|GLAIZA|
"A-Althea?"
"Ama!" Biglang sigaw ni Jade at lumayo ito sa pagkakahawak ko sa kanya. Kita ko naman ang pamumula ng pisngi nya. Agad syang lumapit sa Ama nya at tinawag ako nito na lumapit din.
"Ama, this is Glaiza. Nakilala ko sya sa palengke tinulungan nya akong mamili para sa favorite food mo."
"Akala ko si A—" Di na natuloy ng matanda ang sasabihin dahil biglang sumingit si Jade.
"A-Ama, punta muna kami sa may ilog. Mamaya na lang kita kkwentuhan ha?" Di na nya hinintay sumagot ito at hinala na nya ako palabas.
Nakaupo kami ngayon sa may puno walang ni isa man lang ang nagsasalita sa min. Halos mabingi na ako sa katahimikan. Halos matunaw na din ako sa pagititg nito.
"Jade, titigan mo lang ba ako maghapon dito?" Biro ko sa kanya. Bago humarap dito pero laking gulat ko na ang lapit na ng mukha nito sa kin.
"J-Jade" Nanginginig kong sabi sa kanya di ko alam kung kaba o kilig ang nararamdaman ko ngayon dahil sa paglalapit ng mga mukha namin.
"Sorry pero kailangan kong gawin to." Agad nyang tinawid ang pagitan naming dalawa at naramdaman kong lumapat ang kanyang labi sa labi ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa ginagawa nya. Nakatulala lang ako dito habang abala sya pag angkin ng mga labi ko. Napansin nya ata na hindi ako tumutugon sa mga halik nya kaya dumilat ito at nakipagtitigan sa kin. Tumigil din sya sa paggalaw ng kanyang mga labi pero hindi pa rin nito inaalis ang pagkakahalik sa kin.
Kita sa mga mata ni Jade ang pagtataka sa hindi ko pagtugon sa mga halik. Agad nyang hinawakan ang batok ko at mas pinagdikit nya pa ang mga labi namin pati na rin ang aming mga katawan. Pumikit uli ito at itinuloy ang ginagawa kanina. Wala na akong nagawa kundi magpaubaya sa kanya. Unti unti kong binuka ang aking bibig at sinimulan ko na rin sakupin ang kanyang mga labi.
"Hmmm" Rinig kong ungol nito pagkatapos kong ipasok ang dila ko sa loob ng bibig nya. Hindi naman ako binigo nito at agad din nakipaglaro ang dila nya. Tumigil kami parehas upang kumuha ng hangin dahil sa tagal ng aming halikan.
Ngumiti sa kin si Jade bago ako nito niyakap ngunit di pa rin matanggal ang kaba sa aking dibdib pati na rin ang kakaibang pakiramdam sa aking tyan. Alam kong naririnig ni Jade kung gano kalakas ang tibok ng puso ko ngayon. Kinuha nya ang kamay ko at nilagay nya ito sa may dibdib nya. Naramdaman ko din kung gano kabilis ang tibok ng puso nito.
***
|JADE|
Nakatitig lang ako kay Glaiza simula ng dumating kami dito sa may ilog. Di ko maalis ang tingin ko sa kanya gusto kong isipin na si Althea ang kasama ko pero alam kong magiging unfair yun sa kanya. Gustong gusto kong halikan ang mapupulang labi ni Glaiza kahit papaano ay mawala man lang ang pangungulila ko kay Althea.
Inilapit kong dahan dahan ang mukha ko sa kanya gusto kong makita sa malapitan kung ano ang pagkakapareho nila ni Althea. Pero bago pa ako makalapit ay bigla itong nagsalita at humarap sa gawi ko. Parehas naman kaming nagulat dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.
Gusto kong malaman kung parehas din ba sila humalik ni Althea kung parehas din ba ang pakiramdam ng labi nito sa labi ko. Ganun din kaya ang epekto sa kin ni Glaiza gaya ng epekto sa kin ni Althea. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko dahil gusto ko ng malaman ang sagot sa mga tanong ko.

BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going