbihis. Mamaya maya ay tatawagin na tayo ni ina."
Pagkatapos kong magbihis ay napansin kong nakatingin sa kin si Althea.
"Bagay pala ang mga ganyang kasuotan sayo binibini." Kumindat pa ito at hinalikan ang aking kamay.
"Feeling ko nga nasa costume party ako. Haha." Hahalikan ko pa sana ito sa labi ngunit bigla na kaming tinawag ng kanyang ina.
"Althea halina kayo rito at gusto kang makita ng iyong itay."
Paglabas naming ay nakaabang na sa amin ang kanyang itay. Nagmano ito sa kanya at pinakilala ako ni Althea.
"Itay si Jade po. Ang pamilya nya po ang kumupkop sa akin nung ako ay nawala."
"Salamat Jade at tinulungan mo ang aming anak napakalaki ng utang na loob namin sayo."
"Wala po iyon."
Niyaya na kami nito kumain sa baba. Nandun rin ang napakaraming tao na naghihintay kay Althea. Nakita ko naman ang isang magandang babae nakamukhang kamukha ng aking Ama.
"Jade, ito nga pala si Cecilia. Cecilia, ito si Jade." Imbis na makipagkamay ay niyakap ko ito. Tuwang tuwa akong makita ang aking Ama sa kanyang kabataan. Mukhang nagulat naman ito sa ginawa ko.
"Cecilia, iyo na lamang pagpasensyahan itong si Jade. Sabik lang ito sa kaibigan. Di ba Jade?"
"A-Ah. Oo ikinagagalak ko na makilala ka."
Nakita ko rin dito si Apo at ang iba pang mga kaibigan ni Althea. Madami akong nalaman na mga bagay na tungkol kay Althea dahil sa kanila. Napakabait ng mga tao dito mukang magenjoy naman ako dito kahit papano. Natapos ang gabi ng masaya dahil nakabalik na si Althea.
Bago pa man kami makabalik sa kwarto ni Althea ay tinawag na ito ng kanyang Itay. Nais daw syang kausapin nito kaya nauna na ako sa kwarto. Sa sobrang pagod ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going